This whole week nga pala ang simula ng audition sa lahat ng Club.

Then, Cloud and Aviana complemented me for hearing the news. Pero kahit na gan'un ay hindi pa rin nawawala ang lungkot sa mga mata nila.

Dumeretso na kami sa canteen para kumain.

"Okay lang kaya si Rainne ngayon?"

Parehas kaming natigil sa pagkain ni Cloud at sabay na tumingin kay Aviana. Mabilis kong iniwan ang kinakain ko at lumapit sa kaniya ng mapansin kong umiiyak siya.

"Shh. Ano ka ba? Of course okay lang siya du'n. We know, Rainne. She's a tough woman. Kayang kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya kapag may gumulo sa kaniya d'un." Hindi siguradong sagot ko. Alam ko rin namang may kahinaan si Rainne dahil tao lang din naman siya. It's just that, wala akong mahanap na salita na pwedeng makapag-pagaan ng sitwasyon namin ngayon.

"H-how can we know? Hindi naman natin siya makakausap kahit sa bahay?" Pinahid niya ang luha niya. "Bakit kasi ngayon niya lang sinabi sa'tin eh! Dapat nagawan natin ng paraan para hindi siya nakalipat d'un!"

"Kailangan niyang gawin 'yon, Aviana. Kasi kung hindi, malalagot tayo. Hindi lang tayo. Pati si Carla,"

"Aviana, alam mo tumigil ka na. Nakakahawa ka, e!" Ngayon ay si Cloud naman ang umiiyak dito. Ano ba naman 'tong dalawang 'to? Baka pati ako umiyak na rin dahil sa ginagawa nila!

Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko na maluha. "Ano ba naman kayo? Tumigil na nga kayo."

Mabuti na lang ay kakaunti lang ang kumakain ngayon sa canteen. May ilang tumitingin sa'min at siguro nag-iisip na sila kung anong nangyayari sa'ming tatlo.

Pinahid ko na ang luha ko at parehas na hinawakan ang kamay nilang dalawa. "Girls, we have to be strong para kay Rainne. Kailangan natin sumunod sa gustong mangyari ng Drei na 'yon para hindi siya pahirapan ng lalaking 'yon. Huwag muna tayong makipag-usap sa kaniya." Mas hinigpitan ko ang kapit ko sa kanila. "Pero gagawa tayo ng paraan para madelete ang video na hawak nila. Kailangan nating gumawa ng plano para mabawi natin si Rainne sa kanila. This is our next mission."

This time, magiging maingat na talaga kami.

___

Pagkatapos naming kumain ay dumeretso na kami sa Music Hall dahil nga sa audition para sa Glee Club. Sinamahan na rin ako ng dalawa dahil wala naman daw silang sasalihang mga Club.

Ngayon lang din pumasok sa utak ko kung bakit kaming dalawa ni Philippe ang napili ni Mr. Magyaya na magjudge at pumili sa mga mag-o-audition. Wala bang ibang old members na pwedeng gumawa n'un? Saka baka maiinggit sila sa'min dahil baguhan lang kami ay ito agad ang gagawin namin.

Marami ng estudyante ang nasa Music Hall ng dumating kami. Sinalubong naman kami ni Carla, kasama niya si Mr. Magyaya.

Binati nila kami at ganun din ang ginawa namin.

"Where's Philippe? Hindi niyo ba siya kasama?" Mr. Magyaya asked. Kung hindi lang siguro niya ako tinanggap agad sa Glee Club at inilagay bilang judge ay baka nairapan ko na siya ngayon. It's obvious naman kasi na hindi namin siya kasama.

"Parating na rin po siguro siya mamaya." Tumango na lang siya bago nagpaalam na aalis.

Habang naglalakad papunta sa gilid ng stage ay binigyan ako ni Carla ng papel at ballpen. Dito ko raw ililista ang mga mapipili ko mamaya. Pinaupo ko naman muna si Aviana at Cloud. Biniro ko pa sila na mag-audition pero gan'un na lang ang pagtanggi nila. Baka daw bumagyo kapag nagsimula silang kumanta. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.

Five minutes before magsimula ang audition and yet hindi ko pa nakikita si Philippe. Wala kahit anino niya.

"Nasabihan mo ba si Philippe about dito?" tanong ko kay Carla.

Tumango naman siya, "Yes. Actually siya ang una kong sinabihan bago ka."

Kung gan'un. Bakit wala pa rin siya hanggang ngayon? Masyado namang paimportante ang baklang 'yon. Kung saan-saan pa siya pumupunta.

Ilang estudyante na ang tumapak sa stage para mag-aaudition pero hindi pa rin nagpapakita si Philippe. Sumasakit na rin ang ulo ko dahil ako lang ang naglilista ng nakakapasok habang si Carla naman ang nag-a-assist sa kanila. Bukod sa'ming dalawa, may iilan rin namang member ng Club ang tumutulong. Sabi sa'kin ni Carla, maraming member ng Club ang nawala dahil mga grumaduate na sila. Kaya ngayon, naghahanap sila ng mga bagong members.

At siguro 'yon din ang sagot sa tanong ko kung bakit kami ang napili ni Mr. Magyaya na mag-judge. Kasi wala silang ibang choice.

Kaya siguro tinanggap rin kami agad ni Philippe kahit hindi naman kami nag-audition.

Kanina ko lang din nalaman na bukod sa pagiging SSG Vice President ni Carla ay kasali rin siya dito sa Glee Club. Ang talented rin naman pala ni Carla.

___

Five hours ang itinagal ng audition bago kami natapos, at sa tagal ng audition na 'yon ay hindi talaga nagpakita ang magaling na si Philippe. Masasabon ko siya kapag nakita ko siya mamaya!

Maraming nakapasok kaya sobra-sobra ang pasasalamat ni Mr. Magyaya sa'ming mga tumulong. Nagpaalam na rin naman kami pagkatapos.

Nagkakatawanan na kaming tatlo habang naglalakad sa hallway, hindi katulad kanina na sobrang lungkot namin. Wala rin naman kasing maidudulot kung malulungkot kami sa paglipat ni Rainne. Lalo lang siyang mahihirapan kapag nakita niya kaming gan'un.

Ilang sandali lang ay nakauwi na kami. Si Thunder ang una naming nakita. Nakahiga siya sa sofa at mukhang pagod na pagod.

Sabay naman kaming tumingin ni Cloud kay Aviana na ngayon ay nakasimangot.

"Ikukuha na ba kita ng kutsilyo, Aviana?" Pagbibiro ko.

"Yes, please." Natawa naman kami sa sinabi niya. Galit pa rin talaga siya kay Thunder dahil sa ginawa nito sa kaniya.

Umakyat na rin agad kami sa kwarto. Hindi pa man ako nakakapasok ay nakita kong lumabas si Philippe sa kwarto nila. Nagulat pa siya ng makita ako.

Tinaasan ko siya ng kilay bago lumapit sa kaniya. Sasabunin ko lang naman siya dahil sa hindi niya pagsipot kanina. Pero bago pa ako makapagsalita ay inunahan na niya agad ako.

"Derek is sick. At kailangan kong alagaan ang kaibigan ko. I know your upset pero kailangan ko siyang unahin."

Natahimik na lang ako sa sinabi niya.

Si Derek may sakit?






When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now