"Bye, Yaya."

End Call

Napangiti na lang ako matapos kausapin si Yaya. Miss na miss ko na siya. Tumayo na ko't akmang papasok na ulit sa bahay ni Momo nang biglang may tumawag sakin.

"Mina!" Napalingon ako sa kanya't nalaman kong si Dahyun pala.

"Oh, Ikaw pala."

"Miss mo na ang Yaya mo?" Biglang tanong niya. Siguro narinig niya ang usapan namin ni Yaya sa phone.

"Oo naman. Miss na miss na. Miss ko na rin si Mom."

"Gusto mong samahan kita sa mansion niyo?" Tanong niya sakin.

"Nako. Wag na. Ayos lang ako. Wala pa kong balak bumalik sa mansion namin."

"Pero nakakalungkot kapag may namimiss kang mahal mo sa buhay. Diba?"

"Ta--Tama ka. Pero, ayos lang ako."

"Then, samahan na lang kita sa pagbisita sa puntod ng Mom mo." Bigla siyang lumapit sakin.

"Huh?"

"Let's go." Yakag niya sabay hawak sa kamay ko.

"Pero----"

"Tara na." Hindi na ko nakapagsalita pa dahil hinila na niya ko. Wala na kong nagawa kundi sumama sa kanya.

Nang makasakay sa taxi, ako na ang nagsabi ng place kung saan nakalibing si Mom.

Nang dumating kami sa sementeryo, pinuntahan na namin kaagad ang puntod ng Mom ko.

Grabe. Miss na miss ko na rin si Mom.

"Mom, Nandito na ulit ako. Kasama ko ang friend ko. Ngayong nakabisita na ulit ako sayo, masaya na ko." Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang puntod ni Mom.

Si Dahyun, nakatayo lang siya sa tabi ko't nakikinig.

"Si Dad, Alam kong ayaw mo ng sinusuway ko siya. Pero, alam ko sa sarili kong tama ang ginawa ko. Gusto kong may patunayan. Gusto kong maging malaya. Gusto kong maging masaya." Bigla na kong nakakaramdam ng sobrang lungkot dahil naaalala ko yung mga panahong nakikita ko na nagsa-suffer si Mom sa 'di magandang ugali ni Dad.

"Mo--Mom, kakayanin ko 'to. Kahit mahirap, gagawin ko. Miss na miss na kita. Miss na miss na kitang yakapin. Miss ko na yung bedtime stories mo sakin. Yung pag-aalaga mo sakin. Yung pagkanta mo sakin para makatulog ako. Miss na miss na kita, Mom~" Tuluyan na kong naluha nang matapos ang sasabihin ko.

"It's okay." Narinig ko si Dahyun. Lumapit siya't tinapik ako nang slight sa likod.

"Pa--Pasensya ka na, Dahyun. Nagda-drama na naman ako. Hindi mo dapat ako nakikitang ganito eh. Ang hina ko." Lumuluhang sabi ko. Nakakahiya kasi. Hindi ko napigilang umiyak sa harapan niya.

"No. You're not weak. You're strong. Trust me. Don't give up. I'm here to support you." Dagdag niya. Nagulat na lang ako nang bigla niya kong yakapin nang mahigpit habang umiiyak ako.

"Sa--Salamat dahil sinamahan mo ko dito, Dahyun."

"Walang anuman. Para maging masaya ka na." Pinunasan niya ang luha ko't ngumiti sakin. Sa mabilis na segundong pagngiti niya sakin, nakaramdam na naman ako ng kiliti sa puso ko.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora