“Tita wala po kayong kasalanan sa katunayan napalaki niyo po ng maayos si TJ.”

“No Cornelia, Sobrang laki ng kasalanan ko bilang ina ni TJ. Sa tingin ko hindi ko siya napalaki ng maayos. Kung napalaki ko siya ng maayos hindi siya magiging kabit, Hindi ka niya masasaktan.”sabi ni Tita Thea kaya naman nagulat ako sa sinabi niya. A-Alam niya? Sinabi ni TJ?

“Cornelia alam ko ang kalokohan ng anak ko. Walang magulang ang hindi nakakaalam ng mga ginagawa ng anak niya, Hindi alam ni TJ na may alam ako. Inaantay ko siyang sabihin sa akin na hindi lang kasing-edad ko ang naging girlfriend niya noon kung hindi may pamilya rin.”dagdag pa ni Tita Thea kaya naman napanganga na ako sa sinabi ni Tita sa akin na may alam siya.

“A-alam niyo rin po ba ang ginawa kong paglapit kay TJ ay paghihiganti lang noon?”mangiyak-ngiyak kong tanong at sobrang nahihiya ako sa ginawa ko noon. Tumango si Tita Thea sa akin at hinaplos ang pisngi ko saka ako yinakap.

“Alam ko Cornelia at sa tingin ko may mali ka rin pero ano bang magagawa ko? Nangyari na iyon at ang tanging magagawa ko na lang ay sabihin sa iyo na patawarin mo si TJ sa kung ano mang nagawa niya sa iyo hindi lang noon pati na rin ang ginawa niya sa iyo ngayon.”sabi sa akin ni Tita Thea at napangiti naman ako kasabay ng pagtulo ng luha sa mata ko. Hindi ito luha ng kalungkutan kung hindi kasiyahan dahil alam ko sa sarili ko napatawad ko na si TJ noon pero ngayon.. Hindi ko pa alam.

“Tita matagal ko na pong napatawad si TJ sa mga nagawa niya sa amin ni Coraline pero yung ngayon po, Tita para po kasi niya akong niloko.”sabi ko kay Tita Thea at kumalas kami sa yakap niya sa akin.

“Hindi kita pipilitin ngayon na mapatawad mo si TJ pero alam kong mapapatawad mo siya dahil mahal na mahal mo ang anak ko. Kitang-kita ko iyon sa iyo Cornelia, Unang kita ko palang sa iyo noon alam kong may something sa inyong dalawa ni TJ.”sabi niya sa akin at pinunasan niya yung luha sa pisngi ko bago niya ako ngitian ng matamis, Isang napakatamis na ngiti.

“Take a risk Cornelia, Oo maraming nagawang pagkakamali si TJ pero kung mahal mo naman talaga ang isang tao kahit na marami siyang nagawang kasalanan at masasakit na bagay sa iyo kakalimutan mo iyon para lang sa pagmamahal di ba?”sabi ni Tita Thea sa akin at inalis ang kamay niya sa pisngi ko. Napa-isip ako sa sinabi niya sa akin na mag-take ng risk kay TJ. Bumalik lang ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Trick.

“Mama.”sabi ni Trick na naka-uwang sa pinto at nakita ni Tita si Trick. Sa tingin ko nagkita na sila ni Trick kahapon dahil sinama nga ni TJ si Trick sa Ancestral House ng mga Gonzales.

“Kamukhang-kamukha niya talaga si TJ, Sige ako na ang bahala sa apo ko.”sabi ni Tita Thea at nilapitan si Trick. Ako naman kinuha ko yung damit ni TJ sa paperbag para makapag-damit na siya dahil kanina pa pala siya nakahubad nakabalot lang siya ng comforter.

Dinamitan ko siya at pinupunasan ko siya time to time. Yung sabaw hindi ko napakain sa kanya dahil halatang antok na antok siya. Mukhang nag-stay siya mag-damag sa labas ng bahay tapos umulan pa at mukhang hindi rin siya sanay na maulanan. Sinat lang naman ang meron si TJ kailangan lang talaga niyang magpahinga.

Sumandal lang ako sa headboard habang pinupunasan ang braso niya o hindi kaya ang mukha niya. Iniisip ko yung mga sinabi ni Guia at Shiela pati na rin ni Tita Thea tungkol kay TJ. Iniisip ko yung mga sinabi nila sa akin na mga ginawa ni TJ. Yung pagmamakaawa niya kayna Guia at Colton at marami pa.

“Bakit mo ‘yun ginawa? Bakit mo ko pinikot?”tanong ko sa kanya at napahinga ako ng malalim. Pumikit ng mariin pero sa pag-iisip ko, Nakatulog din ako dahil nga sa hindi naman ako halos nakatulog din kanina ng maayos sa pag-iisip ko sa kanya.

My Guy (series)Where stories live. Discover now