"Huh? Huwag ka nang mag-alala. Hindi naman ako nasugatan. Ayos lang talaga ako. Huwag ka nang malungkot." Sagot niya sabay hawak sa kamay ko.

"Mina, Gusto kong malaman mo na handa akong gawin ang lahat masigurado lang na ligtas ka." Hindi ko na napigilan yung luha ko.

"Don't Cry. Nasasaktan ako kapag umiiyak ka. Sabihin mo lang kung ano bang problema. Alam kong may problema ka. Hayaan mo kong tulungan ka." Dagdag niya.

"No. I'm fine, Mina. Salamat. Hu--Huwag mo kong alalahanin. Masyado lang akong nagooverthink. Lilipas din 'to. Ihahatid na kita hanggang sa stall ni Momo." Tumayo na ko't humawak sa kamay niya.

"Huh? May pupuntahan ka ba?" Tanong niya sakin.

"May kailangan kasi akong kausapin na kakilala." Sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang bumitaw siya sa kamay ko.

"Kaya ko nang umuwi mag-isa. Malapit lang naman yung bahay natin eh. Don't worry, safe akong makakauwi. Saka, dadaan naman ako sa stall ni Momo. Nandun naman sila ni Jeongyeon. Maniwala ka. Sige na. Puntahan mo na yung kakilala mo." Sagot niya sabay ayos ng buhok ko.

"Si--Sigurado ka ba?"

"Oo naman. Ako pa? Lakad na. Mauna na kong umuwi ah. Ingat ka! Umuwi ka rin ng maaga." Dagdag niya sabay smile sakin.

"I love you." Nasabi ko na lang sa kanya.

"I love you too!" Lumapit siya sakin para bigyan ako ng isang halik sa labi bago kami tuluyang mag-iba ng direksyon.

Pinagmasdan ko siyang maglakad palayo pabalik sa bahay. Mukhang kailangan ko na talagang magdesisyon.

Nang tuluyan nang makaalis si Mina, lumingon ako sa paligid. Maya-maya, bumalik yung van na muntikan nang makasagasa kay Mina kanina. Tama ako! Tauhan nga nila Tzuyu yun.

"Sakay. Kailangan kang makausap nila Ma'am Tzuyu." Sabi niya kaya tumango na lang ako. Wala na kong magagawa kundi muli silang harapin bago pa sila magdesisyong ilagay ulit sa panganib si Mina.

"Dahyun~ You're back!" Nang dumating ako sa bahay ni Tzuyu, agad niya kong sinalubong ng isang yakap pero lumayo ako sa kanya.

"Hands off me."

"Tsk! Ang sungit mo parin. Hindi ka ba masayang makita ako?" Tanong niya sabay linked arms sakin.

"Hindi."

"Yah! Hanggang kailan ka ba magmamatigas? Alam mo namang sakin din ang bagsak mo sa huli, diba?" Nakangising tanong niya.

"Maaaring mapalayo mo ko kay Mina pero mananatiling malapit sa kanya ang puso ko." Sagot ko sa kanya kaya napa-pamewang siya.

"Si Mina na naman? Ano bang meron sa Mina na 'yun?!"

"Mahal ko siya."

"Mahal? Pwede ba? Saming dalawa ni Mina, mas lamang ako sa maraming aspeto. Lahat ng kanya, napupunta sakin." Mataray niyang sagot.

"Inggitera ka pala." Seryosong sabi ko kaya naman bigla siyang napikon.

"Anong sinabi mo? Baka nakakalimutan mong pwede kong saktan si Mina sa ginagawa mo?!"

"Sinisimulan niyo na nga eh. Sinisimulan niyo na ring ubusin ang pasensya ko!" Sigaw ko dahil sa emosyong namumuo sakin.

"Relax. Huwag ka namang magalit. Sinabi ko na naman sayo noon na magdesisyon ka na kaagad eh. Medyo nainip kasi ako kaya inutusan ko yung tauhan ni Dad na ipaalala sayong may kailangan ka pang gawin." Sagot niya sakin.

"How dare you?!" Akma na sana akong lalapit para sakalin siya kaso biglang sumulpot ang Dad niya.

"Mabuti naman nakabisita ka ulit." Sabi niya sakin.

"Ano bang kailangan niyo?! Bakit kailangang gawin 'yun kay Mina kanina?! Paano kung nasaktan siya?! Paano kung napahamak siya?!" Sigaw ko.

"Kaya nga magdesisyon ka na. Ipinatawag kita ngayon para sabihin sayong hanggang bukas ka na lang namin hahayaang magdesisyon. Bukas, kailangang malaman na namin ang desisyon mo. Okay? Kaya magisip kang mabuti. Hindi lang buhay ni Mina ang nakasalalay dito kundi pati na rin buhay ng ibang kaibigan niyo." Banta ng Dad ni Tzuyu kaya napatikhom ako ng kamay.

"Sa oras na makahanap ako ng paraan para pabagsakin kayo, humanda kayo!"

"Bakit ako matatakot? Mukhang hindi dahil alam kong maiisip mo ang kaligtasan ng mga mahal mo sa buhay." Nakangising sabi ng Dad ni Tzuyu.

"Excited na ko sa desisyon mo, Dahyun." Nakangiting sabi ni Tzuyu sakin.

"Kailangan ko nang umalis." Sagot ko sa kanya.

"Aalis ka na kaagad? Magstay ka muna dito. Ayaw mo ba kong kasama?" Nakapout na tanong ni Tzuyu.

"Ayoko."

"Rude! Sige na nga. Umuwi ka na! Alam ko namang babalik ka rin sakin."

"Sige na. Ihatid na 'yan." Utos ng Dad ni Tzuyu sa tauhang sumundo sakin.

Lumabas na ko't sumakay na ulit sa Van. Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang mapaisip. Napakahirap ng sitwasyon na 'to para sakin. Hirap na hirap na ko.

"Bakit hindi mo na lang piliing manatili sa tabi ni Ma'am Mina? Makakaahon ka sa buhay panigurado!  Sabi ng tauhan nila Tzuyu na nagdadrive ng Van.

"Mas gugustuhin kong maghirap kaysa makasama ang baliw na tulad niya."

"Mukhang tinamaan nga si Ma'am Tzuyu sayo. Kung ako sayo, mag-isip kang mabuti. Kaya nilang gamitin ang pera para lang kontrolin ka." Dagdag niya.

"Magdrive ka na nga lang. Wala ka namang alam dito!" Napahawak na lang ako sa ulo dahil sa problemang 'to.

Nang bumaba ako sa van, nagmadali na kong umuwi. Naabutan ko si Mina na nakikipagkwentuhan kila Jeongyeon at Momo sa stall.

Sinalubong niya ko ng mahigpit na yakap. Tuwang-tuwa siyang makita ako. Pinilit kong ngumiti kahit na sa loob-loob ko, para na kong sinasaksak.

Ayokong lumayo sa kanya. Ayokong iwanan siya. Ayokong isipin niyang hindi siya mahalaga para sakin. Pero ayoko rin namang malagay ang buhay niya sa peligro.

Ito na yata ang pinakamahirap na desisyong gagawin ko sa buong buhay ko. Kailangan kong magsakripisyo para sa kanilang lahat. Kailangan kong gawin 'to.

Kung alam mo lang, Mina. Kung alam mo lang na bilang na ang oras na kasama kita. Kung alam mo lang na bukas posibleng wala na ko sa tabi mo. Kung alam mo lang kung hanggang saan aabot ang pagmamahal ko sayo.

💔To Be Continued💔

A/N: Guys! Kumusta ang mga nawasak na puso? HAHAHA. Kaya pa?

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now