DK彡Secret Admirer

26.7K 989 125
                                    


From: Killer

See you tomorrow. Goodnight.

Kilig na kilig ako habang binabasa ang text ni Denson sa akin.

Hindi pa rin ako makapaniwala na napapansin na ako ng lalaking mahal ko at parang kami na! Oh well, hindi niya ako nahatid kanina dahil si Daddy mismo ang sumundo sa akin. Pero ok lang, atleast may second kiss na kami!

Oh my god! My heart is beating fast! Gusto ko na siya makita ulit pero dahil gabi na ay bukas nalang tutal nasa isip at puso ko naman siya.

To: Killer

Ok, goodnight din sau, sweetdreams. <3

May kasama pang heart. nahihiya ako mag I love you baka bigla niya bawiin ang relasyon na meron kami ngayon. 'Pero teka, ano ba ang relasyon niyo ngayon?' natigilan ako sa tanong ng isip ko. Oo nga noh! ano ba meron kami?kami na ba? o nasa ligawan stage pa kami? pero sino naman ang nanliligaw? ako?

Inalog ko ang ulo. bakit ko ba iniisip kung ano kami? mas mabuti na i-enjoy ko nalang ang moment namin malay mo bukas, magiging maliwanag din ang lahat diba?

Naputol lang ang pagmuni-muni ko ng may isa pa akong text na natanggap mula kay Denson.

From: Killer

<3

Lumaki ang mata ko ng makita ang heart na iyon. 'Oh.My.Heart!' hindi ko na napigilan ang sarili na tumili ng malakas at magpagulong-gulong sa kama.

"Pinaldahan niya ako ng puso!" kinikilig na sabi ko at bumangon sa kama. tiningnan ko ulit ang heart shape na iyon.

"Is it real! is it real!" masayang sabi ko at binuksan ang verandah ng kwarto ko at tumanaw sa mga bituin.

"Ang saya-saya ko mga stars! katulad niyo ako kumikinang!" Kausap ko sa mga bituin habang hindi na mapuknat ang ngiti sa labi ko.

Muli ko tiningnan ang huling text ni Denson.

"Tingnan niyo mga stars, may heart akong natanggap, sana isang araw iyong puso niya na talaga ang ibibigay niya sa akin noh?"

Muntik ko na mabitawan ang cellphone ko ng mag ring iyon.

"Unknown number? sino naman kaya to?" tanong ko at binalewala nalang ang caller na iyon.

Nakipagtitigan nalang ako sa mga stars kaysa pag-aksayahan ng oras na kausapin ang taong hindi naman nakasave ang number sa phone ko.

Pero kada tingin ko sa mga bituin ay wala ring tigil sa pagriring ang cellphone ko. 'Kulit nito ah? di niya ba gets na ayoko sagutin siya?'

Papasok na sana ako sa kwarto ng makatanggap ako ng text sa makulit na caller na iyon.

From: 09*********

Sagutin mo naman ako, Tiffany:)

Kumunot ang noo ko sa nagtext na iyon. 'Kalain mo alam pala ng makulit na ito ang pangalan ko.'

Nang tumawag ulit ang number na iyon ay sinagot ko na dahil interesado din ako malaman kung sino iyon.

("Tiffany My loves!")

Bahagya ko pa nilayo ang cellphone sa tainga ko ng bumungad sa akin mula sa kabilang linya ang bwisit na boses na iyon.

"Anong kailangan mo Xander Walang Kwenta?!" inis na tanong ko sakanya na tinawanan lang niya.

("Highblood ka naman agad, gusto lang kita kausap my loves, masama ba?")

"Oo! dahil ayoko kita kausap! at pwede ba wag mo nga ako ma my loves, my loves dyan! suntok gusto mo?"

Dear KILLER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon