DK彡The Confession

28K 1.1K 268
                                    

Kinakabahan ako habang hinihintay ang pagdating ni Denson sa rooftop kung saan dalawang oras ako napaaga sa usapan namin. Ilan beses na akong napainom ng tubig sa tumbler ko at nagsuklay ng buhok dahil sa nerbyos na nararamdaman. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko o kahibangan lang ito?

'Nasa isip lang ang takot, Alaga.' Bumalik sa alaala ko ang pinag-usapan namin ni Nana kagabi. Siguro tama nga ito, ayoko magsisi sa huli kapag hindi ako nagtapat. Malay natin, mahal din niya ako? Saka wala naman mawawala kung susubukan ko, diba?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng rooftop kaya napalingon ako doon. Ganun nalang ang paglakas ng tibok ng puso ko ng bumungad sa akin ang napakagwapong si Denson. Para siyang anghel na hinulog mula sa langit upang mahalin ko habang buhay kahit na- gusto niya kunin ang buhay ko.

'Hay, Denson ko. Bakit kinailangan mo pang maging Killer? Kung pwede naman kita patayin ng pagmamahal ko.........'

"Mercado." Doon lang ako natauhan sa pada-daydream ko ng tawagin ako ni Denson. Nakatayo na pala siya sa harapan ko ng hindi ko namamalayan.

Tumikhim ako at umayos ng tayo.

"Hi, Denson." Mahinhin na bati ko sakanya at pasimple na inayos ang buhok.

Pero saglit lang siya tumingin sa akin dahil nasa guitara ko na agad ang buong atensyon niya.

"Anong meron?" Tanong niya ng mapansin din ang ilang pulang balloon na nasa sahig at nakapalibot sa amin. Sinadya ko talaga maglagay ng ganun para sa props ng pagtatapat ko. Muntik pa nga din ako maglagay ng maliit na table doon para kung sakali gusto din niya ako-- Diretso na agad kami sa dinner date. Pero kumontra ang bakla kong kaibigan na tumulong sa pagseset-up ko sa plano kong iyon. Hayaan ko daw si Denson ang magplano ng first date.

"Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong ko at tiningnan iyong mga balloon at iyong dalawang upuan na magkaharap sa gitna ng mga balloon na naka-arrange ng pang heart shape.

"Birthday mo?" Pacute na tumawa ako sa tanong niya. 'Langya, ang manhid naman ng lalaking to. Porke't may balloon, birthday na agad?' Sa loob-loob ko.

"Matagal pa iyong birthday ko."

"So, ano nga meron?" Umangat ang dalawang kilay niya at nagdududang tiningnan ako.

This is it pansit, wala ng atrasan.
Huminga ako ng malalim bago siya hinawakan sa siko niya at hinila paupo sa isang upuan na naroon. Naguguluhan na tumingin siya sa akin ng umupo din ako sa isa pang upuan na katapat niya.

"Isang beses ko lang gagawin to kaya please, makinig ka." Sabi ko ng hindi siya tinitingnan. Kinuha ko ang guitara ko na nasa sahig at inayos ang tono nun. Nang masiguradong handa na ang lahat, muli akong tumingin kay Denson.

"This is for you."

Nagsimula na ako sa pagpapatugtog ng guitara. Tahimik naman siya nakatingin sa akin. Pakiramdam ko nga matutunaw na ako.

♬I look at you, you look at me, I look away so you can't see♬ Napangiti ako ng tumungo at tumingin sa bawat galaw ng mga daliri ko sa string ng guitara.

♬I'm dreaming of you and you don't even know, you don't even know......♬

Tiningnan ko ulit siya sa mata para iparating sakanya ang mensahe ng kantang iyon.

♬That I......falling madly inlove with you, with you...♬

And I......wish that you were going crazy for me too♬ Pumikit ako sandali bago ulit tumingin sakanya. Wala pa akong nakikitang positibong reaksyon mula sakanya kaya kahit nawawalan na ng pag-asa ay nagpatuloy ako.

Dear KILLER [Completed]Where stories live. Discover now