DK彡Reippy or Xanppy?

30.4K 1K 385
                                    

From: Killer

Magkita tayo sa parking lot.

Nagmamadali ko na kinuha ang mga libro na kakailanganin ko pag-aralan mamayang gabi bago kami nagtungo ni Jay sa parking lot ng Academy.

"Buti pinapayagan ka ni Tito na si Red maghatid sayo pauwi?"

"Iyon na nga, hindi niya alam, ang akala niya sumasabay ako sayo."

"Bwisit eh? gamitin ba ako para sa kalandian?"

"Wag kana kumontra, hindi mo rin naman ako maiintindihan."

"Ewan ko sayo, basta kapag niloko ka ni Red, sabihin mo sa akin ah."

"At bakit? para ipasalvage siya?"

"Hindi, para gahasain ko siya- Aray!" sigaw niya ng hinampas ko siya ng libro na hawak.

"Umayos ka nga Bakla! doon kana kay Xander."

"Naman! kaso, ikaw pa rin ang bukambibig nun, kinulit nga ako para ibigay lang iyong number mo."

Tumigil ako sa paglalakad at binatukan siya.

"Aray ah! nakakadalawa kana!"

"Ikaw pala ang dahilan kung bakit hindi na ako tinitigilan ni Xander sa text! kaasar!"

"Wow ah, ganda mo?"

"Bahala kana nga dyan bakla!" iniwan ko na si Jay at nauna na ako lumabas ng building.

Agad ko namataan si Denson na nakaupo sa motor niya at nakatingin sa grupo nina Vince na nakatambay sa isang bench malapit sa parking lot.

"Tiffany!"

Napalingon lahat ng estudyante sa taong tumawag sa pangalan ko kabilang na sina Red,Vince at ang grupo ni Cathy na palapit sa mga kotse nila.

Bwisit ka talaga Xander! kailangan ba talaga sumigaw?

"Uuwi kana? gusto mo sumabay sa akin? hinihingal na tanong ni Xander sa akin ng makalapit na siya sa kinatatayuan ko.

Sasagot sana ako ng may umeksena pa na isang bwisit sa buhay ko.

"Pwede ba tayo mag-usap, Tippy?" tanong ni Vince ng makalapit na rin siya sa amin. iisa lang ang tumakbo sa isipan ko at iyon ay tumingin agad sa direksyon ni Red na nakatingin din sa amin.

"Ako nauna lumapit dito Alegre." kausap ni Xander kay Vince.

"Kakausapin ko lang siya Dela Cruz."

"Sa ibang araw nalang Alegre."

Problema ng mga ito? Hoy Denson! lumapit ka nga dito!

Halata na ang pagkairita sa mukha ni Vince ng muli siya magsalita.

"Tatay ka ba niya?!"

Ngumiti ng nakakaloko si Xander at umakbay sa akin.

"Future husband niya." bigla ako napatingin sakanya. Future husband?! bat di ko alam?! wala ka talagang kwenta Alexander!

Narinig ko agad ang bulong-bulungan ng mga estudyante sa paligid habang nakamamatay na ang tingin ng grupo ni Cathy sa akin.

"Future husband?! boyfriend kana ba niya?!"

"Malapit na." nakangiti na sagot ni Xander sa naiinis na si Vince.

"Ho-hoy Xander! ano ba!" naiilang na sabi ko at lumayo sakanila. Ilagay ba ako sa hotseat?I'm sure pag iinitan na naman ako nina Cathy.

Dear KILLER [Completed]Where stories live. Discover now