Nagulat ako ng may tumapik-tapik sa pisngi ko. Maya-maya naramdaman ko na may dumampi sa labi ko kaya naman napadilat ako. Napatingin ako sa mukha ng lalaking mahal na mahal ko na nakatingin sa akin habang nakangiti.

“Nakatulog ka babe, Nandito na tayo.”mahinang bulong niya sa akin kaya naman napa-ayos ako ng upo at umunat. Nakatulog pala ako kanina sa biyahe, Nilingon ko sa backseat si Ashley at Trick na masarap pa rin ang tulog. Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumabas kami ni TJ, Kinuha ko si Ashley ng dahan-dahan at ganoon din si TJ kay Trick.


Ako ang kumarga kay Ashley papasok sa bahay at si TJ naman kay Trick. Pinagbuksan pa nga kami ni Tiray ng pinto dahil narinig daw niya ang pag-parada ng kotse tapat ng bahay. Inakyat ko si Ashley sa guestroom at kinumutan ko siya, Hinalikan ko rin siya sa noo bago ko siya iwan.
 

Pumasok ako sa kwarto ni Trick at nandoon si TJ tinutuck-in si Trick sa kama niya. Pinalo ko si TJ dahil balot na balot ng comforter si Trick, Natawa naman siya sa pagpalo ko sa kanya ng mahina. Inayos ko na lang ang pag-kumot ko kay Trick saka ko siya hinalikan sa noo. Lalaruin pa ni TJ ang natutulog na anak niya kaya naman hinatak ko na siya palabas.

“Tara na kumain ka muna para makatulog ka na, Alam kong pagod ka buong maghapon.”sabi ko sa kanya at hinatak ko siya sa kusina. Naabutan pa namin si Tiray na sinasara ang ilaw sa salas pati na rin sa Dinning Area.

“Huwag mo munang isara yung nasa kitchen Tiray, Magluluto lang ako ng hapunan.”sabi ko kay Tiray at nagsalit ang tingin niya sa amin ni TJ bago siya ngumiti saka siya naglakad sa kwarto niya na Maid’s Quarters sana kaya lang siya lang mag-isa kaya solo niya ang buong kwarto.

“So anong iluluto mo sa akin?”tanong ni TJ sa akin na yinakap ako sa likuran. Ngumisi ako sa kanya at binuksan ang pantry para ipagluto siya ng pasta na natutunan ko kay Jaiden na may alter-ego na gustong mag-chef, Joke niya lang iyon sa akin na may alter-ego siya para hindi niya tanggapin sa sarili niya na gusto talaga niyang mag-chef. Loko kasi yung pinsan ko na iyon eh.

“Umupo ka lang diyaan 15 minutes lang ito.”sabi ko kay TJ at kinuha ko ang linguine pasta. Nilagay ko sa strainer bago ko siya ihulog sa boiler. Hinanda ko yung kailangan at sinumulang lutuin yung pasta, Tulad nga ng sinabi ko kay TJ fifteen minutes lang ang kailangan.

“Woah, Never knew that you can actually cook pasta for 15 minutes.”manghang sabi sa akin ni TJ ng ilapag ko sa harapan namin yung pan kung saan ko niluto yung pasta. Doon na lang kami kakain dalawa dahil mas masarap kapag share, Lol.

“Now you know babe.”sabi ko sa kanya na ginaya yung tawag niya sa akin kanina bago ko siya kinindatan saka ko inabot yung fork sa kanya.

“So babe ang tawagan nating dalawa?”matawa-tawa niyang tanong sa akin at nag-shrug naman ako habang pinapaikot sa tinidor yung pasta. Sumubo siya at habang ngumunguya napangisi siya, May naiwang pang sauce sa labi niya.

“The best.”sabi niya kaya naman inilingan ko siya habang nakangiti. Habang kumakain bothered na bothered talaga ako sa white sauce na nasa labi niya, Did i forgot to tell you guys that i cooked Cream Truffle Pasta? Now you know.
 

Sinubukan kong hindi pansinin yung sauce sa labi niya pero habang patagal ng patagal padami ng padami yung sauce kaya bothered na bothered talaga ako. Halos paubos na yung pasta ng tignan ko siya ng seryoso at siya patuloy lang sa pagkain. Umiling ako at sumubo halos sabay pa nga kami kaya may pasta na lumambitin sa bibig naming dalawa. Ang kalat niyang kumain pero ang gwapo niya pa rin.
 

My Guy (series)Where stories live. Discover now