DK彡♥Alexander Dela Cruz♥

28.2K 1.1K 74
                                    


"TB! TB! TB! TB!"

"TB! TB! TB! TB!"

Halos sumakit na ang tiyan ko sa kakatawa habang naririnig ang sigaw ng mga kababaihan na iyon na nag-aabang sa paglabas ng tinatawag nilang TB o The Boom.

"Shut up, Tippy. Baka mainis sila sayo at dumugin ka." Sita ni Jay sa akin pero hindi pa rin ako nagpaawat sa pagtawa.

"Nakakatawa naman kasi eh." Pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata ko dahil sa pagtawa.

Pinandilatan lang ako ni Jay.

"Andito na sila!" Sigaw ng isang babae ng may parating na van na kulay pula. Nagmamadali na lumapit iyong ibang fans sa van, maliban lang sa akin. Pasimpleng umatras ako, mahirap na baka magkastampede at matigok ako.

"Tippy, halika na!" Sigaw ni Jay sa akin. Ngumisi lang ako sakanya at tumabi sa isang bouncer na nakatambay lang doon. 'Sarap ng buhay ni kuya.'

Nang mahalata ni Jay na wala akong balak makigulo sa mga baliw na fans ng TB ay hinayaan nalang niya ako at nagmamadali na siyang lumapit sa van.

Napapailing ako habang nakikita ang nangyayari sa paligid ko. May ilan na mga babae ang umiiyak ng makita ang miyembro ng TB, iyong iba naman ay walang humpay sa pagtili na animo'y nanalo sa lotto. 'Akala ko malala na ako, meron pa palang mas malala sa akin.' Sa loob-loob ko.

"Na naman?! sakit talaga siya ng ulo! Okay, pupunta na ako." Sabi ng katabi kong bouncer ng parang may kinakausap siya kahit wala naman. Nagpalingon-lingon ako sa paligid para masiguro na may nakikita siya na hindi ko nakikita. Inayos niya muna ang suot na headset at pumasok sa kurtina na nasa likuran namin. 'Hala, may lagusan sa narnia?' Dahil sa pagkabagot sa kinatatayuan ay sumunod ako sa bouncer at pumasok rin sa itim na kurtina.

Nag-adjust pa ako sa madilim na lugar na iyon. Kinapa ko ang loob ng bag ko at kinuha ang cellphone. Kailangan ko pa kasi gamitin ang ilaw nun para makita ang dinadaan.

May naririnig n akong ingay kaya nasisiguro ko na nasa backstage na ako. Medyo nalula pa ako ng makita ang daming tao na busy sa pagpunta roon at papunta rito.

"Wow." Sambit ko habang nanonood sa ilang mga dancer na naghahanda ng umakyat sa stage.

Pabalik na sana ako sa pinaggalingan ko ng may biglang humarang sa aking isang babae.

"Pakibigay nga to kay Alex." Utos niya sabay bigay ng bottle ng maliit na mineral water sa akin.

"Pero-" Hindi na ako nakaangal ng nagmamadali ng umalis iyong babae.

Napabuntong-hininga na tiningnan ko nalang ang binigay niya.

"Hindi ko naman kilala iyong Alex." Napakamot ako sa ulo.

Pagkamalan ba naman akong PA? haist! bakit ko ba sinundan iyong bouncer na iyon?

"Hey!" React ko ng may biglang umagaw ng mineral water sa kamay ko.

"Thanks!" Sabi ng isang lalaki at walang hiya na ininom iyon.

"Hoy lalaki! Hindi sayo iyang tubig." Singhal ko sakanya.
Natigil siya sa pag-inom at tiningnan ako. 'Uh-oh!'

"Are you talking to me?" Tanong niya sabay ayos ng suot niyang sumbrero kaya doon ko lang napansin na gwapo pala ang mokong!

"Huh? Ano kasi, sabi ko, hindi sayo iyong tubig! Kay Alex yan!" Tinuro ko pa iyong mineral na hawak niya. Kumunot ang noo niya ng pasadahan ako ng tingin. Medyo nailang ako doon pero hindi ko hinayaan na mahalata niya iyon.

Naglakad siya palapit sa akin kaya napaatras naman ako.

"Bago ka ba rito?" Tanong niya.

Patuloy siya sa paglapit sa akin patuloy naman ako sa pag atras.

Dear KILLER [Completed]Where stories live. Discover now