☜The Deadly Finale☜

27.2K 950 103
                                    

Tulala lang ako habang nakaupo sa likuran ng ambulansya na dumating ilan minuto pagkatapos ng pagsabog.

May mga police line na rin sa paligid at mga tao na nakiki-tsismis sa nangyari.
Denson... naramdaman ko na pumatak muli ang luha ko ng maalala na naroon siya sa loob ng kotseng iyon na sumabog. Denson...

"Tippy!" Dinig ko na may tumawag sa akin kaya wala sa sarili na napaangat ako ng tingin sa limang tao na nagmamadali lumapit sa akin.

Agad ako niyakap ng isang may edad na babae na hindi ko na matandaan kung sino siya ng mga oras na iyon.

"Sweety...are you ok?" Tanong niya sa akin sabay hawak sa dalawang pisngi ko. Tiningnan ko lang siya at pilit inaalala kung sino ba siya sa buhay ko.

"De-Denson..." tanging nasabi ko lang at napaiyak ulit.

Naramdaman ko na niyakap niya ako ng mahigpit at umiiyak na din.

"Denson...Denson...Denson..."

"What happened? Nasaan na ang kasama niya?" Dinig ko na tanong ng isang gwapong lalaki na nasa tabi ko naman.

"Masyado mataas ang hinulugan ng kotse kaya kailangan pa namin bumaba para tignan ang naiwang sakay nun."

Napapikit nalang ako habang walang tigil sa pagdaloy ang luha ko.

"Denson...si Denson..."

"Ssssh...tahan na Sweety...."

"Naghanap ba kayo sa buong paligid?" Tanong ng isang may edad na lalaki sa isang officer.

"Opo Mr.Mercado pero tanging anak niyo lang ang natagpuan namin kaya maaaring hindi na nakatalon ang kasama niya."

NO! Dahil doon agad ako kumalas sa pagkakayakap sa akin ng may edad na babae at hinarap iyong nagsalita at tinulak siya ng malakas.

"Hindi pa siya patay! Narinig ko na sumigaw siya! Alam kong hindi pa siya patay!"

"Sweety enough..."

"Napakasinungaling mo! Hindi pa siya patay!" Patuloy na sigaw ko habang pinipigilan ako ng dalawang lalaki sa gagawing pagsugod sa officer na nakayuko lang.

"Maghanap pa kayo." Utos ng kalbo na nakahawak sa akin.

Napaupo nalang ako sa semento habang humahagulhol.

"Hindi pa siya patay...magpapakasal pa kami..."

"Anak, tahan na." Narinig ko na sabi ng isang may edad na lalaki at niyakap ako ng mahigpit.

"Hindi pa siya patay Dad...please sabihin niyo na hindi pa siya patay..."

"I'm sorry princess..."

Umiling-iling nalang ako at napayakap na rin sakanya habang umiiyak na parang wala ng bukas.

____

Wala na akong balita kung ano na ang nangyari sa imbestigasyon ng mga pulis mula ng sumabog iyong kotse or kung ano na ang nangyari kay Oliver at sa grupo niya. Basta ang narinig ko lang- may namatay at......si Denson iyon.

Masakit. Sobrang sakit. Wala akong nagawa para iligtas siya.

At ang masaklap pa, masakit pa ang huling salita na iniwan niya sa akin. "Tanga! Tumalon kana!" Ang sama talaga ng ugali niya kahit kailan.

Ni hindi ko nagawa pumunta sa lamay niya at sumama sa paghatid sa kanya sa huling hantungan niya.

Baka kasi bigla ko maisipan tumalon sa hukay niya at sumama na sakanya sa sobrang kalungkutan at sakit na nararamdaman ko.

"Gusto mo ba kumain Sweety?" Tanong ng Mommy ko ng pumasok siya sa kwarto ko.

Agad ko pinahiran ang mga luha ko at tumingin sakanya ng maupo siya sa gilid ng kama ko.

"Busog pa po ako." Tipid na sagot ko at nagtalukbong ng kumot.

"Nandyan sa baba si Xander, ayaw mo ba siya makausap?"

"Sa ibang araw nalang Mom."

Dinig ko na napabuntong-hininga siya bago tumayo at lumabas na ng kwarto.

Muli na naman ako napaiyak ng maramdaman ang kalungkutan ng maiwan mag-isa.
Daya mo, ang daya-daya mo Denson...sabi mo hindi mo ako iiwan...eh bakit hindi ka tumalon sa kotse? bakit hinayaan mo ako mag-isa ngayon? Bumangon ako sa kama at tinitigan iyong huling binigay niya sa akin. Ang hugis puso na singsing na laruan.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng bumukas iyon at pumasok si Xander.

"Pwede bang pumasok?" Nag-aalangan na tanong niya.

"Adik, nasa loob kana kaya ng kwarto ko."

Ngumiti lang siya bago naglakad patungo sa akin at umupo sa tabi ko.

"Bigay niya?" Tanong niya habang nakatingin sa suot kong singsing.

Malungkot na tumango ako.

"Wala talagang kwenta dumiskarte si Red." Napapalatak na sabi niya na bahagya ko lang tinawanan ng maalala kung paano siya nagproposed ng kasal sa akin at kung paano niya ako pagbantaan na sinasabi niya noon na nilalambing niya lang ako.

"Sira ulo kasi." Nasabi ko nalang at muli na naman pumatak ang luha ko.

Hinawakan ni Xander ang kamay ko at bahagya iyon pinisil.

"Kung nasaan man siya ngayon Tiffany, alam kong hindi siya masaya."

"Malamang, mainit doon." Biro ko at nagkatinginan kami bago sabay na tumawa.

"Pero magiging masaya siya kapag nakita niya na masaya ka rin dito Tiff."

Nawala ang ngiti ko at tinitigan ulit ang singsing.

"Ang hirap naman ata nun Xander, hindi ko na alam kung paano mabubuhay ng hindi na nakabuntot sakanya, ng hindi niya pinagbabantaan, ng hindi niya niyayakap at ng hindi niya hinahalikan." Kumawala ang isang hikbi sa bibig ko kaya lumapit pa si Xander at niyakap ako ng mahigpit.

"Subukan mo Tiffany...para sakanya, mabuhay ka ulit ng normal at ng masaya......"

Dear KILLER [Completed]Where stories live. Discover now