“He is miserable as hell Cornelia. Wala ka dito kaya hindi mo alam na araw-araw siyang tumatambay sa bar ni Finn para lang malunod sa alak. Akala niya niloko mo siya at iniwan sa ere, He was so depressed that time na inisip niyang magpakamatay not until Ashlyn and Jason came to the picture and Ashley came to his life. Cornelia wag lang yung paghihirap at sakit na nararamdaman mo ang isipin mo. Isipin mo rin si Tristan.”dagdag pa niya kaya naman umiling na lang ako pero yung mga mata ko traydor talaga. Nagtakasan ang luha sa mata ko sa mga narinig ko kay Guia.

“Hindi ka namin tinraydor Cornelia in fact we help you, Kayong dalawa ni Tristan tinulungan namin kayo dahil pareho niyong pinapahirapan ang mga sarili niyo.”sabi ni Shiela sa akin kaya naman agad kong pinunasan ang luha ko, Still galit pa rin ako at ramdam ko pa rin hanggang ngayon yung galit ko sa ginawa ni TJ.

“Pagod ako, Umuwi na kayo. Hindi maaalis ng mga paliwag niyo na pinikot ako ni TJ at tinraydor niyo ako.”sabi ko at tinalikuran ko na sila, Narinig ko pa ang pagtawa ng sarkastiko ni Shiela sa inis.

“You know what Guia, Umalis na tayo dito. Hindi tayo papakinggan ng taong sarado pa ang utak dahil sa galit.”sabi ni Shiela at umakyat na ako pa-akyat sa itaas pero narinig ko pa ang boses ni Shiela na nagsalita bago sila tuluyang umalis.

“Naaalala mo bang palagi mong sinasabi kay Tristan na selfish siya? Ngayon sa tingin mo Cornelia, Sino ang selfish ngayon?”napatigil ako sa paglalakad at tinignan ko sina Shiela at Guia na inilingan ako bago lumabas ng bahay. Napalunok ako ng laway ko at sa tingin ko may nagbabarang bagay sa lalamunan ko.

“Mama.”tawag ni Trick sa akin mula sa itaas kaya naman agad ko siyang inakyat at yinakap ng sobrang higpit. Tumulo ang luha sa mata ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pinunasan ko yung luha ko at hinarap ko si Trick. Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ko rin ang noo niya.

“Kamusta ang school mo kanina? Magpahinga ka na anak, Maaga pa ang pasok mo bukas.”sabi ko sa kanya at tumango naman siyang naglakad papunta sa kwarto niya dito na pinahanda pa ni Lola para sa kanya. Ako naman pumunta na sa kwarto para magpahinga.

Pero hindi ako nakapagpahinga dahil sa mga iniisip ko at dahil na rin sa mga nalaman ko tungkol kay TJ. There’s a part of me na sige patawarin ko siya kahit na pinikot at pinaglaruan niya ako samantalang yung kalahati naman ayaw dahil nasasaktan pa rin.

Hindi ako nakatulog buong gabi dahil sa mga iniisip ko at may mga oras pa na napapaiyak na lang ako. Kaya nang kinaumagahan hindi ko nagawang bumangon sa kama kinailangan pa akong daluhan ni Coraline kasama si Jairus at Jaiden.

“Pumasok na si Trick sa eskwelahan ate, Dalawang araw ka na dito sa kwarto mo hanggang kailan ka magmumukmok dito?”tanong ni Coraline sa akin at ramdam ko ang titig niya sa akin mula sa likuran ko. Narinig ko pa ang buntong hininga ni Jairus at ang pag-“tss” ni Jaiden.

“Naiinis ako kay Gonzales pero hindi ko maiwasan isipin na siya ang ama ng pamangkin ko. You better settled this for once Little Cousin inaalala ko rin ang pamangkin ko dito. Bangon-bangon din pagme-time hindi yung nagmumukmok ka lang dito na parang teenager.”sabi ni Jaiden bago ko narinig ang pagbagsak ng pinto ng kwarto narinig ko rin ang yabag ng paa ni Jairus. Naramdaman ko ang haplos ng palad ni Coraline sa buhok ko.

“Ate akala ko ayos na, Akala ko okay na pero bakit ganoon? Ang problema nagpapahinga lang pero pagbalik niya isang malaking perwisyo ang pasabog niya.”matawa-tawang sabi ni Coraline habang hinahaplos pa rin ang buhok ko. Napaharap ako sa kanya at umupo ako sa pagkakahiga ko sa kama saka ko siya yinakap.

“Ang sakit kasi.. Niloko niya ako. Pakiramdam ko tinraydor nila ako.”at umiiyak na naman ako. Ayoko na sobrang sakit na kasi nakakapagod. Yinakap ako pabalik ni Coraline at hinaplos muli ang buhok ko tulad ng parati kong ginagawa sa kanya para patahanin siya.

My Guy (series)Where stories live. Discover now