DK彡Rumors

23.9K 912 67
                                    

"Totoo bang inaresto ng mga police iyong si Red?" tanong ni Mommy sa akin habang kumakain kami ng hapunan.

Tumigil ako sa pagkain at tiningnan sila ni Daddy.

"Saan niyo po nabalitaan?"

"Alam mo namang alumni ako ng school mo sweety kaya marami akong kilalang teachers doon, so, what happened?"

"Hindi po siya inaresto,kinausap lang siya."

Tahimik lang ang Daddy ko na medyo nakakapanibago, usually kasi siya iyong maraming tanong.

"Alam ko may utang na loob tayo kay Red, dahil sa aksidente noon na nangyari sayo, pero Sweety, wag mo nalang muna siya kausapin ok?"

Nakakunot ang noo na tiningnan ko si Mommy na parang feeling ko pinagbawalan na niya akong mabuhay.Lol!

"Why Mom? dahil lang sa kinausap siya ng mga police?"

"Para makaiwas ka sa gulo Sweety, hindi naman lingid sayo na magiging usap-usapan na sa school niyo iyong nangyari kay Red diba?"

"I don't care Mom, kaibigan ko po si Denson." At mahal ko siya! pinigilan ko ang sarili na sabihin iyon, mahirap na baka bigla ako sipain ni Daddy papunta ng states.

"Sweety naman, marami ka namang kaibigan ah, nandyan naman si Jay at Xander." Kailan pa naging marami ang dalawa? argh! si Red ang kailangan ko!

"Makinig ka sa Mommy mo Tippy." bigla sabad ni Daddy kaya nabaling sakanya ang tingin ko.

"Dad, hindi niyo po ako pwede pagbawalan na kaibiganin si Denson dahil hindi ko po magagawa."

"At bakit? dahil gusto mo siya?"

Natikom ko ang bibig ko sa tanong niya. pero agad naman umiling.

"Hi-hindi." nakayukong sagot ko bago ulit narinig na nagsalita si Daddy.

"I don't like that guy Tippy."

Napa-angat ako ng tingin sakanya at nagtatanong na tiningnan si Mommy.

"And what's that supposed to mean Dad?"

"Stay away from him."

"Stay away from him"

"Stay away from him"

"Stay away from him"

"Stay away from him"

"Stay away from him"

"No!" sigaw ko sabay tayo, napatayo din sila at halatang nagulat sa inasal ko.

"Wag ka magtataas ng boses mo sa akin Tippy!"

"I'm sorry Dad pero hindi ko po magagawa ang gusto niyo na layuan ko si Denson. I'm done eating, goodnight." paalam ko sakanila at hindi na nag-abala na halikan sila tulad ng nakagawian ko.

Naiintindihan ko naman kung bakit nila gusto na iwasan ko si Denson dahil totoong mapanganib siyang tao- pero hindi ko kaya na layuan siya at hindi kausapin dahil hindi ko kakayanin. Argh! ano na ang gagawin ko? siguradong magpapa-imbestiga si Dad!

_______

Mom's right. usap-usapan agad sa campus ang nangyari kahapon na pagbitbit ng mga police kay Denson, kahit alam ko na kinausap lang siya ng mga police- apektado at nasasaktan pa rin ako sa mga naririnig.

Lalo na ng kumakalat sa buong campus na drug user at pusher raw si Denson kahit hindi naman totoo.

"Sinabi ko na sayo Tippy na layuan mo na siya." kausap sa akin ni Vince ng matiyempuhan niya akong nag-iisa sa harap ng locker ko.

Dear KILLER [Completed]Where stories live. Discover now