DK彡Alexander's Confession

25.8K 954 58
                                    

"Bakit kasama sina Cathy?" tanong agad ni Jay ng makita namin sina Cathy at ang grupo niya na nasa waiting shed sa labas ng Academy, kung saan susunduin kami ng van ni Xander na maghahatid sa amin sa resort.

"Ewan ko." kibit balikat na sagot ko bago bumaba ng kotse na naghatid sa amin ni Jay sa Academy.

Kinuha muna namin ni Jay ang mga bag namin sa compartment ng kotse bago nagpasalamat kay Kuya Nambo.

"Oh, invited pala ang mga bitch." pagpaparinig ni Hazel, isa sa alipores ni Cathy, tumawa lang si Cathy at iyong isa pa na kontrabida na si Fe.

Hindi nalang namin pinansin ang pagpaparinig na iyon. lumayo kami ng konti ni Jay sa tatlong demonyita at tumambay nalang kami sa gate malapit sa guard house ng Academy.

Me: Saan tayo magkikita? text ko kay Red na agad naman nagreply.

Killer: I'm busy.

Ano namang klaseng reply to?

Me: Busy saan?

Sent!

Killer: None of your business.

Aba't- Argh! ano bang problema niya? kahapon lang, naglalandian kami sa sementeryo, tapos ngayon hanep kung mambara! naiinis na tinago ko ang cellphone ko sa shoulder bag habang hindi na maipinta ang mukha.

Maya-maya ay dumating na rin ang pulang van sakay sina Bryan at Lee.

Doon na rin nasagot ang katanungan namin ni Jay kung bakit kasama si Cathy, dahil girlfriend na pala siya ni Bryan. Yuck!

Nakangiti na nilapitan kami ni Lee.

"Hi girls."

"Naks, kinikilig talaga ako Papa L kapag tinatawag mo akong girl." malandi na sabi ni Jay na tinawanan lang ni Lee bago ako tiningnan.

"Nasa loob na ng van si Xander, let's go?" nagtataka man ako sa sinabi ni Lee ay sumunod nalang kami sakanya. Excited daw makita? ni hindi naman lumabas ng van, ano daw iyon?

Magkatabi si Hazel at Fe sa unahan, samantalang nasa passenger seat naman si Cathy katabi ang magmamaneho ng van na si Bryan.

Pumuwesto na agad si Jay sa pinakalikuran ng van, nasa pinto na ako ng van ng magtama ang paningin namin ni Xander na prenteng nakaupo sa likuran nina Hazel na halatang nagpapacute sakanya pero ang inaasahan ko na makulit na Xander ay suplado na pala, ni hindi man lang ako pinansin. 'Anong problema niya? umirap nalang din ako ng tumanaw na siya sa labas ng bintana. Porke't bday? suplado na? bahala ka nga!

Uupo na rin sana ako sa tabi ni Jay ng pigilan ako ni Lee.

"Tiffany tabi kayo ni Xander."

"Huh?" tanging nasabi ko lang sabay sulyap sa likod ni Xander na parang walang pakialam sa mundo.

"Sige lang Lee, ikaw nalang tumabi sakanya." May regla ata ang isang iyan!

"Ano ka ba Tippy, maawa ka naman sa akin, minsan lang may tumabi sa akin na lalaki kaya doon kana kay Xander, Utang na loob." bulong ni Jay na mukhang narinig naman ni Lee dahil tumawa ito.

"Pero-" hindi na ako nakapagdahilan ng tiningnan ako ng masama ng bakla. Landi mo!

"Lipat na." nagbabanta na sabi ng bakla sabay nguso sa upuan ni Xander.

Napatingin ako sa ibang sakay ng van na nanonood lang sa amin,mukhang ako nalang ang hinihintay para makaalis na kami. Puputulan ko talaga ng birdy ang baklang ito! napabuntong-hininga nalang ako na lumipat ng upuan at iyon ay sa tabi mismo ng Supladong si Alexander.

Dear KILLER [Completed]Where stories live. Discover now