66: Another Poem

Começar do início
                                    

"Taken ka na ba?" Tanong niya kaya napanganga ako.

"Huh? Ah--Ano? Bakit mo tinatanong?" Napalunok ako.

"Kasi kung hindi pa, pwede bang sakin ka na lang?" Sabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Why? Taken ka na? Mu--Mukhang oo,  Sige. Kalimutan mo na lang yung sina---"

"HINDI PA!" Mabilis kong sagot sa kanya kaya naman bigla siyang natawa.

"Really? Good. Kasi kung taken ka na, aagawin kita sa kanya." Dagdag niya sabay hawak sa kamay ko.

"Huh? A--Ako?"

"Yes. Sino pa ba? Haha. Myoui Mina, Mahal kita." Pag-amin niya kaya naman napangiti ako.

Omg. Gusto ako ni Dahyun. May gusto siya sakin. Ano ba naman 'tong excitement na nararamdaman ko sa mga nangyayari? I'm going crazy. The fact na umamin ng feelings sakin yung taong nakakapagpabilis masyado ng tibok ng puso ko.

Dahyun's smile can make me smile. Pakakawalan ko pa ba ang chance na masabi sa kanya na halos mabaliw na ko sa kakaisip sa kanya?

"Dahyun, I love you to---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang bigla kong marinig ang boses ni Momo.

"Wake Up, Dahyun." Naalipungatan ako dahil kay Momo na ginigising na pala ako.

Omg! So panaginip lang 'yun? Hindi totoo na mahal ako ni Dahyun? Hindi totoo yung pagiging clingy niya? Shet. Ang tanga ko naman. Why?! Akala ko totoo na eh. Hindi pala.

"Ba--Bakit?" Tanong ko kay Momo.

"Umaga na. Ako na lang muna ang magtitinda sa stall ngayon. Maglinis ka na lang muna dito sa bahay." Sagot niya sakin.

"Wala kang katulong sa pagtitinda."

"Ayos lang. Tutulungan naman daw ako ni Jeongyeon." Sagot niya sakin sabay smile.

"Ah. Mukhang napapadalas ang pagsasama niyo ni Jeongyeon ah. Kayo na ba? Haha."

"Sapakin kita? Haha. We're just friends." Natatawang sagot niya sabay tawa pa.

"I'm just kidding." Nagpeace-sign ako sa kanya. Masaya akong naging komportable na kami ni Momo sa isa't-isa.

"Sige na. Mauna na ko. Bye. See you later." Dagdag niya sabay labas na ng kwarto ko.

Bumangon na ko't napalingon sa headphones at mp3 player na nakalagay sa table. Nalungkot tuloy ako sa fact na panaginip lang pala ang pagpunta ni Dahyun dito sa kwarto ko. Akala ko talagang umamin na siya ng feelings sakin.

Sabi nila yung napapanaginip mo daw, hindi mangyayari sa totoong buhay. Awwww. Mukhang humo-hopia ako. Aish, Myoui Mina. Stop thinking about Dahyun. Maglinis ka na ng bahay!

Nagsimula na kong mag-ayos ng sarili't nag-agahan na muna. Maglilinis na sana ako nang makita ko yung notes ko na sinusulatan ko ng poems. Simula nang mawala si Yaya Jihyo, nakahiligan ko na ang pagsusulat ng tula. Minabuti kong isama sa mga gamit na binitbit ko 'to para kapag hindi ko mai-express ang feelings ko, sa poetry ko idadaan.

Kinuha ko na ang notebook at nagsimula nang gumawa ng bagong tula sa living room.

"Panaginip Lang Pala"

Iminulat ang aking mata,
Nakinig sa magandang musika.
Masayang mga alaala
kung saan kasama kita
Nakapagpapangiti sakin
ngayong umaga.
Maya-maya sumulpot ka,
sa tabi ko'y umupo ka.
Inakbayan mo ko sa balikat
kaya puso'y parang sasabog na.
Bawat aksyon na iyong ginawa,
ako'y kinikilig na yata.
Nagtapat ka ng nararamdaman.
Sinabi mong mahal mo ko,
nakaramdam ako ng kiliti sa puso.
Ako'y sasagot na sana kaso
naalipungatan ako.
Ginising ako ni Momo,
Nananaginip lang pala ako.
Ako'y biglang nalungkot
sa katotohanang ito.
Ang maging sakin ka,
hanggang panaginip lang pala.

Matapos gawin ang tula, napabuntong hininga na lang ako. Bakit parang nakakapanglumo naman na hindi pala totoo yung napanaginipan ko? Ni hindi ko alam kung bakit ganito ang thoughts ko. Punong-puno ng Kim Dahyun. Hala. Naiinlove na ba ko sa kanya? Binasa ko yung tulang nagawa ko. Omg. Ano bang pinagsusulat ko? Aish. I'm going crazy because of you, Dahyun.

"Ano 'yan?" Nagulat ako kay Dahyun na biglang sumulpot sa likod ko.

"Ah--Dahyun. Ka--Kanina ka pa diyan?" Ngumiti siya sakin at tumabi sa sofa.

"Hindi. Kadadating ko lang. Bukas yung pinto kaya pumasok na ko. Ano yan?" Tanong niya sabay turo sa notebook ko.

Omg. Hindi niya pwedeng mabasa 'to. Baka maghinala siya. Anong gagawin ko?! Agad kong initago sa likod ko yung notebook.

"Wa--Wala."

"Let me see." Sabi niya sabay lapit pa sakin.

"Wag na. Wala lang 'to."

"Weh? Bakit initatago mo sakin? Ano 'yan? Patingin." Mas lumapit pa siya sakin. Yung puso ko ~

"Wala nga. Hehe." Akma na sana akong tatayo para lumayo sa kanya kaso mas lumapit pa siya sakin. Hinawakan niya ko sa kamay para abutin sa likuran ko yung notebook.

"Talaga ba? Hahaha. Titingnan ko lang." Dagdag niya sabay tawa. Ayaw talaganv sumuko ng loko. Napakakulit. Ginawa ko ang best ko para ilayo sa kanya yung notebook kaso ayaw niyang paawat.

Mas lumapit pa siya sakin hanggang sa parang halos niyayakap na niya ko maabot lang yung notebook. Pareho kaming natigilan nang magkatitigan kami. Sobrang lapit na ng mukha namin. Anong gagawin ko?

💖To Be Continued💖

A/N: Guys, Sorry sa slow update. Sobrang busy ko kasi. Saka malamig ngayon at tag-ulan. Sarap matulog hahahahahaha. Fighting. Ang landi ng Mihyun. Hahahahaha. Lol 👏😂

Dont forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Onde histórias criam vida. Descubra agora