"Kasi ang seseryoso niyo. Chill lang. Smile lang. Dapat ganun." Sagot ni Chaeyoung sabay kamot sa ulo.

"Matulog na nga tayo." Dagdag ni Jeongyeon.

"Guys, kayo na muna ang bahala kay Dahyun. Sa bahay ko na matutulog si Mina. Doon na muna ulit siya tutuloy. May kailangan kaming pag-usapan." Sabi ni Momo kaya tumango na lang sila Jeongyeon.

Hinila ko na ang maleta ko papunta sa bahay ni Momo. Inilagay ko na sa kabilang kwarto yung mga gamit ko. Nandito na naman ako sa bahay niya.

Ano kayang paguusapan namin? Bakit kaya dito niya ko pinatuloy. Eh, alam ko naman na hindi niya ko gustong maging kaibigan.

"Come here." Tawag sakin ni Momo sa living room. May miryenda sa table. Naupo na ko sa kabilang sofa at napatingin sa kanya.

"A--Anong meron?"

"Meron tayong pag-uusapan na mahalagang bagay kaya nagready na rin ako ng pagkain." Sagot niya sakin kaya tumango na lang ako.

"Salamat sa pagkain. Tungkol ba saan?"

"Tungkol kay Dahyun. Tungkol sayo. Tungkol sakin." Seryosong sagot niya.

"A--Anong meron satin?"

"Sa totoo, ayoko talagang lumalapit ka kay Dahyun. Bakit? Kasi pakiramdam ko napapahamak siya sa tuwing nandiyan ka."

"Yun din ang alam ko. I'm sorry. Gagawin ko ang best ko para hindi na siya masaktan ulit nang dahil sakin. Lalayo na ko."

"Yun nga eh, kahit na lumalayo ka na. Nakakagawa parin siya ng paraan para mahanap at matunton ka. Nakakainis 'yun." Dagdag niya.

"What do you want me to do? I'll do it." Gagawin ko ang kahit na anong way para mapalayo kay Dahyun para hindi na siya nadadamay sa kamalasan ko.

"Stay." Sagot niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Stay? Akala ko ba ayaw mong lumalapit ako kay Dahyun?"

"Stay for Dahyun." Dagdag niya. Hindi ko siya maintindihan.

"What do you mean?"

"Noon pa man, gusto ko na si Dahyun. Ilang beses na kong nagpapansin at nagparamdam ng feelings ko para sa kanya pero hindi parin niya ko magawang mapansin. Mahal niya ko, pero bilang kaibigan lang." Pag-amin ni Momo ng nararamdaman niya.

Omg. May gusto pala siya kay Dahyun. Kaya pala todo ang pag-aalala niya at pag-aalaga dito.

"Hi--Hindi ko alam na may gusto ka pala sa kanya. Sorry, lalayuan ko na siya para hindi ako makagulo sa inyo." Extra naman pala ko sa love story nila.

"Wag ka nang lumayo sa kanya. Hindi naman niya ko gusto. May iba siyang gusto. Kahit di niya aminin, alam kong gusto niya ang taong 'yun." Sagot niya sabay yuko.

"Sino?"

"You." Sagot niya sabay lingon sakin. Ako? Bakit naman magkakagusto sakin si Dahyun? Eh, stranger nga lang ako para sa kanya.

"Why me?"

"Hindi ko rin alam kung bakit ikaw, samantalang nandito naman ako para sa kanya. Ang unfair para sakin diba? Pero wala na kong magagawa eh. Nararamdaman namin na ikaw yung gusto niya."

"Baka naman nagkakamali lang kayo. Malay mo gusto ka rin niya."

"Mina, Please stay for Dahyun."

"Huh? Eh, pabigat lang ako sa buhay niya. Mapapahamak lang siya kapag nanatili pa ko sa tabi niya. Malas lang ako sa mga taong nakapaligid sakin."

"Mina, I'll ask you something important."

"Ano yun?"

"Gusto mo ba si Dahyun?" Natigilan ako sa tanong niya. Si Dahyun? Napaisip ako sa tanong niya. Gusto ko ba si Dahyun? May nararamdaman ba ko para sa kanya?

"Isipin mong mabuti." Dagdag ni Momo kaya mas napaisip ako.

Ano nga ba ang nararamdaman ko para kay Dahyun? Stranger lang din nga ba siya sakin?

💖To Be Continued💖

A/N: Guys, Sorry sa slow update ko. May mga inaasikaso kasi akong importante ngayon kaya medyo busy. Fighting. Think Positive. Sa mga papasok na sa school, Goodluck sa inyo.

Sa tingin niyo, anong isasagot ni Mina? Abangan.

Dont forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now