Naupo ako sa gilid ng kama niya't isinuot ito. Namiss ko kasing makinig ng music sa mp3 player niya. Alam kong hindi na 'to sakin pero hindi ko matiis pakinggan ulit eh.

Pinindot ko na ang play button. Nagsimula ang isang kanta. Kanta na talagang gusto ko hanggang sa umabot na sa chorus.

"I see your monsters
I see your pain
Tell me your problems
I'll chase them away
I'll be your lighthouse
I'll make it okay
When I see your monsters
I'll stand there so brave
And chase them all away."

H

abang nakikinig ng music, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Dahyun. Natigilan ako habang nakatingin sa taong dumating. Si Dahyun, nakatingin sakin. Agad kong tinanggal ang headphones sa tenga ko.

"What are you doing here?" Seryosong tanong niya. Natigilan ako sa itsura niya. Familiar talaga yung itsura niya. Nakasuot siya ng face mask at naka-hoody jacket. Parehong-pareho sila.

"Naglilinis ng kwarto mo."

"Ang naglilinis nakatayo't may hawak ng walis. Hindi 'yung nakaupo sa gilid ng kama habang nakikinig ng kanta." Dagdag niya sabay pamewang pa.

"Pa--Pasensya ka na. Na--Nakinig lang naman ako ng music. Sorry, hindi na mauulit." Paliwanag ko sa kanya.

Lumapit na siya't nagtanggal ng face mask. Kailangan ko ng confirmations.

"Get out of my room." Sabi niya sabay upo na sa gilid ng kama't suot ng headphones. Malamang ipinagpatuloy niyang pakinggan yung music na pinakikinggan ko.

Hindi na niya ko pinapansin. Nakatayo lang ako sa harapan niya. Anong gagawin ko? May gusto kong kumpirmahin. Dumiretsyo ako papunta sa cabinet niya. Kinuha ko yung puting tela na may blood stain. Bumalik ako sa harapan niya. Napatingin siya sakin na tila ba nagtataka.

Tinanggal niya yung headphone sa temga niya't tumitig lang sakin. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam na alam ko kung paano tumingin ang mata niyang puno ng kalungkutan. Nararamdaman kong siya nga talaga yung snob kong bantay noong makidnapped ako.

"Bakit nasa'yo 'yan?!" Tanong niya sakin.

"It's mine, right?" Ipinakita ko pa sa kanya nang mas maayos.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Nung makidnapped ako, may nagbantay sakin. Snob na para bang walang pakialam sakin. Una palang nahalata ko nang may kakaiba sa kanya. Sa huli, tinulungan niya rin akong makatakas. Nagtamo siya ng tama sa bala sa kaliwang braso. Pinunit ko yung ilalim na part ng palda ko para itali sa kaliwang braso niya. Ipinangako ko sa sarili kong sa oras na magkita ulit kami, Babawi ako sa kanya." Paliwanag ko.

"Oh, Ano ngayon?"

"It's you, right?"

"No. It's not me. Nagkakamali ka lang." Pagde-deny niya.

"Wag ka nang magsinungaling. It's you. Alam kong ikaw 'yan. Sinundan kita kanina. Nung makita na kitang naka-face mask, alam ko nang ikaw nga 'yun. Pero noong maramdaman ko na naghihinala ka nang may nasunod sayo, bumalik na ko."

"Fine. It's me. So, ano pang ginagawa mo? Tumakas ka na. Masama akong tao. Baka mapagaya ka sa babaeng hinoldap ko kanina. Go and run away." Sabi niya sakin.

"Hinoldap mo nga siya pero ibinalik mo rin naman yung wallet niya. You're not a bad person, Dahyun."

"Just go away. Isumbong mo ko sa mga pulis. Sabihin mong nahuli mo na yung isa sa kumidnap sayo noon. Go!"

"Hindi ko gagawin 'yun. Ilang beses mo na kong inililigtas. You're my hero. Hindi ako aalis. Hindi magbabago ang tingin ko sayo. Ikaw parin yung snob kong bantay na nagligtas sakin at ikaw rin yung mabuting kaibigan ko na nagbigay sakin ng regalo. You're still my friend, Dahyun." Lumapit ako sa kanya para yakapin siya nang mahigpit.

"U--Umalis ka na. Hindi kita kailangan. Masama akong tao. Mapapahamak ka lang dito!"

"Pero kailangan kita. Dahyun, kahit na may mask ka o wala. Kahit na holdapper ka o kidnapper, hindi parin ako aalis sa tabi mo. Naiintindihan ko kung bakit ginagawa mo 'yun. Kahit naman gawin mo 'yun, nangunguna parin anv kabutihan sayo dahil mabuti kang tao." Kinuha ko yung mask niya't isinuot sa kanya.

"Ikaw parin si Dahyun na caring kahit suot mo 'tong mask na 'to." Ngumiti ako sa kanya habang suot niya yung mask.

"At kahit na wala ang mask na 'to, ikaw parin si Dahyun na nagpoprotekta sakin. Ikaw parin yung kaibigan ko." Tinanggal ko na yung mask niya't niyakap ulit siya nang mahigpit.

"Bakit hindi ka parin umaalis kahit na ipinagtatabuyan na kita? Bakit hindi ka parin natatakot sakin kahit na alam mo nang ako 'yung nagbabantay sayo noong makidnapped ka?!"

"Dahil alam kong mabuti kang tao. Gusto kitang makasama sa pagsisimula ng bagong buhay. Kakayanin mong bumangon, Dahyun. Trust me. Nandito kami para sayo. Yung katotohanan na ikaw rin pala yung snob kong bantay, natutuwa ako. Mas naging komportable tuloy ako sayo." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Hindi na siya umimik at nanatiling nakaupo na lang sa gilid ng kama niya.

"Here. Take it. Sige na. Hahayaan muna kitang mapag-isa. Palagi lang akong nandito para sayo." Ibinalik ko na sa kanya yung puting tela't kinuha ang headphones para isuot sa kanya.

Ngumiti na lang ako sa kanya bago tuluyang lumabas ng kwarto niya.

Di ko ma-explain yung happiness na naramdaman ko nang malaman kong si Dahyun at ang snob kong bantay ay iisa. Matagal na kong naghihinala dahil marami silang pagkakatulad. Mabuti na lang at na-confirm ko na ang katotohanan.

May nararamdaman akong kiliti sa puso ko sa tuwing maaalala ko yung mga panahong iniligtas niya ko. Ang pangako ko sa snob kong bantay na si Dahyun din pala, babawi ako sa kanya.

Naniniwala akong sa likod ng mask niya, may kabutihang nangingibabaw. Komportable rin ako sa pagyakap sa kanya. Pakiramdam ko protektadong-protektado ko sa kanya. Gusto ko talaga siyang makita na nakangiti.

Dahyun isn't a bad person or a monster. Kahit na sino o ano pa siya, tanggap ko siya.

"Oh, Anong sabi ni Dahyun?" Tanong ni Chaeyoung nang lumabas ako.

"It's Dahyun!" Dahil sa excitement at happiness na nararamdaman ko, napatalon ako.

"A--Ayos ka lang?" Nagtatakang tanong ni Chaeyoung.

"Yes. I'm just too happy."

"Happy?"

"See you later. Diyan ka na muna." Nakangiting sagot ko sabay takbo na muna sa bahay ni Momo.

Nagpunta ako sa kwarto't humiga na muna. Pa-hapon na rin naman eh. Uuwi na rin si Momo kaya hindi na ko bumalik sa stall. Saka, kailangan ko pang kontrolin ang nararamdaman kong excitement.

Nababaliw na yata ako kakaisip kay Dahyun. Aish. Mina, Umayos ka. Ano ba 'tong nararamdaman ko?!

💕To Be Continued💕

A/N: Guys, Patigilin niyo si Mina. Hahahaha. Kinikilig siya. Lol
Mapagkakamalan siyang baliw. Hahahaha.

Don't forget to leave some comments.


Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now