DK彡Awkward!!

27.4K 973 79
                                    

"Tiffany Patricia Paula Ynna Mercado.........gising kana ba...?"

Pinikit ko pa ang mga mata ko at nagpatuloy sa pagkukunwari na tulog pa. Nakakahiya!

"Hoy Tippy!" nagulat ako ng may bigla humila sa paa ko na naging dahilan kaya nahulog ako sa kama.

"Ano ba Jay!" bulyaw ko sa kaibigan na kanina pa gumigising sa akin.

Inirapan lang niya ako bago binatukan sa ulo.

"Saan ba kayo nagpunta ni Red kagabi?! at bakit ng ibalik ka na niya rito ay wala ng malay?!"

Bigla nag-init ang pisngi ko ng maalala ang huling sinabi ko kay Denson kagabi.

*FLASHBACK*

"Virgin pa ako."

Halata sa mukha ni Denson na nagulat siya sa sinabi ko, ako nga nagulat din! magtatanong lang sana ako eh! pero hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko basta ang alam ko lang, nakakahiya !

Dahan-dahan sumilay ang isang pilyong ngiti sa labi niya bago niya ako hinapit sa baywang palapit sa katawan niya pagkatapos ay binulungan.

"Gusto mo bang gawin na natin?"

Namula at nag-init ang pisngi ko sa tanong niya kaya iisa lang ang naging paraan ko para makatakas sa napaka awkward na sitwasyon- at iyon ay ang mahimatay!

Buti nalang maagap agad niya ako nasalo bago pa ako matumba sa sahig.

"Mercado." natatawa na tawag niya sa pangalan ko habang bahagya tinapik-tapik ang pisngi ko.

Pero nagpatuloy pa rin ako sa pagkukunwaring nahimatay hanggang sa maramdaman ko na binuhat na niya ako.

"Wala kang dapat ikahiya Mercado, handa naman ako tumulong sayo." parang nang-aasar pa na sabi niya kaya lalo ko ginalingan ang pagkukunwari na nahimatay kahit halos magwala na ang puso ko!

Waaaah! nakakahiya! wala na akong mukhang ihaharap sakanya! nagtapat na nga ako sakanya pati ba naman pagiging virgin ko pinalandakan ko sa harapan niya! waaaah!

"Red!" nabuhayan ang loob ko ng marinig ang boses ni Jay pero nanatili pa rin akong nakapikit.

"Buti nakabalik na kayo, teka, anong nangyari kay Tippy?" tanong ni bakla ng makalapit na sa amin.

"Nahimatay." Sa kahihiyan! gusto ko sana idugtong sa sagot ni Denson pero hindi pa ako handa magmulat ng mata!

"Huh, bakit?" Nagtanong pa talaga ang bakla! narinig ko na tumawa si Denson.

"Siya nalang ang tanungin mo."

Hanggang sa dinala na ako ni Denson sa kwarto ni Jay, narinig ko na rin ang pagdating ni Xander sa kwarto ni Jay at nagpanic na tinanong si Denson kung saan kami pumunta at bakit ako nahimatay, pero lahat ng tanong niya sinagot lang ni Denson ng "Wala kang pakialam."

Alam ko na hindi umalis sa tabi ko si Denson dahil naaamoy ko pa rin ang pabango niya kahit naroon naman si Jay sa kwarto at nag-aasaran nina Lee at Xander na hindi na bumalik sa party niya at nakuntento nalang sa paglalaro ng chess.

Ang hirap magpanggap na natutulog- lalo na kung alam mong may nakatitig sayo.

"Alam ko gising ka." narinig ko na bulong ni Denson sa akin pero patuloy pa rin ako sa pagpapanggap.

"Masarap ka pala titigan Mercado." akala ko ba may pupuntahan ang lalaking to? eh bakit nandito pa rin siya at inaakit ako?!

Dear KILLER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon