94: Dahyunie & Minari

Start from the beginning
                                    

"Weeeeeeeeh? Friends lang ba talaga kayo?!" Pang-asar na naman ni Nayeon kay Momo.

"Oo nga. Bwisit kayo. Friends lang talaga." Pagpipilit ni Momo samin.

"Sige. Sabi mo eh. Pero kapag nag-ano kayo, kwentuhan mo kami." Sabi ko kay Momo.

"Aish. Kayong dalawa, mukha kayong ano! Gutom lang 'yan. Kumain na din kayo. Kumain na ko! Punta na muna ko sa stall. Mina, sasamahan ako ni Jeongyeon magtinda sa stall. Day off ka muna ngayong araw." Sambit ni Momo.

"Omg! Kumain ka ng ano?!" Gulat na tanong ni Nayeon sa kanya.

"Yah! Bwisit ka talaga, Im Nayeon!" Kumuha ng throw pillow si Momo sabay hagis kay Nayeon na tawa parin nang tawa.

"Sige na. Sige na. Peace na tayo. Uuwi na muna ko. Pag bumisita ulit ako dito, dapat nakapag ano na kayo. Haha!" Sabi ni Nayeon sabay tayo na rin mula sa higaan ko. Sumunod na siyang lumabas kay Momo.

Lumabas na rin ako para puntahan si Dahyun sa bahay nila. Sumakay na sa kotse si Nayeon at umalis na. Umalis na rin naman si Momo kasabay ni Jeongyeon.

Pagpasok ko sa bahay nila Dahyun, tulog na tulog parin sa sofa si Chaeyoung. Pumunta na ko sa kwarto ni Dahyun. Nakapasok ako dahil hindi naman nakalocked.

Naabutan kong payapa paring natutulog si Dahyun. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Naupo ako sa gilid ng kama niya't pinagmasdan lang siyang matulog.

"Dahyun!" Mahinang sabi ko sabay kalbit sa kanya kaso tulog parin siya.

Ang cute niyang matulog. Hahaha. Para siyang baby na balot na balot ng kumot.

"Dahyun~" Sabi ko ulit sabay kalbit ulit sa kanya kaso tulog parin siya.

Tumayo na muna ko para maglakad-lakad sa buong kwarto niya. Binuksan ko yung cabinet na pinagtataguan niya ng puting tela na ibinigay ko noon.

Napangiti ako nang maalala ko yung mga panahong iniligtas niya ko sa pagkakakidnap sakin habang pinagmamasdan yung tela.

Naalala ko rin yung moments na magkasama kami sa loob ng madilim na kwarto. Yung panahong sinusungitan niya ko pero at the same time, inaalagaan niya rin ako.

Masaya akong umabot kami ni Dahyun sa ganito. Yung mas nakilala ko pa kung sino talaga siya. Noon pa man, alam ko nang may kabutihang mas nananaig sa kanya kahit na sinasabi niyang masama siyang tao.

Mapa-Dahyun na nakilala ko sa bar o yung Dahyun na naging bantay ko noong makidnap ako, hindi nagbago ang tingin ko sa kanya. Isa siyang mabuti, maalaga, mapagmahal, at maalalahaning tao.

"Bakit may angel na nangingialam ng gamit ko?" Nagulat ako't napatingin kay Dahyun na nagising na pala.

"Uy, Mabuti naman nagising ka na. Himbing mo matulog eh. Haha." Sinarado ko na yung cabinet at lumapit sa kanya.

"Sino ba namang hindi magiging mahimbing ang tulog? Ikaw yung kasama ko kagabi eh." Nakangiting sagot niya.

"Binobola mo na naman ako." Pinisil ko siya sa pisnge.

Bigla niya kong hinawakan sa kamay kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Mina, Gusto kong kumain." Sabi niya.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now