92: In Your Eyes

Magsimula sa umpisa
                                    

Bakit parang ang weird niya talaga ngayon? Hindi "I love you too" o "I love you more" yung natanggap ko mula sa kanya ngayon kundi "See you later".

Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot. Feeling ko tuloy ang cold niya kanina. Bakit ganun? Nagooverthink ba ko o sadyang may problema talaga siya? Aish. Di bale na nga, hahayaan ko na muna siyang makapagpahinga. Baka nga kailangan muna niya ng pahinga.

Hindi rin siya masyadong nagrereply sa tuwing magtetext ako sa kanya, di gaya ng dati na halos tadtadin niya ko ng messages. Nakakapagtampo.

Sa tuwing magba-bonding kaming lahat, hindi siya sumasama. Tumatanggi siya't nagi-stay lang sa kwarto. Hindi ko parin alam kung ano ba talagang dahilan kung bakit nagkakaganun siya. Pero sana malaman ko dahil nag-aalala ko para sa kanya.

"Oh. Nasaan na si Dahyun?" Tanong ni Nayeon.

"Pass na daw muna. Gusto daw munang magpahinga sa kwarto niya."

"Aish. Madalas na nagkukulong 'yun sa kwarto niya." Sabi ni Chaeyoung.

"Nag-away ba kayo?" Tanong naman ni Momo.

"Hindi naman." Sagot ko.

"Guys, may katamaran talaga 'yun si Dahyun. Pagbigyan na natin 'yung katamaran niya ngayon." Dagdag ni Jeongyeon kaya naman napatango na lang kami.

Naghanda na kami ng mga pagkain para sa panonood namin. Iniready na din ni Momo yung papanoorin naming movie.

"Anong papanoorin natin?" Tanong ko.

"Fifty sha---" Hindi na naituloy ni Chaeyoung ang sasabihin.

"Yah! Chaeyoung! Cartoons kaya!" Sabi ni Nayeon.

"Pwede bang magkdrama na lang tayo?" Tanong ni Jeongyeon.

"Guys! Kumalma kayo." Awat ni Momo sa kanila. Habang nagtatalo-talo sila, ako na mismo ang namili sa mga cd na meron si Momo.

"Eto na lang!" Nakita ko 'yung Harry Potter movies.

Natigilan sila sabay tingin sakin.

"Ba--Bakit?" Tanong ko sa kanila.

"Sige na nga. Pagbigyan na natin si Mina!" Sabi ni Momo sabay kuha na sa Harry Potter cds na napili ko.

Interesado kasi talaga akong panoorin 'yung Harry Potter movies. Nakakaexcite. Kasi, hindi naman ako masyadong pinalalabas ni Dad kaya hindi ako makapuntang sinehan. Kahit yung TV sa mansion, minsan lang din ako nakakapanood. Ayaw kasi ni Dad nang tumututok ako sa TV. Lalabo daw ang mata ko.

Nagsimula na ang movie kaya naman nagfocus na ko. Nagsimula na rin kaming kumain. Nageenjoy kami sa panonood hanggang sa naramdaman kong parang may kulang.

Wala yung taong gusto kong makasamang manood nito. Kumusta na kaya si Dahyun sa kwarto niya?

A

kma na sana akong tatayo nang biglang may kumatok sa pintuan ng bahay ni Momo. Nagmadali na kong tumayo para buksan ang pinto. Natigilan ako nang makita si Dahyun na nakatayo sa harapan ko.

"Da--Dahyun, Akala ko ba --"

"Hindi ko kayang matiis 'yung mahal ko eh." Sagot niya sabay ngiti sakin kaya napayakap ako sa kanya sa sobrang saya.

"Akala ko hindi ka na lalabas sa kwarto mo." Sabi ko habang kayakap siya.

"Akala ko din eh. Kaso hindi ko kinaya yung charm mo. Naexcite tuloy akong makita ka." Sagot niya sabay gulo sa buhok ko.

"Ikaw talaga! I love you." Pinisil ko siya sa pisnge.

"I love you so much!" Hinawakan niya ko sa pisnge't napayakap na lang ang magkabilang braso ko sa leeg niya.

Dahan-dahan kong naramdaman ang labi niyang dumampi sa labi ko. Wala nang mas sasaya pa sa moment na kasama mo ang taong mahal mo. Higit sa lahat, wala nang mas sasaya pa kapag mahal ka din ng mahal mo.

"Guys! Mas maganda yung pinapanood ko dito!" Napaagwat kami ni Dahyun sa isa't-isa dahil nakikita pala kami ni Chaeyoung.

"Bwisit ka talaga, Chaeyoung!" Sigaw ni Dahyun.

"Tara na. Mamaya niyo na ituloy 'yan. Manood na muna tayo ng movie." Yakag ni Chaeyoung samin kaya napatawa na lang kami ni Dahyun.

"Tara na sa loob?" Tanong ko sa kanya.

"Let's Go." Hinawakan niya ko sa kamay. Sabay na kaming pumunta sa living room kung saan abalang nanonood sila Momo. Nakisali na kami sa kanila.

Ngayon, masasabi kong kumpleto na talaga. Nasa tabi ko na 'yung taong gusto kong makasamang manood ng movie. Napangiti na lang ako kay Dahyun habang nanonood din siya sa tabi ko.

Pinagmasdan ko siya. Napalingon naman siya sakin. Sa tuwing titingnan ko siya sa mata, nakikita kong punong-puno talaga siya ng pagmamahal. Nakikita ko sa mata niyang hindi niya talaga hahayaang masaktan o malungkot ako. Wala na kong mahihiling pa. Makasama ko lang siya, masaya na ko. Handa akong tumalikod sa kahit anong kayamanan na ibibigay ni Dad para lang makasama si Dahyun. Pangako 'yan.

💋To Be Continued💋

A/N: Guys! Kumusta na ang feels niyo? Hahahahahaha. Shet. Bukas na iri-release yung new mv ng Twice. Fighting! Lol

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon