DK彡Death Wish

32.8K 1.3K 51
                                    


'Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang planong patayin ka.'

Naiinis na ginulo ko ang magulong buhok ko at muli nagsulat sa notebook habang nasa canteen.

"May pinagdadaanan ka ba?" Tanong ni Jay sa akin na kasabay ko kumain ng lunch. Umiling lang ako bilang sagot at pinagpatuloy ang pagsusulat.

"Kanina ka pa tahimik. At malapit na matapos ang lunch break natin, hindi ka pa kumakain."

"Wag mo nalang ako pansinin." Sabi ko sakanya ng hindi inaalis ang tingin sa sinusulat ko sa notebook.

MY DEATHWISH◇

◆Maging sikat sa Academy.

◆Kumain ng maraming ice cream.

◆Magkaroon ng maraming kaibigan.

◆Hindi na mabubully.

◆Magkaroon ng crush.

◆Magkaroon ng textmate o kachatmate.

Magkaroon ng first kiss.

And-

"HOY!" Nagulat nalang ako ng biglang agawin ni Jay ang notebook ko at binasa iyon.

"Akin na nga yan, Bakla!" Pilit na inaagaw ko iyon pero sadyang pinaandar niya ang pagiging lalaki niya dahil malakas na tinampal niya ang kamay ko at nagbabantang tiningnan ako. Wala nalang ako nagawa at hinayaan nalang siya na basahin iyon.

"My Deathwish?" Basa niya sa notebook ko at tiningnan ako na parang sinasabi na 'Baliw ka na.'

"Akin na kasi sabi yan." Sinubukan ko pa rin agawin ulit iyon, pero lumayo siya ng bahagya sa akin at binasa pa ang ibang nakasulat doon.

"Maging sikat sa academy, kumain ng maraming ice cream, magkaroon ng maraming kaibigan, hindi na mabubully, magkaroon ng crush, magkaroon ng katextmate at kachatmate?! at magkaroon ng first kiss?! Iyon totoo, deathwish ba talaga ito?!" Natatawang tanong niya at binalik na sa akin ang notebook. Matalim ko lang siya tiningnan bago umupo ulit sa pwesto ko kanina.

"Pakialam mo ba!" Inis na sigaw ko sakanya na tinawanan lang niya ulit at umupo na din sa harap ko.

"Hindi ganyan ang paggawa ng deathwish. Iyong sinulat mo kasi, parang ipapadala mo kay Santa Claus, imbes na kay Kamatayan." Natatawa pa rin na sabi niya with matching palo pa sa table namin.

"Wala ka talagang kwentang kaibigan! Syempre, bago ako mamatay gusto ko maranasan ang mga nakasulat dito." Naasar na sabi ko sakanya na pinagtawanan niya lang ulit.

"Seventeen ka palang, Tippy. Bakit kamatayan na agad ang tumatakbo sa isip mo?"

"Naghahanda lang ako." Mahina na sagot ko na mukhang narinig pa rin niya dahil tumigil na siya sa pagtawa at pinagmasdan ako ng maigi.

"Bakit?" Nakakunot ang noo na tanong ko sakanya.

"Mula kasi ng nabundol ka ng motorsiklo, nag-iba kana. I wonder kung pati utak mo nabundol din."

Inirapan ko lang siya at nagsimula ng kumain ng pagkain na binili niya sa akin.

"Kahit sabihin ko sayo, hindi ka rin naman maniniwala." Sabi ko sa pamamagitan ng pagsubo ng kanin.

"Napakaimposible naman kasi paniwalaan. Si Red, isang Killer?! High school student palang siya, Tippy, at kung hindi mo din pansin mayaman ata ang pamilya niya."

Nagdududang tiningnan ko siya.

"Ata? so hindi ka pa sigurado? Jay naman! Ako ang kaibigan mo, dapat maniwala ka sa akin na si Denson ay isang-"

Dear KILLER [Completed]Where stories live. Discover now