DK彡 ♥TippyLoveKiller♥

32.9K 1.2K 123
                                    


Nakakuyom ang dalawang kamao ko habang naglalakad patungo sa classroom. Umaga palang kasi puros kabwisitan na ang nararamdaman ko. Ikaw ba naman langawin kahapon sa kakahintay sa taong hindi naman nagpakita? At ang nakakainis pa ni hindi man lang nagtext na hindi na siya darating ng sa gayon hindi ako nagmukhang tanga kasama si manong guard sa gate.

"Good morning, Tippy!" Bati ni Jay sa akin pagkapasok ko ng classroom. Hindi ko siya pinansin at padamog na umupo sa upuan ko. Napaangat ng tingin ang lalaking dahilan ng kabwisitan ko.

"Highblood?" Tanong ni Jay sa akin pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Nabully ka na naman ba nina Cathy? O ni Vincent?" May pag-alala na tanong ulit ni Jay.

Napabuntong-hininga nalang ako kinuha ang headset  at sinaksak iyon sa tainga ko. Gusto ko ipaalam sa dalawang katabi ko na wala ako sa mood makipag-usap. Mukhang na-gets naman iyon ni Jay, maliban lang sa lalaking bwisit na bwisit ako. Walang paalam na tinanggal niya ang headset sa tainga ko.

"What are you doing?!" Asar na tanong ko sakanya.

"Kinakausap ka ng kaibigan mo, wag ka bastos, Mercado."

Inagaw ko ulit ang headset ko at binalik iyon sa tainga ko.

"Hayaan mo na, Red. Ganyan talaga yan pag wala sa mood."

Pero binalewala lang niya iyon at ang cellphone ko naman ang kinuha. Kaya naiinis na hinarap ko siya.

"Ano bang problema?!"

"Yang ugali mo, Mercado." Sagot niya at humarap din ng upo sa akin.

"So? Anong problema mo sa ugali ko? At kailangan mo pa agawin ang phone ko?" Naiirita na tanong ko sakanya.

"Para kang bata sa inaasta mo ngayon. Kung galit ka sa akin, wag mo idadamay ang kaibigan mo."

Napaikot ko nalang ang mata ko at tiningnan si Jay na tahimik lang nakikinig sa argumento namin ni Denson. Mukhang doon lang ako natauhan. Oo nga pala! bakit dinadamay ko ang nag-iisang kaibigan ko sa inis na nararamdaman ko kay Denson? Gayon nagtatanong lang naman siya......

Napabuntong-hininga nalang ako na hinawakan ang kamay ni Jay.

"I...I'm sorry, wala lang ako sa mood." Nahihiyang hinging paumanhin ko kay Jay na tumango lang at nagsimula na magreview ng notes niya.

Muli kong nilingon si Denson na nakamasid lang sa amin.

"Ok na? Pwede mo na ba ibalik sa akin iyong phone ko?" Tanong ko sakanya pero imbes na ibalik niya iyon ay pinasok niya iyon sa bag niya at umiling.

"Kunin mo sa akin mamaya after ng klase."

"Ano?! Bakit hindi mo nalang ibigay sa akin yan tutal sa akin naman talaga ang phone na yan at hindi sayo." Bwisit na bwisit na talaga ako!

Kinuha na niya ang libro at nagsimula na magbasa.

"Hoy, Denson." tawag ko ulit sakanya.

"Para may dahilan ka pa na lumapit sa akin." Sabi niya habang ang tingin ay nasa libro.
Hindi ko alam kung bakit bigla ako natameme. Basta ang alam ko, bumabalik na naman iyong 'weird feelings' na iyon.

Nag-angat ulit siya ng tingin kaya nahuli niya na nakatingin pa rin ako sakanya.

"Gusto mo ba mag cutting class?"

"Huh?!" Tanging nasambit ko. Ngumiti siya at nilapit ang bibig sa tainga ko.

"May pupuntahan tayo." Bulong niya at bumalik na sa pwesto niya. Samantalang nagwawala na ang puso ko sa ginawa niyang paglapit sa akin. 'Ano bang ginagawa mo sa akin killer ka! gusto mo na ba talaga ako patayin?!'

Dear KILLER [Completed]Where stories live. Discover now