DK彡Runaway

23.8K 1K 161
                                    

Tinitigan ko ang maleta at bag ko na nakaimpake na at kukunin nalang ng mga maids para dalhin sa van na maghahatid sa akin sa airport. Yup! Ang araw na iyon ay ang araw na pagbitay sa akin...iyon ang sa tingin ko kahit pupunta lang naman ako ng america at doon na manirahan habang buhay.

Ang mas masaklap pa, wala man lang binigay na isang bagay sa akin si Denson kaya hindi ako makapag-emote. Hay!

"Ready Sweety?" Tanong ng Mommy ko na sasama din sa akin sa america habang maiiwan muna si Daddy para asikasuhin ang negosyon namin.

Tumango lang ako bilang sagot at akmang tatayo na ng mapadako ang tingin ko sa isang jacket na nakasabit sa isang pader na naroon. Tingnan mo nga naman, may isang bagay pala naiwan sa akin ang killer na iyon at iyon ay ang jacket na sinuot niya noong first day niya sa school at iyong jacket na pinahiram niya sa akin sa birthday ni Xander.

Malungkot na kinuha ko iyon at inamoy. Amoy baby pa rin. Napangiti pa ako ng isuot iyon.

"Sweety..."

Tumingin ako sa Mommy ko at nakikiusap na payagan niya ako dalhin iyon kahit hindi ko pa sinasabi kung sino ang may-ari nun.

Tumango nalang siya bilang pag-intindih kaya nayakap ko na lang siya bago kami nagtungo sa labas ng bahay kung saan nakaabang na ang van na sasakyan ko.

Nasa labas nun ang isang body guard ko na nagbabantay sa paligid habang iyong isa naman ay tumutulong sa mga maids na ipasok sa likuran ng van ang mga gamit ko.

"Where's Dad Mom?" Tanong ko habang nakatayo na sa tapat ng gate namin.

"May dinaanan lang sandali Sweety, tinawagan niya ata iyong mga police para tumulong sa paghatid sayo."

"Mom, ang OA na. Ano nalang sasabihin ng mga tao sa airport?"

Hinawakan niya ako sa dalawang kamay bago muli nagsalita.

"Para sa kaligtasan mo to Sweety, ikaw ang kayamanan namin ng Daddy mo sana maintindihan mo."

Nakonsensya naman ako doon kaya tumango nalang ako at yumakap sakanya.

"I'm sorry Mom pinasakit ko ang ulo niyo. Mahal na mahal ko kayo ni Daddy."

"I know Sweety, normal lang sa edad mo ang umibig sa maling lalaki." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa pisngi.

"Let's forget everything Sweety and start a new life." Tipid na ngumiti ako at tumango nalang kahit halos nagdudurugo na ang puso ko sa isipan na kailangan ko ng kalimutan ang lahat ng nagpasaya sa akin sa nakaraang buwan.

Pumasok na ako sa van habang bumalik si Mommy sa loob ng bahay dahil may tawag siya mula sa telephono, iyong mga police siguro na sasama sa amin.
"May gusto ba kayong iutos Ma'm Tippy?" Tanong ng bodyguard ko na bahagya pa sumilip sa nakabukas na pinto ng van.

Napatingin ako sa suot na jacket. Let's forget everything Sweety and start a new life. Paano ko iyon gagawin kung magdadala ako ng isang bagay na magpapaalala sa akin ng lalaking minahal ko sa unang pagkakataon. Kailangan mo na yan iwanan Tippy para magkaharap na kayo ni move on, ok?

Hinubad ko ang jacket at tiningnan iyon ulit ng maigi. Bye Denson...

"Ma'm Tippy?" Pukaw sa akin ng bodyguard ko kaya natauhan ako sa pag i-emote ko at napatingin sakanya.

"Pakitapon po to." Utos ko sabay abot sakanya ng jacket.

Nagtataka na tiningnan niya ako.

"Si-sigurado po kayo?"

"O-" hindi ko natapos ang sasabihin ng may biglang pumalo sa ulo ng bodyguard ko kaya nawalan siya ng malay.

Dear KILLER [Completed]Where stories live. Discover now