56: Cause of Death

Zacznij od początku
                                    

"But you're my baby." Dagdag niya sabay pout pa sakin.

"Minatozaki Sana, you're cute but you're too crazy. Haha." Sagot ko sa kanya kaya patuloy niya kong kinulit.

"Daya nito. Sabi mo kumain na tayo. Ayaw mo naman ~ Haha. Baby naman kita eh." Sabi niya sakin na kunwari pang nagtatampo.

"Okay. Fine. Fine. Fine. Kakainin ko na. Haha. Kulit nito."

"But first, close your eyes."

"Huh? Bakit?"

"Basta." Sagot niya kaya sinunod ko na siya. Ipinikit ko ang mata ko't nagulat na lamang nang bigla kong maramdaman ang labi niyang dumampi sa labi ko.

Nang imulat ko ang mata ko, nagbu-beautiful eyes pa siya sakin.

"Yah. Haha. Minatozaki Sana. Wala kang paalam ah."

"Hahaha. Kasi miss na miss kita." Sagot niya sabay ngiti pa sakin.

"Para ilang araw lang tayong di nagkita."

"Eh sa miss na kita eh, Baby." Sagot niya kaya naman napatayo na ko.

"Baby pala ah. Malalaman natin kung sino ang Baby." Agad rin naman siyang tumayo. Naramdaman niyang kikilitiin ko siya kaya agad siyang nagtatakbo kaya naman hinabol ko na siya. Naghabulan kaming dalawa hanggang sa mapagod kami't mapahiga na lang.

End Of Flashback

Masayang-masaya kami ni Sana noong hindi pa niya nalalaman ang lahat. Nung nalaman na niya ang katotohanan, tuluyan nang nawala ang ngiti sa labi niya.

Ilang araw ko siyang kinulit sa bahay nila pero wala na kong magawa nang tuluyan na niya kong iwanan. Naisip ko na baka ayaw na niya sakin. Naisip ko na baka may iba na siyang nagugustuhan.

Hanggang sa tuluyan na kong huminto sa pagbalik sa bahay niya. Nagmukmok na lang ako sa bahay. Pero halos isang buwan ang nakalipas, napagdesisyonan kong bumalik ulit sa bahay nila.

May halong lungkot at galit ang nakita ko sa mukha ng magulang niya.

"Please, Gusto ko pong makausap si Sana."

"Wala ka nang makakausap dito. Wala na siya." Sabi ng Mom niya.

"Please po. Alam ko pong nasa loob si Sana. Kailangan ko lang po siyang makausap."

"Wala na si Sana! Ano pa bang gusto mo?!" Galit na sabi ng Dad niya.

"What do you mean?"

"Patay na siya. Patay na ang anak namin nang dahil sayo!" Sagot nila dahilan para tuluyang gumuho ang mundo ko.

"N--No. It can't be. Nagsisinungaling lang kayo."

"Ang anak namin, nakalibing na sa sementeryo." Sabi ni Mr. Minatozaki.

"Ayan! Basahin mo! Wag na wag ka nang babalik dito. Na-overdose siya kakainom ng kung ano-anong pills. Kasalanan mo kung bakit nagpakamatay ang anak namin!" Sabi naman ni Mrs. Minatozaki.

Ihinagis niya sakin ang isang sulat na alam ko namang handwriting nga ni Sana. Nagpakamatay ? Nagsuicide si Sana ? But why ?

Yan ang naisip ko na nang malaman kong nagpakamatay nga siya. Natunton ko ang sementeryo kung saan siya nakalibing. Totoo nga, wala na ang pinakamamahal ko.

Nang mapaupo ako sa harapan ng puntod niya, binasa ko na ang sulat.

"Sa lahat ng nagmamahal sakin, maraming salamat sa inyo. Pakiramdam ko ito na ang huli. Sa lahat ng maiiwan, wag kayong mag-alala. Wala akong sinisisi sa nangyari. Hindi ko inamin sa kahit na sino sa inyo na may nararamdaman akong depresyon. Bakit? Ayokong mag-alala kayo sakin. Dapat lang naman sakin 'to eh. Dahil hindi ko magawang ipaglaban ang taong mahal ko. Mahal ko rin kasi yung magulang ko. Kahit ayaw nila kay Dahyun, magulang ko parin sila. Kasalanan ko rin naman eh. Naging mahina ako. Naduwag ako na baka itakwil nila ko kapag mas pinili ko si Dahyun. Para kay Dahyun, mahal na mahal kita. Alam mo 'yan pero hindi sapat ang pagmamahal kong 'yun dahil aminado naman akong naduwag ako sa magiging future natin matapos malaman kung anong buhay ang meron ka. Saka, ikapapahamak mo lang kung ipagpipilitan ko pa. Hindi ako ang karapat-dapat sayo. Karapat-dapat sayo ay yung taong handang handa kang tanggapin kahit na sino o ano ka pa and it's not me. I'm sorry, Kim Dahyun. Maging masaya ka sana. Naiintindihan ko kung magagalit ka sakin. Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala. Para naman sa parents ko, wag niyong sisihin si Dahyun. Desisyon ko 'to. Masyado na kong pinahihirapan ng kondisyon ko. Gusto ko nang maging malaya. Gusto ko nang hindi makaperwisyo. Gusto ko nang matahimik. Mangyayari 'yun matapos kong umalis. Paalam sa inyong lahat."

Masakit talaga 'yung ginawa niya sakin pero mas masakit yung ginawa niya sa sarili niya nang dahil sakin.

Alam ko namang may mali rin ako eh. Kasalanan ko rin. Sumuko kaagad ako. Kung alam ko lang sana kung anong pinagdadaanan niya, sana natulungan ko siya. Pero hindi, isinisi ko pa sa kanya ang mga nangyari.

Oo, nagagalit ako sa kanya dahil sa pag-iwan niya sakin pero alam kong mas galit ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa.

Matapos basahin ang sulat niya, tuluyan na kong nagbreakdown. Wala na si Sana. Wala na yung taong mahal ko.

Simula nang malaman kong wala na si Sana, nagkulong na lang ako sa kwarto. Pakiramdam ko namatay din yung puso ko sa pagkawala niya. Kasalanan ko kung bakit namatay ang taong pinakamamahal ko dahil hindi ko siya nagawang iligtas.

Kasalanan ko.

😢To Be Continued😢

A/N: Hello Guys, Sorry medyo busy ako eh. Sorry sa slow update.

Dont forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz