DK彡LETTERS TO KILLER♥♥♥

29.4K 1K 44
                                    

Dear, Killer

Heto lang ang paraan na alam ko para masabi ko ang gusto ko sabihin sayo, dahil sinabi mong BAWAL AKO MAGSALITA. Kaya isusulat ko nalang.

Sa araw-araw na pagbuntot ko sayo ay nadadagdagan pa lalo ang pagmamahal ko sayo... Hep! Wag mo ako pipigilan tutal papatayin mo naman ako kaya hayaan mo na maging masaya ako kahit sandali lang.

Tahimik lang ang buong maghapon natin sa Academy pero para sa akin, dinig na dinig ko ang mga fireworks na nag-iingay sa isip ko makita kalang at makasama ka lang sa rooftop habang nagbabasa ka ng libro ni plato.

Iniisip ko tuloy, sana naging libro na rin ako para buong hapon din ako na titigan mo.

O kaya maging pagkain nalang sa canteen na kinakausap mo kung bakit walang lasa.

Pero maswerte ako, dahil kahit papaano napapansin mo pa rin ako. Lalo na kapag sumasandal ako sa likuran mo o humihiga sa balikat mo, kahit na madalas ay tinututukan mo ako ng baril para mapalayo sayo.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥

DEAR, KILLER

Bagong araw na naman ang sisimulan natin magkasama. Handa kana ba? Ako, handang-handa na. Kahit isang araw na hindi na naman pagsasalita ang gagawin ko, ok lang basta abot kamay pa rin kita kahit madalas- Sinisigawan mo ako.

Ngayon araw, nakatambay naman tayo sa puno na pininturahan ko ng kulay pink. Katulad ng kulay ng puno, ganun din kakulay ang nararamdam ko ngayon. Kinakain mo kasi ang sandwich na ako mismo ang gumawa. Ang sarap sa pakiramdam.

Nagustuhan mo ba? Alam ko hindi ka sasagot, pero kapag ako ang tinanong mo kung pwede maging tayo? Sasagutin talaga kita ng matamis na Oo.

Ok, anyway baka magalit ka sa pinagsusulat ko.

Malapit na ang Prom natin, yayain mo kaya ako makasayaw? Ok lang kahit hindi, pero umaasa pa rin ako.........

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

DEAR, KILLER

Heto na siguro ang pinakamasaya na araw na nangyari sa akin. Bakit? Dahil niyaya mo ako lumabas! Kahit na sabihin nalang natin na may papatayin ka na naman.

Ok lang, atleast masasabi ko na iyong katagang 'TILL DEATH DO US PART.' Pero alam mo, kinakabahan ako ng sobra-sobra. Sabihin nalang natin na buhay nga iyong Frank na nakita ko na pinatay mo, hindi ko pa rin maiwasan mapaginipan iyon. Sana nasa tabi kita para damayan ako sa takot ko at yakapin ng magdamag ....

Mahal na nga talaga kita, Denson. At alam kong mamahalin mo rin ako.

Hindi ngayon, hindi bukas. Pero sisiguraduhin ko na mamahalin mo rin ako balang araw.

Lubos na nagmamahal,

Mercado.

___________________________

Napahawak ako sa dibdib ko habang tahimik na nakamasid kay Denson. Busy ito sa paglalagay ng bala sa baril niya.
Nahuli niya akong nakatingin sa akin kaya ngumiti siya at tinuon ulit ang atensyon sa ginagawa. Masakit man sabihin, pero may papatayin na naman siyang tao. Ayon kay Frank, nang kitain namin siya kanina, isang drug lord daw ang target ng Boss nilang si Oliver. Dahil kinakalaban daw nito ang grupo nila. Hanggang ngayon, wala akong ideya kung anong klaseng sindikato sina Denson. Pero ang hula ko, mga hired killers sila na binabayaran ng malalaking tao para pumatay.

"Wag ka bababa ng kotse hangga't wala ako." Sabi niya sa akin.

Kinakabahan na tumango nalang ako bilang sagot. Bawal pa rin kasi ako magsalita. Hindi ko nga alam kung anong rason niya doon pero dahil mahal ko siya, susunod nalang ako.

Dear KILLER [Completed]Where stories live. Discover now