93: B r a v e

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakakalungkot lang na kailangan kong gawin ang bagay na ayokong gawin sa kanya sa oras na hindi na talaga kayanin ng tapang ko.

"Horror naman!" Sabi ni Chaeyoung.

"Ayaw ko!" Tutol ni Momo.

"Guys, magcartoons na lang tayo." Sabi naman ni Nayeon.

"Kung anong gusto ni Momo, yun ang panoodin natin." Sagot ni Jeongyeon.

"Paano naman ang gusto ng Nayeon ko?" Tanong ni Chaeyoung.

"Eh di --- bahala kayo ng Nayeon mo!" Sagot ni Jeongyeon sabay agaw ng remote control kay Chaeyoung.

Nakakatuwa silang pagmasdan. Sinong mag-aakala na may mas isasaya pa pala ang bonding namin? Mas dumami kami, mas sumaya.

"Guys! Para kayong mga sira." Sabi ni Mina sa kanila.

"Mas sira ka!" Sabi ni Jeongyeon at Chaeyoung kay Mina.

"Aba! Bakit inaaway niyo ang Mina ko? Suntukan na lang!" Sabi ko kila Jeongyeon sabay amba ng suntok.

Natawa na lang sila Mina, Momo at Nayeon samin. Napatawa na lang din kami nila Chaeyoung. Nang matapos ang movie marathon namin, nakishare na muna sa kwarto ni Mina si Nayeon dahil inabot na siya ng madaling araw dito sa bahay. Delikado na kung babiyahe pa siya ngayon. Natulog na sila Mina at Nayeon. Sina Jeongyeon at Chaeyoung naman nakatulog na din sa sofa sa living room.

"Matulog ka na din." Sabi ni Momo sakin habang naglilinis ng mga kalat.

"Tulungan na kitang maglinis."

"Kaya ko na 'to."

"No. I'll help you. May gusto rin akong sabihin sayo."

"Ano 'yun?" Tanong niya.

"Linisin na muna natin 'to." Sabi ko kaya tumango na lang siya. Matapos maglinis, naupo na muna kami sa bench sa labas ng bahay niya.

"Ano ba 'yun?" Tanong niya sakin.

"Maraming salamat sa pag-aalaga at pagtulong kay Mina." Sagot ko sa kanya. Sobrang thankful ako kay Momo na palaging tumutulong kay Mina.

"Wala 'yun. Ano ka ba? Kaibigan ko na rin naman si Mina."

"Pwede ba kong humingi ng pabor?"

"Ano 'yun?"

"Pwede bang kapag wala ako, protektahan mo siya?"

"What do you mean? Paano ka naman mawawala sa tabi niya? Magkapitbahay lang tayo."

"Di sa ganun. I mean, kung sakaling may puntahan akong kung saan. Pwede bang ikaw na muna ang bahala kay Mina?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Kahit naman nandito ka, tutulungan ko parin siya. Kaibigan ko rin si Mina. Susuportahan ko siya sa kung anong gusto niya." Sagot ni Momo kaya naman agad na kong yumakap sa kanya.

"Thank you so much, Momo." Kahit paano ay kampante na ko na kung sakaling wala ako sa tabi ni Mina, nandiyan sila Momo para alagaan siya.

"May problema ba?"

"Wala naman. Thankful lang talaga ako sa inyo."

"Wala 'yun. Tayo-tayo na lang din naman ang magtutulungan eh." Sagot niya sabay ngiti sakin.

Ang cute talaga ni Momo.

"Ang cute mo!" Ginulo-gulo ko ang buhok niya.

"Yah! Pinagtitripan mo na naman ako." Sagot niya sabay ayos sa buhok niya.

"Wala parin bang something special sa inyo ni Jeongyeon?"

"Huh?"

"Hindi mo ba talaga nagugustuhan si Jeongyeon? Bagay kayo eh."

"Magkaibigan kami. Saka, may iba kong gusto pero hindi ---"

"Pero hindi ka gusto ng taong gusto mo." Sabi ko kaya natigilan siya.

"Paano mo nalaman?"

"Sa totoo, napagusapan namin 'yun ni Jeongyeon. Inamin niya sakin yung nararamdaman niya para sayo. Kahit naman daw na mag iba kang gusto, hindi parin siya hihinto sa pagprotekta sayo."

"Ganun ba? Wala eh. Mahal ko kasi talaga 'yung taong hindi naman ako gusto."

"Sino ba 'yun? Nakikipagdate ka ba nang di namin nalalaman? Ang tanga naman nun para hindi ka rin magustuhan. Kagusto-gusto ka kaya!" Paliwanag ko sa kanya.

"Basta! Secret na muna kung sino 'yun. Oo nga eh. All this time, hindi parin niya alam na gusto ko siya. Pero kahit ganun, gusto ko parin naman siyang mahalin kahit may mahal siyang iba." Sagot niya sabay yuko.

"Bakit naman? Aasa ka parin sa taong hindi ka naman mahal?"

"Oo! Sana naman hayaan niya kong mahalin parin siya kahit na hindi ako yung gusto niya. Poprotektahan ko siya. Poprotektahan ko na rin ang taong nakakapagpasaya sa kanya ngayon. Ang tanga ko diba? Haha." Natatawang sagot niya kaya naman tinapik ko siya sa balikat.

"Magiging masaya ka din someday."

"Sana nga. Sana talaga. Maging masaya lang 'yung taong mahal ko, masaya na rin ako." Dagdag niya.

"Pero diba mas masaya kung mahal ka rin ng taong mahal mo? Saka, mas masaya kung magiging masaya ka para sa sarili mo."

"Wala eh. Hindi naman ako 'yung tinitibok ng puso ng taong mahal ko. Okay na naman sakin na makita silang masaya. Masaya na rin ako dun." Sagot niya sabay ngiti ulit sakin.

"Kaya mo 'yan!" Namumuo yung luha ni Momo sa mata kaya naman pinisil-pisil ko na lang siya sa cheeks.

"Ikaw yung taong ma--"

"Inaantok na ko. Huh? May sinasabi ka? Anong ako?" Tanong ko sa kanya.

"Wa--Wala. I mean, ikaw yung taong matutulog na ngayon." Sagot niya sakin.

"Ah. Bakit? Hindi ka pa ba matutulog?"

"Matutulog na din." Sagot niya sakin sabay tayo na.

Pumasok na kami sa loob ng bahay niya. Dumeretsyo na siya sa kwarto niya't nagpahinga. Ginising ko naman sina Chaeyoung at Jeongyeon para palipatin sa bahay namin. Nagpahinga na rin kami. Nag-enjoy akong makasama sila sa araw na 'to. Sana palaging ganito pero hindi pwede eh. Hindi pwedeng magrelax lalo pa't alam kong may panganib na nakabadya saming lahat.

😢To be Continued😢

A/N: Sorry kung bitin. Hahahaha. Oh! Mag-abang na tayo mamaya para sa new mv. Lol

Don't forget to leave some comments.


Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon