48: S a v e H e r

Start bij het begin
                                    

"Hindi nga siya yung namatay pero mahalaga sa kanya yung namatay. Accident man 'yun o hindi, gusto ko parin siyang tulungan."

"Paano mo naman siya tutulungan? Ni hindi mo nga alam kung saan siya nakatira."

"Isa sa pinakasikat na negosyante ang Dad niya. Madali nang hanapin kung saan sila tumitira. Magsearch ka lang sa google eh. Malamang may information sila sa internet. Saka, may contact si Chaeyoung sa kaibigan ni Mina." Alam kong para na kong tanga sa pinagsasabi ko para lang mahanap si Mina pero alam kong ito ang dapat kong gawin.

Matapos kong iparamdam kay Mina na wala siyang kwenta at hindi siya kagusto-gusto, kailangan kong bumawi. Dapat kong baguhin ang tingin niya sa sarili niya. Baka dahil sa stress na ibinigay ko sa kanya at aksidenteng nangyari, baka mawalan na siya ng ganang mabuhay.

"Kim Dahyun, you're being weird and crazy just because of that girl."

"Mabuti pa, umuwi na tayo. Let's go. Faster." Sagot ko sabay tayo na kahit di pa ko tapos kumain.

"Di pa ko tapos kumain. Hoy!"

"Eh di mauna na ko. Kumain ka muna diyan." Nagtatakbo na ko paalis para bumalik sa bahay.

Nauna na ko kay Momo dahil ayoko namang mabitin si Momo sa libre ko.

Nagmamadali akong umuwi hanggang marating ko na ang bahay nang pagod na pagod.

"Oh, Tapos na kaming maglinis. Bakit ganyan ang itsura mo? Si Momo?" Tanong nila Chaeyoung sakin.

"Guys! Kailangan niyong malaman 'to." Sagot ko sa kanila kaya lumapit sila sakin.

Agad ko namang ipinaliwanag sa kanila kung anong nangyari.

"Si Mina? Namatayan ng Yaya?" Gulat nilang tanong.

"Yes. Guys! Kailangan ko ang tulong niyo."

"Tulong namin?"

"Jeongyeon, maghanap ka naman ng information ng address ng mansion nila Mina online."

"Ako? Si--Sige. Punta na muna ko sa computer shop." Sagot ni Jeongyeon sabay alis na.

"Eh, Ako?" Tanong ni Chaeyoung sakin.

"Diba may contact ka sa kaibigan ni Mina? Call her."

"Oo. Sige. Tatawagan ko na siya." Sagot ni Chaeyoung sabay tawag na sa friend ni Mina.

Nang sagutin niya ang tawag, ako na ang humawak sa phone ni Chaeyoung.

On The Phone:

"Hello, Napatawag ka?" Tanong niya mula sa kabilang linya.

"Hindi 'to si Chaeyoung. Si Dahyun 'to. Yung nagbigay ng headphones at mp3 player kay Mina." Sagot ko.

"Ah. Yung gague na pinagtripan lang ang kaibigan ko. Anong kailangan mo? May pa-dare ka pang nalalaman diyan."

"Gague? Ako? Aish. Hindi ko siya pinagtripan. Promise. Oo, dare 'yun pero hindi kasama sa dare yung pagbigay ko sa kanya ng gamit ko. Alam mo na kung anong nangyari sa kanya? Yung pagkamatay ng Yaya niya?"

"Fine. Whatever. Gague ka padin kahit magpaliwanag ka. Oo, napanood ko sa TV kanina. Nag-aalala nga ko sa kanya eh. Nakakaawa siya sa video clip. I just wanna hug my friend. Nung ihinahatid ko siya pauwi, kausap pa niya ang Yaya niya. May sasabihin daw na importante sa kanya kaso 'yun namatay sa aksidente." Sagot niya sakin.

"Hey! Listen to me. Meron ka bang phone number ni Mina?"

"Oo. Pero di ko sasabihin sayo." Sagot niya. Tungunu, gina-gague talaga ako ng kaibigan ni Mina.

"Please tell me. Hindi ko na ulit siya gaganunin. Pangako. Gusto ko lang talaga siyang makausap."

"Bakit gusto mo siyang makausap?"

"Ka--Kasi kaibigan ko siya. Nag-aalala ko para sa kaibigan ko."

"Kaibigan ka diyan. Wala, hindi mo yun matatawagan. Naka-off ang phone. Kahapon ko pa siya tinatawagan kaso wala." Sagot niya sakin.

"Aish. Eh di sabihin mo na lang sakin ang phone number niya. Please."

"Oo na. Excited naman 'to eh. Itetext ko kay Chaeyoung."

"Thank you so much, Miss."

"Nayeon ang pangalan ko." Sagot niya.

"Okay, Nayeon. Balitaan mo kami kapag may update ka na sa kanya ah."

"Fine.Fine.Fine." Sagot niya sakin kaya naman ini-end call ko na.

End Call

Initext na niya ang phone number ni Mina kaya naman ini-save ko na 'to sa contacts ko sa phone ko. Sana ayos lang si Mina. Sana hindi siya nagpapalipas ng gutom. Sana hindi siya umiiyak. Sana wag niyang isipin na nag-iisa siya.

"Kakausapin ko siya." Sabi ni Chaeyoung sakin.

"End call na eh."

"Huh? Bakit? Gusto ko siyang makausap eh. Aish. Andaya naman. Di man lang kami nagkausap ni Nayeon." Reklamo ni Chaeyoung.

"May something ba kayo ng friend ni Mina?"

"Wala. Nagkakatext lang kami pero hindi naman kami talaga close." Sagot ni Chaeyoung sabay kuha na ng phone niya.

Naupo na lang ako sa isang tabi't nag-isip kung paano mahahanap ang address ni Mina. Maya-maya, dumating na si Momo.

"Iniwanan mo ko sa restaurant." Reklamo niya sakin.

"Sorry, Momo."

"Di bale, Ayos lang ako. Nakakain naman ako." Sagot niya sakin sabay upo na lang sa isang tabi.

"Anong plano mo?" Tanong ni Chaeyoung sakin.

"I'll save her."

💕To Be Continued💕

A/N: Guys, Ano sa tingin niyo ang susunod na mangyayari? Hulaan niyo. Hahaha.

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu