53: I'll Protect You

Magsimula sa umpisa
                                    

"You really like her, right?" Tanong ni Chaeyoung kaya natigilan ako.

"Gusto ko lang na maging maayos ang kalagayan niya. That's it. Nasa inner circle ko na siya, I'll do my best para matulungan siya. Saka, gusto kong baguhin yung pananaw niya sa sarili niya dahil sa nagawa kong kasalanan sa kanya."

"Padating na si Nayeon." Sabi ni Chaeyoung. Mukhang talagang textmate na sila ni Nayeon ah. Mukhang magkaka-lovelife na ang kaibigan ko.

"May sugat ka, Dahyun. Napaano 'yan?" Tanong ni Momo nang makita niya ang sugat sa braso ko.

"Wala 'to. Malayo sa bituka. Nagasgasan lang 'yan nung initulak ko si Mina kanina kasi muntikan na siyang magpasagasa sa kotse."

"My god. Bakit iniri-risk mo ang buhay mo para sa kanya? Halika nga. Gagamutin ko 'yan!" Sabi ni Momo sabay hila sakin papunta sa bahay niya.

Pinaupo niya ko sa sofa't kumuha ng first aid kit. Ginamot niya ang sugat sa braso at tuhod ko.

"Thank you, Momo."

"Ingatan mo naman ang sarili mo, Dahyun. Naiintindihan kong gusto mo siyang tulungan. Pero sana naman tulungan mo siya sa way na hindi ka mapapahamak o masasaktan." Sabi niya sakin.

"I'm okay. Don't worry. Sige, balik na ko dun." Akma na kong aalis nang biglang hawakan ni Momo ang kamay ko.

"Wait, Dahyun. May sasabihin ako sayo." Dagdag niya.

"Ano 'yun?" I looked at her.

"Ayokong nasasaktan ka. Pakiusap, wag mong ilagay sa panganib ang buhay mo." Sabi niya sakin.

"Salamat sa pag-aalala sakin, Momo. Pero kaya ko naman ang sarili ko eh."

"You don't understand, Kim Dahyun."

"Don't worry, I'm okay. Promise."

"Kim Dahyun, I lo--" Hindi na naituloy ni Momo ang sasabihin nang marinig kong bumusina na sa labas ang kotse ni Nayeon.

"Nandiyan na si Nayeon. Later na lang." Nagmadali na kong lumabas para puntahan sila Nayeon.

"Where's Mina?" Tanong ni Nayeon samin.

"Nagpapahinga sa kwarto ko."

"Ayos lang ba ang kaibigan ko?"

"Siguro nawalan siya ng malay dahil sa pagod, puyat at gutom. Nagpapahinga na siya."

"Mabuti pa magluto na muna ko para may pagkain si Mina kapag nagising siya. Para may makain na rin tayo." Sabi naman ni Jeongyeon.

"Kanina gutom na gutom ako. Pero dahil sa pagdating ni Nayeon, busog na ko. Makita lang siya, masaya na ko." Sabi naman ni Chaeyoung sabay wink pa kay Nayeon.

"Nakainom ka, Chaeyoung?" Tanong ni Nayeon.

"Oo. Lasing na ko sa pagmamahal ko sayo." Sagot ni Chaeyoung sabay ngiti kay Nayeon.

"Patangkad ka muna." Sagot ni Nayeon kaya natigilan si Chaeyoung. Boom! Hahaha. Grabehan.

"Kawawang Chaeyoung." Nasabi ko na lang sabay palakpak.

"Im Nayeon, Magiging tayo din balang araw. Hintay ka lang." Sabi ni Chaeyoung.

"Let's see. Haha." Sagot ni Nayeon sabay tawa at pamewang pa sa harapan ni Chaeyoung.

Napailing na lang ako sa dalawang 'yun. Habang abala yung dalawa sa paguusap at nagluluto naman si Jeongyeon, binisita ko na muna si Mina sa kwarto.

Naupo ako sa gilid ng kama't pinagmasdan lang siya na matulog.

"I will protect you no matter what. Ayoko nang may mawala na namang mahalaga sa buhay ko." Nasabi ko na lang habang nakatitig sa kanya.

Hindi deserve ni Mina na magkaganito. Gusto ko siyang makitang maging masaya. Gusto ko siyang marinig tumawa. Gusto kong makuha na niya yung gusto niya. Gusto kong marealize niya kung gaano siya kaganda, kung gaano siya ka-importante at kabait. Gusto kong maisip niyang matapang talaga siya dahil hanggang ngayon buhay parin siya't lumalaban.

Maya-maya, bigla niyang iminulat ang mata niya. Nakita niya ko.

"Mina." Gising na siya. Salamat naman.

💖To Be Continued💖

A/N: Kumusta na kayo, Guys? Malapit na ulit magpasukan. Goodluck, Guys. Fighting! Saranghaeyo.

Don't forget to leave some comments. Thank you.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon