DK彡The Heartbreaks

24.2K 926 108
                                    

Sa dinami-dami ng sinabi ng police, iisa lang ang tumatak sa isip ko at iyon ay gusto ako ni Red! Oh My God!!

Hindi ko na natuloy ang pagkuha ng pagkain at bumalik nalang sa kwarto ng umalis na iyong mga police. Kung ganun iyong Monic na tinutukoy ni kalbo ay iyong ate ni Denson pala?! Pero bakit sinumbong ni Denson noon ang grupo ni Oliver? at bakit sumunod siya sa yapak ng ate niya? argh! naguguluhan ako! Gusto ko makita si Denson. Tama. Gusto ko siya makita.

Naghanap ako ng paraan para makuha ang cellphone ko sa kwarto nina Daddy. sinilip ko sila sa living room na seryosong nag-uusap kaya pagkakataon ko na iyon para makuha ang cellphone.

Nagmamadali ako nagtungo sa masters bedroom at hinanap ang cellphone na agad ko naman nakita sa ilalim ng kama nila.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad ko ini-on ang cellphone. 25 messages agad at lahat galing kay Xander at Jay.

Hindi na ako nag-abala na basahin ang mga iyon at tinext nalang si Denson.

To: Killer

Magkita tayo sa park malapit sa school. hihintayin kita Denson.

Pagka-sent ko ng text na iyon ay nag-isip agad ako ng paraan para makatakas sa mga bantay at sa parents ko.

At ang paraan na naisip ko- ang bintana na nasa kwarto ko. Why not!

Sumabay muna ako sa pagkain ng hapunan kaina Dad at Mom na tahimik lang at parang pinapakiramdaman ang kinikilos ko. Syempre umakto lang ako na parang nabiyuda iyong lungkot-lungkutan lang ang peg at parang hindi pwede kausapin ang drama.

Pagkatapos ko kumain ay umakyat na agad ako sa kwarto at hinintay maghating gabi para matuloy ang balak.

Nang masiguro ng tulog na ang lahat na mga tao sa bahay. Pasimple ko kinuha ang mga damit ko closet at isa-isa iyong tinali para gawing lubid. Buti nalang mahilig ako manood ng mga pelikula at teleserye kaya may natutunan ako kung paano tumakas. Hintayin mo ako Denson...

Binuksan ko ang bintana saka tinali ang dulo ng damit ko na ginawa kong lubid sa rehas nun pagkatapos ay hinulog ko na iyong kabilang dulo naman nun sa baba. This is it!

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago dahan-dahan bumaba sa bintana gamit ang lubid kuno ko.

Buti nalang nasa pool area iyong mga bodyguards ko kaya wala ako masyadong pinoproblema-maliban lang sa maikli ang ginawa kong lubid. Shit! Ang tanga mo Tippy!

Pinikit ko nalang ang mga mata bago bumitaw sa ginawa kong lubid.

"Ara-" pinilit ko ang sarili na hindi mapasigaw sa sakit ng puwet ko sa pagkabagsak ko sa lupa. Tiis lang Tippy, para sa pag-ibig na walang hanggan. Tama. Kahit malumpo pa ako at gumapang patungo kay Denson. Ok lang, basta makita ko lang siya ulit.

Dahan-dahan ako tumayo at pasimple sinilip ang dalawang bodyguards na nagkukwentuhan bago pumasok sa loob ng bahay- ginamit ko na iyong pagkakataon.

Nagmamadali ako nagtungo sa gate pagkatapos ay binuksan iyon at pumara agad ng isang taxi na sakto naman walang pasahero. Sorry Mom and Dad... ngayon ko lang naramdaman to at handa ako ipaglaban to.

____

Wala ng masyadong tao sa park na iyon kaya agad ko namataan ang isang lalaki na naka-suot ng jacket at sumbrero. Ganun pala kapag mahal mo ang isang tao noh, kahit magsuot pa siya ng moscot, makikilala at makikilala mo pa rin siya.

"Denson!" Tawag ko sakanya na agad naman napatingin sa kinatatayuan ko at nagmamadaling lumapit sa akin.

"Den-"

Dear KILLER [Completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu