DK彡Introduction^_^

54.7K 1.9K 133
                                    

Tiffany Patricia Paula Ynna Mercado, inshort 'Tippy' ganyan kahaba ang pangalan ko.

Nag-iisa akong anak nina Mr.Patricio at Mrs.Paula Mercado, kaya binigay na nila lahat ng pangalan na gusto nila sa akin, Malaking paghihirap ang dinanas ko noong grade one ako, bukod sa hirap na hirap pa ako noon sa pagsusulat ng sariling pangalan- ay madalas rin akong binubully dahil hindi nila ma-memorize ng tama ang pangalan ko, ewan ko ba sa mga batang iyon kung ano ang problema nila sa buhay, Kaya mula noon, tinawag ko nalang ang sarili ng TIPPY kahit ayaw ng magulang ko.

Anyway, tulad nga ng sinabi ko, nag-iisang anak lang ako, at ang ibig sabihin nun, lahat ng gusto ko ay nasusunod, dahil malamang wala akong kaagaw! pero mabait naman ako kahit minsan matigas ang ulo ko, lahat kasi ng nagugustuhan ko dapat mapasaakin, I know, hindi iyon mabuting ugali, pero sisihin niyo ang mga magulang ko, sinanay nila ako.

Pero sa kasamaang palad kung ano ang yaman ng pamilya ko ay siya naman hirap ko sa kaibigan, nag-iisa lang talaga ang kaibigan ko at iyon ay si Jay Yusop, my bestfriend since fetus, kung nag-aalala kayo na madevelop ako sakanya tulad ng nangyayari sa mga movies, isa lang ang sagot ko, NEVER! dahil BAKLA SIYA, BAKLA! kaya masusuka lang siya kapag Nainlove ako sakanya, well, ganun din ako. hindi ko maatim na ang lalaking mamahalin ko ay gusto rin ng lalaki. Oh God!

Graduating na kami ni Jay ng high school sa Maria's Academy, ang paaralan ng mga RICH KIDS at doon mo rin matatagpuan ang mga SPOILED BRAT, BULLY, AT MAARTE! buti nalang di ako kasama sa listahan na yan dahil isa lang naman ako sa listahan ng mga WEIRDO, BULLIED, AT TEACHER'S PEST! hindi pet, dahil sakit sa ulo ang tingin ng mga faculty members, principal, janitors, canteen staff at security guards sa akin, kung ano or sinong dahilan?

RED DENSON.

Ang lalaking kinatatakutan ng lahat.

Dear KILLER [Completed]Where stories live. Discover now