"Oh. Nagulat ako sayo. Paano mo nalamang aalis na ko ngayon?"

"Nagising ako kaninang madaling araw. Aalis ka na daw ngayon."

"Yes. Aalis na nga ko. Mabuti na rin 'to."

"Galit ka pa ba sakin?"

"Aminado kong kahit anong gawin kong kalma, nakakaramdam ako ng galit. Pero wala naman akong karapatang magalit sayo. Pakiramdam ko napaglaruan ako. Pero kasalanan ko naman eh. Masyado kong nag-assume na magkaibigan na tayo. Masyado kong nag-ilusyon na meron pa talagang gustong makipagkaibigan sakin."

"Mina, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin 'yun. Sa totoo, magkaibigan naman talaga tayo. Sinasabi ko lang na stranger ka lang dahil inaasar ako nung dalawa." Paliwanag niya.

"Kahit naman magpaliwanag ka pa, aalis parin ako. Buo na ang desisyon ko. Gusto ko nang umalis. Salamat sa lahat. Saka, huwag mo nang isugal ang kaligtasan mo para sakin. This is goodbye."

"Mina, Kahit dumaan ka pa sa pinakadelikadong daan. Ililigtas parin kita. We're friends." Dagdag niya.

"Thank you so much. Ngayon, pwede mo bang sabihin ang address niyo?"

"Here." Kumuha siya ng papel at ballpen tapos nagsulat. Nang matapos, inabot niya sakin ang papel na may nakasulat na address ng bahay nila.

"Salamat. Now, I have to go. Ayan na ang headphones at mp3 player mo." Ngumiti na lang ako sa kanya't aalis na sana kaso nahawakan niya ko sa kamay. Nagulat ako nang hilahin niya ko palapit sa kanya.

Napahinto ako nang yakapin niya ko. Ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya.

"Mag-iingat ka, Mina. Where's your phone? Ilalagay ko ang phone number ko para kapag kailangan mo ng tulong." Sabi niya pero umiling na lang ako.

"No need. Like what I've said, this is goodbye."

"Goodbye? Let's be friends."

"No need. Let's stay like this. Strangers."

"Strangers?"

"Yes. Sige na. Magpahinga ka na. Kailangan ko nang umalis." Hinila ko na ang maleta ko't lumabas na ng bahay.

Initext ko na kay Nayeon ang address. Papunta na siya kaya naupo na muna ko sa bench sa gilid ng bahay nila Dahyun.

"Mina, Take care. Fighting." Nagulat ako kay Dahyun na bigla na namang sumulpot.

"Ano? Kumusta na, Dahyun?" Tanong naman nila Jeongyeon.

"Maayos na ang lagay ko. Hindi na ko nahihilo. Salamat sa pagtulong samin ni Mina kagabi." Sagot ni Dahyun.

"Bisita ka dito kapag may time ka, Mina." Sabi ni Chaeyoung sakin sabay smile pa.

"Mukhang hindi na ko makakabisita ulit dito. This is goodbye."

"Goodbye ka diyan. Bibisita ka ulit. Trust me. Mamimiss mo si Dahyun." Nagulat ako nang akbayan ako ni Chaeyoung.

"Hoy Chaeyoung!" Saway ni Dahyun.

"Why? May masama ba kong ginawa?" Tanong ni Chaeyoung.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now