DK彡Missing Him╮(╯_╰)╭

24.2K 1K 21
                                    


MONDAY ulit at ang pinakamahirap na araw para sa akin. iyon na kasi ang unang simula ko sa plano namin ni Jay ay mali ,plano lang pala ng bakla dahil hindi naman bukal sa loob ko ang gagawin.

Walang gana na naglalakad ako patungo sa classroom habang iniisip ang mga sinabi ni Jay.

Makakaya ko ba talaga iwasan si Denson? Mapapansin kaya niya na wala ng Tippy na bumubuntot sakanya? Paano naman ang nararamdaman ko?

"Mercado."

Para akong pinako sa kinatatayuan ng marinig ang boses na iyon sa likuran ko. "Tandaan mo Tippy, pag tinawag ka niya wag mo siya papansinin." Naririnig ko ang boses ni Jay. Kaya hindi ko nilingon si Denson at dumiretso na sa classroom na mabigat ang loob.

Naabutan ko si Jay na may sinusulat kaya hindi ko na siya binati dahil naiinis pa ako.

Tahimik na umupo na ako samantalang sumunod naman pumasok si Denson.

"Hi Red." malanding bati ni Casey sakanya na tinanguan niya lang. "Wag na wag ka titingin sakanya kundi dudukutin ko ang mga mata mo." sabi ulit ni Jay kagabi kaya naiinis na nilingon ko siya na busy pa rin sa pagsusulat.

Sinubukan ko maging busy na din habang pilit na hindi tinitingnan si Denson na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko.

Ang hirap pala nito! iyong feeling na gusto mo na siya tingnan pero pinipigilan mo lang ang sarili? argh! kainis!

Hanggang sa magsimula na ang klase namin ay tiniis ko talaga na hindi siya tingnan o sulyapan man lang, basta para akong robot na diretso lang ang tingin.

"Ok that's it for today, you can take your break." sabi ni Mr.Perez sa amin. nagsilabasan na ang ibang students para mag lunch.

Tumayo na rin ako para sumunod kay Jay.

"We need to talk." narinig ko na sabi ni Denson na nanatili pa rin nakaupo. "Pag oras na kinausap mo siya Tippy, sisiguraduhin ko naman na lalaklak ka ng muriatic." boses ulit ni Jay.

Napabuntong-hininga nalang ako na kinuha ang bag at walang lingon o salita na lumabas na ng classroom. 'Kaya ko pa.' pagpapalakas loob ko.

"Tiffany!"

Lalo ko binilisan ang paglalakad ng marinig na naman ang bwisit na boses na iyon.

"Tiffany wait!!"

Hindi na ako nakapalag ng nakahabol sa akin si Xander at hinawakan ako sa braso.

"Ano ba!" Angal ko sabay bawi ng braso pero inakbayan naman niya ako.

"Sabay na tayo maglunch."

"Ayoko at pwede ba wag mo nga ako akbayan." Naiirita na wika ko sabay tulak sakanya pero matigas talaga ang ulo niya dahil muli niya akong inakbayan.

"Be nice naman Tiffany, gusto lang kita makasabay maglunch."

"Ayoko nga sabi, kulit mo!" napipikon na sabi ko at patuloy na tinatanggal ang braso niya sa balikat ko.

"Sige na, libre ko naman saka naghihintay na rin ang kaibigan mo kaya yes na!" pagpupumilit pa rin niya.

Tinanggal ko ang braso niya at hinarap siya.

"No!" matigas na sabi ko.

"Yes." nakangiting sabi niya.

"No!"

"Yes!"

"No! No! No!"

"Yes! Yes! Yes!"

Naiinis na napasigaw ako at sumusukong tumingin sa nakangising mukha niya.

Dear KILLER [Completed]Där berättelser lever. Upptäck nu