DK彡♥Crush, Crush, Crush! Three times a day?♥

33.9K 1.3K 152
                                    

Monday. Ang araw na pinaka-ayaw ko dati. Tamad kasi ako mag-aral kaya siguro hate ko ang araw na iyon.Pero hindi na ngayon. Alas kwatro palang ng umaga ay gising na ako kahit seven pa ang klase ko. Ganyan ako ka-excited pumasok, kung bakit? Dahil sa lalaking inaamin ko na crush ko na! At iyon ay si Red Denson na laman ng isip ko buong weekend. Gusto ko sana kamustahin ang lagay niya, kung may lagnat pa ba siya? Kung iniisip niya rin ba ako tulad ng pag-iisip ko sakanya? Pero nahihiya ako i-text siya eh! Kaya siniguro ko nalang na pumasok ng maaga para makita ko na agad siya. Wala naman siguro masama kung magkaroon ako ng crush, diba? Normal lang naman iyon sa mga teenager na tulad ko, mukhang nahuli pa nga ako sa pagkakaroon ng crush. Atleast tao pa rin ako at babaeng humahanga sa isang lalaki na dalawang beses na nagligtas ng buhay ko. Pero ang pinoproblema ko lang ay kung normal pa rin kaya ako pag nasa tabi na niya? I mean, makakaya ko kaya pakisamahan ang crush ko na wala ng ibang ginawa kundi pagbantaan ang buhay ko? Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng lalaki sa mundong ito sa isang Killer pa ako nagka-crush? Hay! buhay! ang hirap i-gets.

"Kanina ka pa tulala, Tippy."

"May iniisip lang."

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at nanunuksong tumingin sa akin.

"Lalaki ba?"

Napabuntong-hininga ako na tumango habang nakapangalumbaba sa armchair ko.

"Nako, malaking problema nga yan, inlove ka?"

Umiling lang ako sa tanong niya habang nakatanaw sa labas ng bintana kung saan nakikita ko ang puno na iyon. 'Bakit wala pa siya? malapit na magsimula ang klase.'

"Kilala ko ba?" Patuloy na pangungulit ni Jay sa akin. Umayos ako ng upo at tinatamad na tiningnan siya.

"Paano ko ba papatayin ang weird na feelings ko, Jay?" Out of the blue na tanong ko sakanya na pinagtawanan lang niya.

"Adik! Wag ka nga! Sarap kaya mainlove at correction! Hindi mo dapat tawagin na weird feelings yan, dahil lahat ng tao ay nakakaramdam ng ganyan kaya let it be." Natatawa na sabi niya. Sinimangutan ko lang siya na kinuha ang libro at nagbasa na lang, walang kwentang kausap ang bakla.

"So, sino nga siya?" Tanong niya ulit pero tinaas ko na ang libro sa mukha ko para ipaalam sa kausap ko na busy na ako.

"Good morning, Red!" Nagpanting ang tainga ko at nabuhay ang dugo ko ng marinig ang pangalan ni Denson. Pasimple ko binaba ang libro na hawak para makita ang papalapit na si Denson. Hindi ko maiwasan na lalong mahulog sakanya pagkakita sa kagwapuhan niya. 'Gandang almusal.'

"Morning." Ganti na bati niya kay Jay at tumango lang sa akin ng mapansin na nakatingin ako sakanya. Tahimik na binaba niya ang bag at naupo na sa tabi ko. Samantalang nagwawala na ang puso ko sa sobrang kilig! Kahit tango lang atleast napansin niya ako!

"Hi, Red. May party mamaya sa bahay ko and I want you to be there."

Bigla ako tinubuan ng invisible na sungay sa ulo ng marinig ang boses ni Casey, isa sa pinaka-malandi na students ng Academy. halos lahat kasi ng lalaki rito pinatulan niya, Oo! halos lahat, ganyan siya kakati. Sana gumamit nalang siya ng talong pangkamot, hindi iyong kung sino-sino nalang ang dinadala niya sa bahay niya pagkatapos ay ipagkakalat niya pa sa buong campus kung paano at ilan beses nila ginawa. Kadiri!

"Busy ako." Tipid na sagot ni Denson sabay bukas ng libro. Napangiti ako na tumingin kay Casey na nakatayo pa rin sa likuran namin.

"Busy siya, Casey. So, pwede kana bumalik sa upuan mo." Nakangisi na taboy ko sakanya sabay turo sa upuan niya sa unahan.

"Whatever, Weirdo. I'm not talking to you." Mataray na sabi niya sabay lakad na pabalik ng upuan niya. 'Sorry kana lang, hindi easy to get ang crush ko. bwahahaha!'

Dear KILLER [Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora