"Siguro nga Leigh tama ka," aniya at nakita kong nanunubig na ang gilid ng mga mata niya. The guilt was slowly eating me. I tried to go near her and hug her but she stopped me halfway. "Oo Aleighna. Takot ako na ilaglag si Nazaire dahil takot ako sa mga pwedeng mangyari. Pero Leigh kung alam mo lang. Leigh if you only know what scares me more!"

Bigla ko na lang nakita ang pagkinang ng tubig na nahuhulog mula sa mata niya. Frustration was swallowing her.

"Gosh. Louise I'm sorry, I didn't mean to-"

"I'll leave now Leigh. Take care. Never go along Nazaire's way again," she said upon cutting me in between words.

Ilang segundo akong napatingin sa kawalan matapos na umalis si Louise. I then let myself fell on the bed. Nasa kalahati pa lang ako ng araw but it seemed to be very long already. I took my cellphone beneath the pillow and was supposed to call Iana only to find out that my network was cut off.

"What the hell?"

Agad akong napaupo. Inabot ko ang laptop mula sa drawer sa bedside table ko and was hoping to access it dahil mababaliw yata ako sa kaiisip ng mga nangyari. I clicked the power button while crossing my fingers.

"Oh please, please please," sunod sunod na saad ko habang hinihintay itong magbukas.

Damn. I could no longer connect to the school's wifi.

Inayos ko ang sarili ko at agad akong lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa reception table but no one was around. Where could Miss Gryzel possibly be? Dumiretso na lang ako sa telepono but the landline was even cut off.

"Wala ka ba talagang kadala-dala Aleighna Lowrie?"

Hindi pa man ako nakakalingon ay kilala ko na agad ang pinggagalingan ng boses at hindi nga ako nagkamali. It was Chastity Nevara.

"I am giving you a warning Lowrie. This is supposed to be your third and last one pero sige, I will give you the very last one. Once I caught you again, or any of the SCB officers, class officers or department representatives, you will be automatically sent to the detention office. And just so you know, iba ang pamamalakad sa Detention tuwing may coding. You won't like it. No one will," aniya at saka ako nilagpasan.

Hindi ko nagawang magsalita. The Chastity in front of me a while ago was different from the Chastity that I had known and everyone was telling about.

Napahilamos ako ng aking mga kamay sa aking mukha ng wala sa oras. This is really getting worse. Ipinikit ko ang mga mata ako at pilit na kinalma ko ang aking sarili. Ilang sandali lang ay biglang tumunog ang speaker.

"Good day Heartfilians. This is Axel Belmonte, your SCB PIO. I, together with my co-SCB officers, inform everyone that the orange code will be effective in thirty minutes. If you noticed, all lines were already cut off. Everyone is advised to follow the policies regarding the orange code. This is an announcement from the Student Affairs Service Office. Thank you and have a good afternoon ahead."

The speaker beeped and that ended the announcement of the SCB from the SAS Office.

Tama nga ang hinala ko na may kaugnayan sa orange code ang pagkawala ng network signal at internet connection. Bumalik na lamang ako sa kwarto at kinuha ang dalawang textbook ko dahil wala na akong afternoon classes. Unti-unti na ring nagsisidatingan ang ilang estudyante na sa tingin ko ay pare-pareho lang din ang gagawin. Review. Ano pa nga ba? Eh rank is the only thing that matters here in Heartfilia. Lumabas ako ng Engnr. Zyrie Illushia Building II at nagtungo sa cafeteria. Anyway, ngayon ko lang napansin that all dormitory buildings were labeled as Engr. Zyrie Illushia Building. Bigla tuloy akong napaisip kung mayroon bang building dito na ipinangalan kay Mr. Zaiede.

Heartfilia's PremisesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant