DK彡 I IIII III

28.2K 1.1K 316
                                    


Muli ako naghikab habang nakikinig sa lesson ni Sir Pandak.

Pasulyap-sulyap naman ang dalawang tao sa tabi ko. Yup! pumasok na rin si Denson! at sa kasamaang palad hindi pa rin kami nag-uusap, saklap naman.

Pinilit ko nilabanan ang antok at tumango-tango pa sa sinasabi ni Sir kahit wala naman talaga akong naiintindihan. Kasalanan kasi ng The Boom ito, kundi ba naman nila kami hinabol, malamang hindi kami uuwi ng hatinggabi ni bakla at makakatulog ako ng maaga. Buti nalang natakasan pa rin namin sila sa tulong na rin ng mga fans nila.

Mahinang tumawa ako ng maalala iyong itsura ng tatlong iyon ng dumugin sila ng mga fans nila. 'Buti nga.'

"Okay, class dismissed!"

Lumiwanag agad ang mukha ko ng marinig ang magandang balita. Tumayo na ako para sundan si Denson na nauna ng lumabas sa classroom. Pero ilan hakbang palang ang ginagawa ko ng tinawag naman ni Sir Pandak ang apelyido ko.

"Miss Mercado, can I talk to you?"

Napahinto ako at nagtatakang nilingon ko siya at tinuro ang sarili.

"Ako po?"

"Meron na bang transferee na Mercado bukod sayo?"

Litsi! pilosopo talaga si Sir kahit kailan. Napanguso nalang ako na lumapit sakanya.

"Bakit po?"

Inayos niya ang salamin sa mata at tiningnan ako ng may pagdududa.

"Pinapatawag ka na naman sa guidance office."

Napamaang ako at kinabahan. May nagawa na naman ba ako na hindi ko nalalaman? Maglilinis na naman ba ako ng buong campus?

Tumatakbo ang katanungan na yan sa isip ko ng pinayagan na ako ni Sir na lumabas at magpunta ng guidance office. Pero ang hindi ko inaasahan na bubungad sa paglabas ko ay ang naghihintay na si Denson.
Umayos agad siya ng tayo mula sa pagkakasandal sa bintana ng mapansin ang paglapit ko.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong agad niya ng nasa harapan na niya ako. Hindi ko mapigilan mapangiti. Para siyang boyfriend ko kung kumilos at naghihintay pa talaga sa akin. 'Assuming.' Hindi ko pinansin ang sinabi ng isip ko.

"Tumawag ako sayo kagabi." Pagkasabi niyang iyon ay mabilis ko kinuha ang cellphone sa bulsa at tiningnan iyon. Nagtaka ako ng mapatunayan na tumawag nga siya at sinagot ko pa iyon! Pero bakit wala akong maaalala na sinagot ko nga iyon?

Napakamot ako sa ulo habang pilit na inaaalala kung nag-usap kami kagabi sa telephono.

"Nakaistorbo ba ako?" Sabay kami napalingon ni Denson sa nagsalitang iyon. Ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ulit siya!

OH NO! ANO ANG GINAGAWA NIYA RITO?!

"Ikaw na naman?!" Gulat na gulat na sabi ko. Naglakad siya palapit sa amin habang nasa bulsa niya ang mga kamay. Ngumisi siya ng huminto siya sa harapan namin ni Denson.

"It's nice to see you again, Tiffany." Pinandilatan ko siya pero muli ako humarap sakanya ng maalala kung bakit napadpad siya sa academy.

"Teka, anong ginagawa mo dito? Are you stalking me?" At ang kumag, tawanan ba ako?

"Ang gwapo ko naman maging stalker mo."

"Seryoso ako!" Pero lalo lumakas ang tawa niya kaya naiinis na hahampasin ko sana siya ng backpack ko kundi lang niya tinaas ang dalawang kamay na parang tanda ng pagsuko.

"Okay, okay. Hindi ako stalker mo. Admirer pwede pa." Kumindat siya sa akin kaya hindi ko maiwasan pamulahan. May malakas na tumikhim kaya pareho naagaw ang atensyon namin ni Xander sa taong iyon.

Dear KILLER [Completed]Where stories live. Discover now