97: Before You Go

Start from the beginning
                                    

"Magtiwala ka, magiging maayos din ang lahat. Pwede ba kong humingi ng pabor?"

"Ano 'yun?" Tanong niya sakin.

"Ikaw na munang bahala kay Mina. Ikaw na rin munang bahala kila Chaeyoung. Huwag niyo kong alalahanin. Babalik din ako sa tamang panahon." Sagot ko sa kanya.

"O--Okay. Fine. Nangako kang babalik ka, tuparin mo. Hahayaan kitang umalis dahil may tiwala ako sayo. Mag-ingat ka, Dahyun." Sagot niya kaya naman napatango na lang ako't lumakad na palayo.

Kada hakbang palayo sa bahay na ginagawa ko, mas nakakaramdam ako ng kalungkutan.

Ayokong gawin 'to pero kailangan. Kung papalarin ako, magbabalik ako. Pangako 'yan. Huminga na lang ako ng malalim at nagpatuloy na sa paglalakad paalis.

I'll protect her no matter what. Hindi na niya kailangan pang malaman ang tungkol dito. Kung kinakailangang protektahan ko siya mula sa malayo, gagawin ko.

Sa paglalakad ko palayo, napahinto ako sa paglalakad dahil sa narinig kong boses.

"Kim Dahyun!" Sigaw ng kung sinong may familiar na boses. Dahan-dahan akong napalingon sa likod ko.

Hindi ako makapaniwalang makikita ko ulit siya bago ko tuluyang umalis.

Mina's Pov:

Nagising ako dahil sa pangangatok ng kung sino sa kwarto ko. Napabangon tuloy ako dahil sa walang hintong pagiingay ng kung sino sa labas ng kwarto ko.

"Yah! Sino bang ---"

"Mina! Faster! Paalis na si Dahyun! Habulin mo siya!" Nagmamadaling sabi ni Jeongyeon sabay hila sakin palabas ng kwarto.

"Hoy! Jeongyon, Ano ba 'yang sinasabi mo?" Nagising rin si Momo sa ingay ni Jeongyeon.

"Kailangan niyong makapagusap ni Dahyun bago siya tuluyang makaalis. Bilisan mo na!" Dagdag ni Jeongyeon.

"Huh? Teka! Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Basta! Bilisan mo na! Go!" Dagdag niya kaya naman lumabas na ko ng bahay kahit na hindi pa ko nakakapagsuklay.

"Ang ingay mo, Jeongyeon!" Sigaw ni Nayeon na nagising rin bago ko tuluyang makatakbo sa direksyong inituro ni Jeongyeon.

Nagtatakbo ko nang mabilis kahit na mukha akong bruha. Ang agang exercise naman nito. Hindi lang jogging 'tong ginagawa ko eh. Talagang takbo na nang mabilis.

Si Dahyun? Aalis? Aish. Bakit wala siyang sinasabi? Yun ba yung tungkol sa aasikasuhin niya ngayong araw?

Dahil sa pagmamadali ko, naabutan ko siya. Nakita ko siyang naglalakad habang may bitbit na bag.

"Kim Dahyun!" Sigaw ko habang tumatakbo palapit sa kanya.

"Mi--Mina?" Gulat niyang tanong hanggang sa tuluyan na kong mapayakap sa kanya nang mahigpit.

"Where do you think you're going?" Hinihingal na tanong ko sa kanya.

"Anong ----- Paano ---- ?" Gulat niyang tanong.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now