"Hindi kita mapapatawad!" Sigaw ko sabay tayo na. Nagsimula na kong mag-empake ulit ng gamit. Ayoko na sa pamamahay na 'to. Dinala ko na lahat ng importanteng gamit ko.

"Dad, Pagbabayaran mo 'to." Sigaw ko sabay pilit na bukas ng pinto pero nakasara ito.

Wala na kong ibang choice kundi gawin 'to. Kumuha ko ng chair sabay hagis sa bintana na agad ding nabasag.

Agad din namang nagbukas ang pinto ng kwarto ko. Nagulat ang isang tauhan ni Dad at maid sa ginawa ko.

"Ma'am Mi--Mina, Relax lang po kayo." Sabi sakin ng tauhan ni Dad.

"Hayaan niyo kong umalis kundi magpapakamatay ako." Banta ko sa kanila habang nakapwesto sa gilid ng bintana.

"Ma'am Mina. Please wag niyo pong gawin 'to. Pa--Pabalik na po ang Dad niyo." Sabi naman ng Maid.

"Wala akong pakialam kung babalik pa siya o hindi. Ang gusto ko, makaalis dito. Ano? Hahayaan niyo ba ko o tatalon ako dito?!" Seryosong tanong ko sa kanila sabay hawak sa patusok na basag na part ng salamin. Initutok ko ito sa sarili ko kaya naman nataranta na sila.

Wala silang nagawa kundi hayaan akong lumabas habang hawak ko ang matalim na bagay.

"Subukan niyong sumunod. Subukan niyo!" Banta ko sa kanila habang nakatutok padin sakin ang matalim na bagay habang ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa maletang bitbit ko.

"Hi--Hindi po, Ma'am Mina. Relax po." Sabi nila sakin. Nang makababa na ko, nakita rin ako ng iba pang tauhan at maid ni Dad.

Nakakita ako ng kutsilyo kaya naman ito na ang hinawakan ko.

"Let me or I'll kill myself." Banta ko ulit sa kanila kaya ni isa sa kanila walang makapalag.

Palabas na sana ako nang biglang dumating si Dad. Nagmadali siyang lumabas sa kotse.

"Mina, What are you doing?" Tanong niya sakin.

"Dad, Bakit nagsinungaling ka? Bakit hindi mo sinabi sakin ang katotohanan? Bakit pinatay mo si Mom?!" Sigaw ko sa kanya kaya nagulat siya pati na rin ang ibang tauhan at maid.

"Mi--Mina, Anong sinasabi mo?!"

"Nabasa ko yung iniwang sulat ni Yaya sa cabinet ko. Sinabi niyang ikaw yung pumatay kay Mom. How dare you?!"

"She's a liar. Hindi ko pinatay ang Mom mo. Mahal ko ang Mom mo."

"Mahal? Kailan pa? Huh! Ang selfish mo, Dad. Why did you kill my Mother?!" Galit na tanong ko sa kanya.

"I didn't. Maniwala ka. Ibaba mo yang kutsilyo. Pagusapan natin 'to, Mina. Ba--Baka nagugutom ka lang o naaapektuhan ka lang ng pagkamatay ng Yaya mo." Sabi niya sakin sabay akmang lalapit.

"Don't come near me or else I'll kill myself."

"Ano bang gusto mo?! Huwag mong gawin 'to, Mina. Anak naman. Ako ang Dad mo. Paniwalaan mo ko."

"Paniwalaan? Dad, Ako ang anak mo. Pero kahit kailan hindi mo ko pinaniwalaan. May kinalaman ka rin ba sa pagkamatay ni Yaya? Tell me the truth. And please give me back my phone."

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें