DK彡♥Hue, Hue! Textmate?♥

Magsimula sa umpisa
                                    

Asar na nireplyan ko siya.

To: Killer

Duh! hindi din me nag-enjoy, nakakadiri nga eh! wag u mangarap na iniisip kita! FYI, I don't like you! o mas tamang sabihin na I HATE YOU, KILLER! Hindi u gwapo and you're not my type! kaya wag u na umasa na magugustuhan kita, hindi iyon mangyayari, never as in NEVER!

SENT!

Atat na hinintay ko ang reply niya, pero isang oras na ang nakalipas wala na akong natanggap na text message mula sakanya.

"Siguro nasagasaan na siya ng tren kaya hindi na nag reply o maybe nakatulog na siya. Ay, ewan! Ba't ko ba iniisip ang Killer na iyon? Siya ang papatay sa akin remember? Kaya dapat hindi ko na isipin ang tulad niya! Tama. Hindi ko siya dapat isipin." Kausap ko sa sarili. Ngunit napatalon ako ng wala sa oras ng bigla tumunog ang cellphone ko. Nagmamadali ko binasa ang text message na natanggap ko.

From: Killer

Okay.

Kinusot-kusot ko pa ang mata ko habang paulit-ulit na binasa ang text na iyon. Isang oras ako naghintay ng reply niya tas iyon lang? At sa haba-haba ng sinabi ko isang OK lang ang matatanggap ko?! Muli ako nagreply sakanya.

To: Killer

Ok mo face mo! I really hate you! Sana masagasaan ka ng tren!

Sent!

Naexcite ako ng konti ng nagreply agad siya.

From: Killer

Busy ako, Mercado.

To: Killer

Like I care, kung busy ka! Duh! Ikaw ang unang nagtext, tinatapos ko lang!

Malakas na malakas na talaga ang tibok ng puso ko, ano ba ang nangyayari sa akin? At bakit ako inis na inis sakanya? Dahil ba sa sinabi niyang hindi siya nag-enjoy sa paghalik sa akin? Eh ano naman ngayon? Pero masakit eh!

Muli siya nagreply.

From: Killer

Busy ako sa pagplano na patayin ka.

Bigla ko nabitawan ang cellphone ko ng wala sa oras kaya nahulog iyon sa sahig.

"Patay kang, Tippy ka! ano ba ang pumasok sa utak mo at tinext mo siya ng ganun?!" Natataranta na wika ko habang palakad lakad sa loob ng kwarto ko.

"Kailangan ko makaisip ng paraan na maunahan siya, tama! kailangan ko magplano! Pero ano ba ang plano na gagawin ko? Hindi ko naman siya pwede patayin, I'm not a killer like him! At baka makulong din ako kapag iyon ang ginawa ko. Isip-isip, Tippy! Kailangan mo mabuhay, hindi pwede sa langit ang tigang na babae, kaya bawal ka pa doon kailangan mo pa magkaboyfriend at kailangan mo pa mahawakan ang diploma mo, Think Tippy! Think!" Patuloy na kausap ko sa sarili. Natigil lang ako sa pag-iisip ng nakatanggap ako ng text mula kay Jay.

From: Bestie Jay

Wag mo kalimutan dalhin iyong props ko sa drama club bukas ah, nalagay ko kasi sa bag mo, night!

Kumunot ang noo ko ng mabasa iyon at tiningnan ang bag ko na nakapatong sa kama ko. nilapitan ko iyon at binuksan. isang bulletproof vest ang nasa loob nun. Bigla may pumitik na isang ideya sa utak ko.

"Kung hindi ko siya kaya patayin kaya ko naman siya iwasan." Napangisi ako ng wala sa oras. '

"Tingnan lang natin Killer kung kaya ng bala mo ang shield ko, bwahahaha.'

웃☜유

Library? Clear!

Corridor? Clear!

Dear KILLER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon