"Just sit there. Magsoundtrip ka na lang." Inilapag ko sa tabi niya yung headphones at mp3 player na nakalagay sa table.

"Pero---"

"Listen to me." Inisuot ko na sa kanya yung headphones at ini-play na ang mp3 player kaya wala na siyang nagawa kundi maupo na lang at makinig sa music.

"We need to talk, Dahyun." Sabi ni Momo kaya naman sumunod ako sa kanya sa kusina habang abala si Mina sa pakikinig ng music.

"About what?"

"About Mina."

"May problema ba kay Mina?"

"Mukhang alagang-alaga mo si Mina ah."

"I have to, Momo. Sagutin ko 'yan dahil dinala ko dito."

"Di naman sa pinangungunahan kita. Pero baka ikapahamak niyo pa ang pananatili ni Mina dito."

"Ayaw mo ba siyang kasama sa bahay? Just tell me. Sa bahay na namin siya patutuluyin."

"No!"

"Eh, Anong problema?"

"Inaalala ko lang ang kaligtasan niyo. Paano kung malaman talaga niya kung anong trabaho ang meron kayo?"

"Hindi niya malalaman kung walang magsasabi sa kanya. That's it. Aalis din naman siya. Ilang araw lang siya dito. Walang dapat ipag-alala, Momo."

"Fine. Naiintindihan ko na. I'll let her stay here temporarily." Sagot ni Momo sakin.

"Salamat, Momo."

"Napansin kong mukhang nagiging close na kayo." Akma na sana akong aalis nang magsalita na naman si Momo.

"No. We're not. She's nothing." Sagot ko kaya napatango na lang si Momo.

"Ah. Mabuti naman. Ayoko lang naman na mapahamak kayo nang dahil sa kanya."

"Hindi kami mapapahamak nang dahil sa kanya o dahil sa kung ano pa man. Hindi kami mawawala sa tabi mo. Promise." Sagot ko sa kanya sabay taas pa ng kanang-kamay ko.

"Pangako mo 'yan ah." Nakangiting sabi niya sabay yakap sakin nang mahigpit.

"Pangako."

"Kumusta nga pala ang sugat mo?"

"Heto. Pagaling na naman."

"Mabuti kung ganun. Magpahinga ka lang. Okay?"

"Salamat sa concern. Babalik na ko sa bahay. Ikaw na munang bahala kay Mina."

"Si--Sige. Ako nang bahala sa kanya." Sagot niya kaya lumakad na ko.

Nang madaanan ko si Mina na nakikinig ng music habang nakaupo sa sofa, nagwave na lang ako sa kanya sabay labas na ng bahay.

Nang bumalik ako sa bahay, naupo na lang ulit ako sa sofa.

"Ayieh. Namiss niya si Mina kaya pumunta siya sa bahay ni Momo." Pang-asar na naman ni Chaeyoung.

"Bwisit ka talaga, Chaeyoung!" Tumayo na ko't hinabol si Chaeyoung sa buong bahay.

"Anong ginagawa nila Momo?" Tanong naman ni Jeongyeon.

"Ayieh. Si Jeongyeon namimiss si Momo." Pang-asar din ni Chaeyoung kay Jeongyeon.

"Aish. Bakit pati ako?!" Nakakunot-noong tanong ni Jeongyeon kay Chaeyoung.

"Crush mo talaga si Momo." Sabi nj Chaeyoung kaya napalingon ako kay Jeongyeon.

"Crush mo si Momo?"

"Of course not! Gague ka talaga, Chaeyoung. Lagot ka sakin!" Tumayo na rin si Jeongyeon para kuyugin si Chaeyoung.

"Joke lang. Di na kayo mabiro." Paliwanag ni Chaeyoung nang paghahampasin namin siya ng pillow.

Nauwi ang bangayan namin sa tawanan nang biglang mapa-utot si Chaeyoung. Napahagalpak kami sa kakatawa ni Jeongyeon sa kanya.

Agad naman siyang gumanti samin. Pinagtatadyakan niya kami nang slight. Normal na samin ang ganitong bagay. Lumaki kami nang magkakasama. Natuto kaming mamuhay sa tulong ng isa't-isa.

Mahal na mahal ko ang dalawang 'to kahit na nakakainis na sila minsan. Kahit na ganito ang buhay namin, alam kong masaya kami kasama ang isa't-isa. Sana hindi na magbago 'to. Sana habang-buhay na kaming masaya kasama ang isa't-isa.

🌺To Be Continued🌺

A/N: Sorry sa slow-update. Hindi maganda pakiramdam ko ngayon eh. Masakit talaga ang ulo ko dahil sa sobrang puyat. Kailangan kong magpahinga. Maga-update naman ako kapag nasa kondisyon ako. Fighting!

Don't forget to leave some comments. Thank you nga pala sa support niyo. Dahil sa mga nababasa kong positive comments niyo, ginaganahan akong mag-ud. Saranghae 💖

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now