DK彡♥Hue, Hue! Textmate?♥

35.3K 1.2K 238
                                    

"Ok ka lang ba Tippy?"

Wala sa sarili na tumango ako sa tanong ni Jay. Nasa isang barangay hall na kami kung saan dinala kami ng mga tanod na nakasalubong ni Jay at hiningan niya ng tulong.

"Na-trauma ata ang kasama mo, kanina pa hindi nagsasalita." Pansin ng tanod sa akin.

"Tippy? Sure ka ba na ok ka lang?" Tumingin ako sa mata ni Jay at tumango.

"Ayon sa isang suspek, may isang lalaki raw ang tumulong sayo, pwede ba namin malaman kung sino siya?" Tanong ng kapitan sa akin. Napahawak ako sa labi ko ng maalala si Denson. 'Totoo ba talaga na hinalikan niya ako?'

"Miss?" Pukaw ng tanod sa akin.

"U-umalis na siya." Wala sa sarili na sagot ko. Nagkatinginan ang mga tao na naroon sa barangay hall.

"Kuya kailangan na namin umuwi-"

Wala na ako narinig sa sinabi ni Jay sa barangay captain dahil puros 'Dug!' 'Dug!' 'Dug!' nalang ang naririnig ko. Tibok ng puso ko iyon na kanina pa nagwawala pagkatapos ako halikan ni Denson.

"That's your punishment, Mercado. Goodnight..."

Dinig ko pa ang huling sinabi ni Denson bago siya umalis kanina ng parating na ang mga tanod.

'Dug!' 'Dug!' 'Dug!' Parang kinikiliti ang puso ko sa tuwing maalala ang halik na iyon, 'Ang first kiss ko......' Hindi man lang ako nagalit o nagsisi sa ginawa ni Denson. Ganun na ba ako kadesperada magka first kiss?

"Tippy!"

"Ay, Denson!" Gulat na sambit ko at tiningnan ng masama ang umistorbo sa pagmumuni ko.

"Denson?" Nagdududang ulit ni Jay sa pangalan na bininanggit ko.

"Nandito na pala tayo." Pambabalewala ko sa kanya at tumingin ako sa labas ng taxi na naghatid sa amin pauwi. Nasa tapat na kami ng bahay ko. Binuksan ko na ang pinto at nag goodbye lang kay Jay na alam ko kanina pa nagtataka sa kinikilos ko. Pagkatapos ako pagbuksan ni Nana ng gate ay diretso na ako sa kwarto at naupo sa gilid ng kama.

'Dug!' 'Dug!' 'Dug!' Ang lakas pa rin ng heartbeat ko. Muli nagbalik sa alaala ko ang 'Halik' na iyon, at ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko.

"Anong nangyayari?!" Tanong ko sa sarili at nagmamadali pumasok sa banyo. Pero bago pa ako makaligo ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.

Nagmamadali ko iyon kinuha sa loob ng bag at binasa ang text message mula sa lalaking kanina pa laman ng isip ko.

From: Killer

Hihintayin kita bukas sa rooftop.

Napalunok ako ng laway habang nakatingin pa rin sa text message ni Denson. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o kiligin? Dug! Dug! Dug! Nanghihina na humiga ako sa malambot ng kama at tumingin sa kisame ng kwarto ko.

'Kailangan ko siya iwasan...Nababasa ko sa pocketbook ang ganitong feeling... and It's not healthy!' Narinig ko na muli tumunog ang cellphone ko kaya binasa ko ang isa pang text message mula pa rin kay Killer.

From: Killer

Matulog kana. Hindi naman ako nag-enjoy halikan ka.

Bigla ako napabalikwas ng bangon pagkabasa ng message niyang iyon. Feeling naman niya nag-enjoy din ako sa halik na iyon! duh! it's so kaderder kaya! 'Deny pa Tippy, uunlad ang bansa natin diyan!' heh! Sa totoo namang hindi ako nag-enjoy sa halik na iyon! Bukod sa killer na nga siya, magnanakaw pa ng first kiss ng NBSB! buwisit!

Dear KILLER [Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang