Maya maya, nagreply na siya.

"Where are you? Nandito kami sa bahay. Sige, mag-iingat kami. Mag-iingat ka din. Please come back. Nag-aalala na talaga kami sayo. Anong maitutulong namin?" Reply niya.

"Tumawag ka ng Pulis. Papuntahin mo sila sa address na itetext ko sayo." Reply ko. Agad ko na ring initext sa kanya ang address ng kinaroroonan namin.

Nagmadali na kong tumakbo pabalik sa abadonadong building. Nagkunwari akong walang nangyayaring kakaiba.

"Bakit parang ang tagal mo naman sa labas?"

"Nawili lang sa pagpapahangin." Sagot ko sabay ngiti sa kanila.

"Hoy! Good Dog, Umayos ka. Subukan mong gumawa ng ikagagalit namin, kundi malalagot ang mga kaibigan mo." Sabi ng isa sa kanila.

Kayo ang malalagot, dahil ipatitikim ko sa inyo kung anong dapat sa inyo dahil sa ginawa niyong pananakit sa mga taong mahalaga sakin.

"Sige. Wag kayong mag-alala. Babalik na ko sa loob."Pasimple ko na rin munang kinuna ang kutsilyo na nakalapag sa table bago tuluyang bumalik sa loob ng kwarto.

Naabutan kong tulog parin ang babaeng nakagapos. Sinimulan ko na siyang gisingin nang ilang beses hanggang sa mapaiktad siya sa pagkakahiga.

Ito na ang simula, agad ko nang ginawa ang plano't tinanggal ang pagkakagapos niya gamit ang kutsilyo. Nang makawala siya, agad na kaming kumilos.

I'll risk my life para lang makaalis na sa lugar na 'to. Sa paglabas namin ng kwarto, nagsimula na ang pakikipagbarilan ko sa kanila.

Kahit na ni minsan 'di pa ko nakakapatay, marunong akong gumamit ng baril.

Sa pagsisimula ng laban na 'to, nagawa kong mapatay at mapatumba ang mga kalaban. Ngayon, nagawa ko nang pumatay. Pero di para sa babaeng 'to, kahit kailan di ako papatay para sa ibang taong wala namang halaga sakin.

It's just wala talaga akong choice kundi gawin 'to. Nang makalabas kami, sakto namang dumating ang Van nila Mister X. Lumabas sila ng Van at nagsimulang magpaputok ng baril kaya lumaban ako. Mabuti na lang at nakakailag kami ng babaeng kasama ko.

Hanggang sa dumating ang mga pulis na agad ding nakipagbarilan kila Mister X. Di nila kami napansin. Tumakbo na ang babaeng kasama ko kaya sumunod na ko sa kanya pero bago pa kami makalayo nang tuluyan, tinamaan ako ng baril ni Mister X sa kaliwang braso.

Sinubukan ko nang paalisin ang babaeng kasama ko, pero tumanggi siya. Imbes na tumakas nang mag-isa, tinulungan niya kong makalayo rin.

Nang tuluyan na kaming makalayo sa kanila, napadaan kami sa madayami at mapunong parte sa gilid ng kalsada.

Dahil sa sugat na natamo ko, mabilis akong nanghina hanggang sa mapaupo na ko sa lupa.

"Kailangang madala ka sa hospital." Sabi sakin ng babae.

"No. It's nothing. Just go. Umuwi ka na sa inyo!"

"Baka lumala pa lalo yang sugat mo't madami ang mawalang dugo sayo kung di kita dadalhin sa hospital." Dagdag niya.

"Sinabi nang wala nga 'to. Umalis ka na. Kaya ko na 'to!"

"Pero-----"

"Bilisan mo na!"

"Si--Sige. Maraming salamat sa pagliligtas mo sakin." Sabi niya sabay punit sa konting part sa baba ng bistida niyang puti.

"Anong gagawin mo?"

"Para mapigilan ang mabilis na pagdugo ng sugat mo." Sagot niya sabay lagay ng tela mula sa bistina niya sa aking kaliwang braso.

"Umalis ka na!"

"Anong pangalan mo?" Tanong niya.

"Hindi mo na kailangang malaman."

"Sabay na tayong sumakay sa dadaang taxi."

"Mauna ka na. Lakad na!"

"Si--Sige. My name is Myoui Mina. Mag-iingat ka. Bye." Sabi niya sakin bago tuluyang umalis.

Nang makasakay na siya ng taxi, kumilos na rin ako. Sinigurado ko munang walang nakatakas na tauhan ni Mister X o mga umaaligid na pulis nang magpapara ako ng Taxi.

"Bakit duguan ka? Bakit may baril kang hawak?" Tanong ng Driver.

"Wala ka na dun." Sagot ko sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi magmaneho dahil may hawak akong baril.

Sa pagbiyahe ko pauwi sa bahay namin, wala akong pamasahe. Nang malapit na sa bahay, nagpapara na ko. Bumaba ako nang walang bayad.

"Yung bayad mo." Sambit niya.

"Bala ng baril, gusto mo?!" Dahil sa takot, umalis na ang taxi driver sakay ng taxi niya. Wala akong choice kundi takutin siya. Masama akong tao. Masamang-masama.

Nilakad ko ang eskinita pabalik ng bahay kahit na dumudugo na ang sugat ko't kahit na nanghihina na ko. Sa totoo, nadaplisan lang ako ng bala sa kaliwang braso pero makapanghihina parin 'to.

Nakita ko si Momo na nasa stall niya ng repolyo. Agad na kong kumilos para lapitan siya. Tinanggal ko na ang mask ko.

"Mo---Momo!" Tawag ko sa kanya. Nang lumingon siya, nanlaki ang mata niya.

"Da--Dahyun?! Oh no. Dahyun!" Nagmadali siyang tumakbo sakin pero agad na ring nanlabo ang paningin ko't nawalan na ng malay.

💜To Be Continued💜

A/N: How's my ud? Hahaha.

Dont forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now