DK彡Guidance Office

31.1K 1.3K 154
                                    

"Late ka ng five minutes, may bawas sa life line mo."

Pinukol ko lang ng masamang tingin si Killer at sabay baba ng mga pinabili niya sa akin na mga pintura.

"Umaabuso ka na talaga." Galit na sabi ko pero ngumisi lang siya at tumayo mula sa kinahihigaan na bermuda grass. Nasa loob pa rin kami ng campus ng academy at naghihintay ng susunod na klase namin.

"Nabili mo ba lahat ng kulay?" tanong niya habang sinusuri ang nasa laman ng supot.

"Oo, sana sa uulitin kapag inutusan mo ako bigyan mo naman ako ng pera ah." Asar na sabi ko sakanya na mukhang binalewala lang niya iyon.

"Mayaman ka naman, Mercado. Saka para rin sayo ito."

Napaismid nalang ako sa sinabi niya.

Pagkatapos ng palitan namin ng sulat noong nakaraang linggo ay parati na rin niya akong tinatakot para mautusan. Andyan na ang mag take notes pag tinatamad siya magsulat, mag summary ng isang libro kapag busy siya, at bilhan siya ng pagkain sa canteen at dalhin sakanya sa rooftop kapag di niya gusto maglakad.

Malala na talaga ang kasamaan ng Killer na ito para abusuhin ang takot na nararamdaman ko sakanya. Heto naman ako na duwag at takot mamatay ay sinusunod naman siya kapag sinasabi niya na ang-

"Do it or else I'll kill you"

O di kaya,

"Faster Stupid! Bago ko pa iputok ang baril ko sa bungo mo."

Pag nagmamatigas naman ako palagi niya sinasabi na-

"Ayaw mo gawin? gusto mo na mamatay?"

Daig niya pa si Satanas sa kasamaan! Buti pa siguro ang mga gangster o di kaya miyembro ng mga mafias may kabaitan pang natitira sa katawan. Pero itong lalaking ito? Ni kaluluwa wala na siguro.

"Follow me." Narinig ko na sabi niya habang bitbit na ang mga pinamili ko na pintura. Umismid lang ako at nanatili sa kinatatayuan.

"Susunod ka ba? O gusto mong dyan nalang mamatay?" Lingon na tanong niya. Asar man ay sumunod na ako sakanya.

See?? Ganyan-ganyan siya madalas mambanta sa akin kaya hindi ko matanggihan.

Nakarating kami sa puno na madalas niya tingnan sa labas ng classroom namin, nakikita ko pa sa bintana ang mga classmates ko na busy sa pakikipag chikahan habang hinihintay ang klase namin.

"Ano ba ang gagawin natin dito? Masyadong malamok." Reklamo ko. Lumapit siya sa puno at sinimulan buksan ang mga pintura.

"Teka, anong ginagawa mo?" Tanong ko ulit sakanya.

Tumingin siya sa akin pagkatapos ay sa puno naman.

"Anong paborito mong kulay?"

"Blue?" Nagtatakang sagot ko. Tumingin ulit siya sa akin.

"Ayaw mo nang pink?"

"Gusto pero..."

"Ok pink, sige na pinturahan mo na." Sabay bigay niya sa akin ng pintura at brush. Nagtatanong ko siyang tiningnan.

"Gu-gusto mo pinturahan ko ang puno na ito?" Hindi makapaniwala na tanong ko sakanya. Ngumisi siya at tumango.

"At gusto mo na kulay pink pa?"

"Aha." Nakangisi pa rin na sagot niya.

"Are you out of your mind?! Gusto mong mapatawag tayo sa guidance office?! Kapag oras na pininturahan natin ang matandang puno na ito!"

Dear KILLER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon