DK彡Nine Months?!!

34.2K 1.3K 170
                                    


From: Killer

Rooftop, ASAP.

Nanginginig ang mga kamay ko habang binabasa ang text message galing kay Killer. Imbes na papunta akong library ay dumiretso nalang ako sa banyo para pag-isipan ang gagawin ko. hindi pwede na pumunta nalang ako bigla sa rooftop baka iyon na rin ang katapusan ko!

Buti nalang walang tao sa loob ng banyo, kaya solong-solo ko iyon. Inayos ko ang magulong buhok ko at tinali iyon, nagpulbos din ako at nag apply ng konting lipgloss sa labi ko, kukunin ko na sana ang eyeliner ng matigilan ako. 'Ano ba ang ginagawa ko? may mamatay ba na nagpapaganda pa?' Umiling-iling na binalik ko ang make up kit ko sa pouch at naghilamos, ginulo ko ulit ang buhok at tiningnan ang sarili sa malaking salamin na naroon. 'Ayan, tao na ako ulit hindi na Dyosa.' Nang makuntento na ako sa ayos, ay naglakad na ako sa tulong pa rin ng saklay ko na kinuha ni Jay kanina. Tumunog ulit ang cellphone ko kaya binasa ko kung sino na naman ang nagtetext.

From: Killer

Nasaan kana?

Atat lang?? baka nakakalimutan niya may saklay pa ako sa kanan braso, kaya malamang kasing bilis ko na ang pagong sa paglalakad. Idagdag pa na kailangan ko pa pumanhik ng hagdan. 'Litsi!'

Tumigil muna ako sa gilid ng hallway at nagreply sakanya.

To: Killer

Ikaw nalang kaya ang bumaba rito, haleer! may saklay po ako!

SENT!

Agad din siya nagreply.

From: Killer

Gusto mo ng mamatay?

Parang may bato na bumara sa lalamunan ko ng mabasa iyon. Bigla napabilis ang paglalakad ko patungo sa hagdan, doon ko lang napagtanto na magaling na nga ang pilay ko sa paa! Hindi ko na ginamit ang saklay ko habang humahagdan. Nang makarating na ako sa fourth floor kung saan naroon ang rooftop ay binalik ko ulit sa braso ang saklay ko at nagpanggap na pilay pa rin. Bakasakali kasi na i-postpone ni Killer ang pagpatay sa akin pag nakita ang kundisyon ng paa ko.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago binuksan ang isang pinto palabas ng rooftop.

Pagkabukas ko pa lang nun ay siya naman pag-ihip ng malakas na hangin sa mukha ko na parang sinasabi na 'Tumakbo kana Tippy!' Pero nabalewala lang iyon ng matanaw ko si Denson na seryosong nakatingin sa akin habang nakasandal sa pader na naroon. Naglakad na ako patungo sa direksyon niya. Nakapamulsa lang siya habang pinapanood ako sa ginagawa kong paglapit sakanya.'Shit! heto na naman, ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.'

"Mapapabilis sana ang paglalakad mo kung wala na yang saklay na yan." Sabi agad niya ng tumigil na ako sa harapan niya.

"Masakit pa rin ang paa ko." pagkukunwari ko.

"Alam ko na magaling na ang paa mo."

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Tumingin siya sa paa kong nakabenda. "Halatang tumakbo ka pa papunta dito kaya nadumihan yang benda mo."

Pagkasabi niyang iyon ay napayuko nalang ako at nakapakagat sa labi ko. Mukhang bistado ako.

"Bakit mo ba ako pinapunta rito?" Tanong ko nalang at muli siyang tiningnan. Nahuli ko pa siyang nakatitig sa labi ko. Medyo nailang ako doon kaya tumikhim ako ng malakas.

Umayos agad siya ng tayo at tinuon nalang ang tingin sa mga mata ko.

"Mamatay kana nga, hindi ka pa nag suklay man lang."

Dear KILLER [Completed]Where stories live. Discover now