DK彡Killer's Identity

24.5K 984 64
                                    

Two days.

Ganun daw ako katagal natulog sabi ng Mommy ko. ewan ko ba kung matagal iyon eh parang umidlip nga lang ako eh- iyon lang may sugat sa tagiliran. buti daw walang natamaan sa mga organs ko kundi tigok na ako at buti na rin daw wala ring bala ang bumaon sa katawan ko. kaya mabilis agad ang recovery ko.

Isang linggo pa ako nanatili sa hospital para masiguro na ok na talaga ako- madalas din bumibisita sina Xander, Lee at Brian kasama si Jay pagkagaling nila sa school.

Bantay sarado din ako nina Mommy at Daddy, infact may dalawang bodyguards na ako na nagbabantay sa akin 24/7 para siguradong hindi na makalapit si Red sa akin.

Siya kasi iyong sinisisi ng parents ko dahil mula daw ng makilala ko siya, nakadalawang pasok na rin ako sa ospital. Actually, hindi ko siya sinisisi. Hero nga ang tingin ko sakanya diba? At mahal ko siya. Handa ako kaharapin lahat ng panganib basta nandyan lang siya sa paligid at handa akong iligtas.

Iyong tungkol sa bumaril sa akin? ayon! nakatakas at wala pa ring pagkakakilanlan hanggang ngayon. kaya alam ko na hindi pa ako ligtas lalo pa't nabasa din ng parents ko iyong card na nakasabit sa teddy bear na iniwan noon sa labas ng bahay namin.

Kaya heto ako ngayon, kasama ang dalawang police na dati ng nagpunta sa school at tinatanong ako kung gaano ko kakilala si Red.

"Magsalita ka na Nene, para naman umusad ang imbestigasyon na ginagawa namin at para sa kaligtasan mo rin to."

Sinamaan ko lang ng tingin si Inspector kalbo habang nasa living room kami.

Kanina pa sila tanong ng tanong pero ni isa wala akong sinagot.

"Come on Sweety, wag kang matakot." dinig ko na sabi ng Mommy ko na nakaupo sa tabi ko habang nasa harapan ko naman sina Inspector kalbo at Spo1 Castro.

"Sa tingin mo, sino ang nagpadala ng teddy bear sayo?" muling tanong ni kalbo sabay pakita sa akin ng teddy bear na iyon.

"Secret Admirer." tipid na sagot ko.

Sabay na napabuntong-hininga iyong dalawang police bago tumingin sa Daddy ko na nakatayo sa pinto.

"Ayaw makipag-cooperate ng anak niyo Mr.Mercado."

"I'll talk to her." sagot ng Dad ko kaya nagpaalam na ang dalawang police na babalik nalang sila kapag malinaw na ang pag-iisip ko. litsi lang eh?

"Aakyat na po ako sa kwarto ko." paalam ko ng makaalis na ang mga police pero pinigilan ako ng Daddy ko at inutusan akong umupo ulit.

"Let's talk." seryosong sabi ng Daddy ko kaya sumunod nalang ako at umupo na rin ulit.

"I know you like that boy. pero princess, alam mo bang sangkot sa isang sindikato ang lalaking iyon?"

"Wala pang ebidensyang nahahanap ang mga police Dad."

"Exactly! kaya lalong mapanganib kung patuloy kapa rin sa pakikipaglapit sakanya princess."

"I love him Dad." diretsang pag amin ko ng hindi siya tinitingnan.

Namayani ang sandaling katahimikan bago ulit nagsalita si Daddy.

"Bata kapa Tippy. marami ka pang makikilalang lalaki."

Ayoko isipin iyon. Gusto ko si Denson na ang makasama ko habang buhay. Ayoko sa iba.

"Wala sa edad kung kailan mo mararamdaman ang true love Dad."

"Masyado ka pang bata Tippy para isipin na siya na ang lalaking mamahalin mo habang buhay."

"Bakit ba kayo kumokontra? ayaw niyo ba ako maging masaya?" nagsimula ng mamuo ang luha sa mga mata ko na anumang oras malalaglag na.

Dear KILLER [Completed]On viuen les histories. Descobreix ara