DK彡⇨ School Fair ⇦

27.8K 1K 70
                                    

"Bakit wala ka na namang sinalihan na club?!" Tanong ni Jay sa akin habang nakatambay ako sa booth ng club nila.

Ang araw na iyon ay ang school fair namin, tulad pa rin ng dati hindi na naman ako nagpaparticipate. Noon nga kapag may activities sa Academy palagi akong absent at nasa bahay lang. Hindi dahil sa walang gusto tumanggap sa akin, choice ko lang talaga hindi magparticipate.

"Tinatamad ako eh, saka hindi rin naman sumali si Denson." Sagot ko habang kumakain ng banana que.

"Puro ka Denson. Last year na natin ito baliw kaya sana, nagparticipate ka naman."

Umiling lang ako habang kumakain. Pinagmasdan ko ang ginagawa nilang pagde-desenyo sa Marriage Booth nila.

"Doon kana nga sa bundok, nakaharang ka sa booth namin." Pagtataboy ni Jay sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin at naglakad na palayo. Nilibot ko ang iba't-ibang booth na naroon. Marami na ring tao na mukhang iyong iba ay sa ibang school pa nanggaling. 'Bakit kaya wala pa siya? boring tuloy.'

"Tiffany!"

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Xander walang kwenta na pinalilibutan ng mga babae na masama na ang tingin sa akin. 'Hay isa pang kutong lupang ito, ang dami ng babae sa paligid niya tatawagin niya pa ako.' Pinandilatan ko lang siya at nagsimula na maglakad ulit.

Pero nagulat nalang ako ng biglang may humawak na dalawang lalaki sa akin kaya nalaglag tuloy ang banana que ko. Asar na nilingon ko ang dalawang lalaking iyon.

Pero nagulat ako ng ma-mukhaan ko sila.

"Teka,diba kayo iyong-"

"Inaaresto ka namin." sabi ng isa na may pagkachinito habang tumatawa naman ang foreigner.

"This is funny, we looked like an idiot."

"Buti alam niyo,teka bitawan niyo nga ako at bayaran niyo na din ang banana que ko." palag ko sakanila pero ngumisi lang sila at iginaya na ako patungo sa Jail booth kung saan nag-aabang si Xander walang kwenta.

"Arestado ka!" sabi agad niya ng tumigil kami sa harapan niya. wala na rin iyong mga babae na nakapaligid sakanya kanina, iyong mga kasama niya nalang sa club ang naroon na napapailing nalang na ngumiti.

"Heh! tigilan mo ako, wala naman akong nagawang kasalanan!" bulyaw ko sakanya pero ngumiti siya at bahagya niya nilapit ang mukha sa mukha ko.

"Ninakaw mo ang puso ko, kaya arestado ka." sabi niya na tinawanan lang ng mga kasama niya.

"Boom panes!" sabi ng chinito.

Napabuntong-hininga nalang ako na tiningnan siya.

"Wala akong kinalaman sa binibintang mo at kung sakali na nakawin ko iyon, wag ka mag-alala isasauli ko agad sayo." asar na sabi ko sakanya.

Ngumiti lang siya na namulsa sa akin at sinenyasan ang dalawang kasama na dalhin na ako sa kulungan na ginawa ng club niya.

"Bwisit!" sigaw ko ng nasa loob na ng kulungan kasama ang ibang students na pinagtripan din.

"Relax Tiffany, ako naman ang magbabantay sayo." nakangisi na wika ni Xander mula sa labas.

"Pwede ba, pakawalan mo ako! sinisira mo ang araw ko, alam mo ba iyon?"

"Hindi, dahil para sa akin ikaw ang nagpapaganda ng araw ko." wika niya sabay kindat.

"Boom panes ulit!" sabad ng chinito. tumawa lang iyong mga kasama niya pati na rin iyong mga nasa loob ng kulungan.

"Tigilan mo nga ako Xander walang kwenta baka marinig ka ni Denson."

Nagpalingon-lingon siya sa paligid.

Dear KILLER [Completed]Where stories live. Discover now