Sina Tito Chase, Kuya Rhen at Andrea pa ang nakatira dito. At ngayon ay nagplano na akong lumipat dito.

"Talaga bang dito ka na titira, anak?"

Binitawan ko ang handle ng maleta at humarap kay mama at papa na halos maiyak na dahil dito na ako titira. Case closed na sila kaya hindi na nila ako kailangan. Besides, makakasama ko naman si tito at mga pinsan ko. They're my real fam.

"No matter what, I still love you guys, okay?" isa-isa ko silang niyakap at hinalikan sa pisngi. "Sabi nga ni nana; kahit iiwan ko na kayo ay mananatili kayo sa puso't isipan ko. I will miss the both of you."

"Eh paano naman ako?" nakangusong tanong ni kuya Joel kaya tatawa-tawa akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.

"Syempre ikaw din, baliw."

Ginulo ni kuya ang buhok ko kaya ako naman ngayon ang nakasimangot.

Nakakalungkot din dahil hindi ko na sila makakasama sa iisang bahay. This coming holiday, hindi ko na sila makakasalo sa nochebuena at medianoche. I am no longer a part of their family. Plano pa nga ni mama na ampunin ako pero hindi na ako pumayag. I will still be their Agnes pero sa mga papeles ay ako na si Agatha.

Si Agatha Marielle Flores. Ang batang kinupkop ni Chelsea Santos dahil sa kanilang kaso. And speaking of their case, si Tito Chase na ang gumawa ng paraan para itago iyon. Bago niya basagin last month ang bola ng kristal ay may ginawa siya para hindi na maalala ng ibang tao ang nangyari.

No one. Except sa mga malapit sakin. Sina mama, ang mga kaibigan ko. Sila lang ang nakakaalam. Kahit ang boss ni mama ay hindi na niya maalala pa. Lahat ng mga papeles na tungkol sa kaso ni nana, wala na. Pinutol na lahat ni Tito Chase ang lead sa kaso.

It burned out. Like how he did to burn other's memories for the sake of our family.

"Magiingat ka. Kahit hindi ka namin tunay na anak, napamahal ka na samin. You will always be our Agnes," muli akong niyakap ni mama at hinalikan sa noo.

Si papa at kuya Joel naman ay inilabas ang mga kagamitan ko mula sa sasakyan. I told them not to bring those dahil sa kanila naman talaga 'yon. Pero mapilit sila. They still treated me like their family.

"Alagaan mo ang sarili mo," paalala ni papa at muli akong niyakap bago sila pumasok sa kotse at umalis.

Bumuntong hininga ako. Kahit na napakaraming problema ang dumating sa buhay ko, life goes on. Buhay pa naman ako at ayokong sayangin ang buhay na binigay sakin ng Maykapal. Enjoy; that's the best thing I could do.

Nakita kong lumabas lahat ang mga kaibigan ko mula sa loob ng bahay. Abot tenga ang ngiti nila nang makita ako. Tinulungan nila akong ipasok ang mga gamit ko papasok sa loob ng bahay.

Nandito sila para raw makapag-bonding kami. Palagi nalang raw kami nagbobonding sa illusion at hindi sa real life. And it's Jenny's idea, by the way.

"Omg! Excited na oks manood!" tili ni Jenny at inayos ang mga unan sa sala.

Sabado ngayon at napag-usapan nilang magsleep-over dito samin. Ayaw pa nga sana ni Tito Chase pero pinilit nila dahil raw sila ang tumulong sa pagpapaayos ng bahay. Good thing, bumalik na ang sigla ng bahay.

Lahat kami'y nasa sala at may hawak-hawak na bowl na ang laman ang popcorn. Nagsimula na ang pelikula kaya lahat ng mga ilaw ay pinatay na ni Francis. 

* * *

Imbes na manood, nagkulitan at nagasaran lang kami. Umabot pa sa paghahampasan ng unan at pagbabatuhan ng mga popcorn. 

Nagtawanan kami. Para kaming mga bata dahil sa aming ginagawa. God, sana ganito kami palagi. Yung masaya, yung magkakasama parati. Yung walang inaasikasong problema kahit isang araw man lang.

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now