"Napaghahalataan defensive eh" pabulong na sabi nito.

Agad akong tumayo sa pagkakapatong sakanya.

"Ano bang gusto mo?" Walang alangang tanong ko.

"Gusto ko?" Seryosong tanong nito. Nakakatakot naman siya kung makatanong parang balak niyang kunin ang v card ko, hoy Ria pinagsasabi mo?!

"Oo bakit, ano ba yun?" Tanong ko na pilit tinatago ang mga kababalaghan na iniisip ko.

"Sumama ka saakin" seryosong sagot nito.

"Gago kaba? Tapos anong gagawin mo? Dadalhin mo ako sa motel at gagahasahin tapos mabubuntis? Hoy lalaki, ayoko pang maging batang ina at ayokong ikaw ang ama no!" Simangot kong sagot sakanya.

"Kung ano-ano iniisip mo, nakakadiri" sagot naman nito saakin.

"Eh bakit gusto mo akong isama sayo?" Tanong ko

"Nagugutom ako, punta tayo sa restaurant diyan sa labas" sagot nito

"Di kaba makakain kapag wala ako?"

"Arte mo, halika na nga" saad nito sabay akbay at nagsimula nang maglakad.

Habang naglalakad lakad kami marami-rami ang mga nakatingin saamin. Sino bang hindi titingin saamin eh sa ang gwapo at hot ng kasama ko tapos ako parang mangkukulam na katulong, diba?!

Pagkarating namin sa isang restaurant.

"Hoy libre mo ah, ikaw nag yaya" pagdedemand ko.

"Bakit may sinabi ba akong ililibre kita? Ang sabi ko samahan mo ako DAHIL NAGUGUTOM AKO" sagot naman nito.

Aba matindi.Supladong kuripot.

"Ano sinisimangot mo diyan? ano bang gusto mo?" Napangiti at napatitig ako sa tanong niya.

"Hoy wag ka ngang titingin at ngingiti ng ganyan mukha kang aso" may ghadd ngayon na ngalang ako ngingiti panira pa siya.

"Ishh panira" bulong ko sa sarili.

"Nga pala anong gusto mo?" Tanong nito

"Hmm carbonara, fries, mash potato at fried chicken"

"Hindi karin gutom no?" Pamemelosopo nito saakin.

**********
Pagkatapos naming kumain tulad ng ipinangako niya denilete na niya yung pictures ko. Pagkatapos ay hinatid niya ako sa bahay.

**********

Napahagalpak nalang ako sa kama ko sabay bukas ng laptop.

"Hoy Ria!, hindi kapa kumakain matutulog kana?" Anlakas talaga ng sigaw ni mama.

"Tapos na akong kumain ma, sa isang restaurant ako kumain" pagkasabi ko palang nun may malakas na nag bukas sa pintuan ng kwarto ko, sino paba.

"Hoy Ria diba sabi ko sayo bawal ang magnakaw? Alam kong wala kang pera at wal-" pinutol ko ang sasabihin niya saakin dahil paulit ulit nalang 'alam kong wala kang pera at walang manlilibre sayo'. Hindi porke mukha akong pulubi, mukha narin akong magnanakaw :(

"Ma may nanlibre saakin kaya kung pwede" sabi ko sabay turo ng pintuhan. "Inaantok na kasi ako ma" pagkukunwari ko.

Bago ko ipikit ang mga mata ko nag bukas muna ako ng facebook ko at kagulat gulat ang nakita ko......

MAY NAG POST NG PICTURES NAMIN KANINA NI XANDER!!!!

*********************

Xander's pov.

Napatingin ako sa phone ko, akala talaga niya dinilete ko na yung pictures niya. At sa totoo lang hindi naman talaga siya naglalaway, sadyang uto uto lang siya. But........

She's really cute though.

Edited: 02-1-2020

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Where stories live. Discover now