29.

811 45 13
                                    

Protagonist.

Pigil hininga ko silang tinitingnan isa-isa. These seven little kids--este men, titig na titig sa 'kin. Ang sama-sama ng tingin nila sa 'kin na para bang may ninakaw ako mula sa kanila.

If I am not mistaken, they are known to be the seven dwarfs. But here they are, hindi sila dwarfs. Ang liliit lang talaga ng mga paa at kamay nila. Kung hindi ko lang sila kilala, baka masabihan ko sila na mga bata.

"W--Woah!" otomatik ulit akong napataas ng dalawang kamay nang tutukan ulit ako ng baril ng bata--este lalake. My heart skipped a beat, thinking that this might be my end if I won't raise my hands para ipakita na wala akong masamang binabalak sa kanila.

"Anong pangalan mo? Ba't ka nandito?!" tanong ng isa sa kanila na medyo matured na ang mukha, his little finger's pointing at me.

Tumikhim ako, titig na titig sa bibig ng baril dahil baka kapag i-aalis ko ang tingin ko doon, bigla nalang pala lalabas ang bala papunta sa katawan ko. Holy cow. I can't die here. 

"A--Agnes Ocampo," napapikit na lamang ako't huminga ng malalim.

I thought the fairy tale ended? Pero ba't nandito na naman ako sa isa sa mga Disney movies, ang Snow White and The Seven Dwarfs?

"B--Ba't k--ka nandito?!" sunod naman na tanong ng may pulang ilong, I can't remember his name but I recognized him. The way he looks, the way how red his nose is.

And as expected, he sneezed in front of me kaya napapikit ako't iniwas ang ulo ko sa kaniya. Binatukan tuloy siya ng mga kasama niya at pinatalikod.

"I'm here to find my friends," sagot ko at muling humarap sa kanila. Nakita kong nakatalikod sa akin ang may pulang ilong at busy sa pagpupunas ng kaniyang sariling ilong. 

What was his name again? Sneeze? Sneezy?

"Hihihi. Dugong bughaw ka meron?" 

Nagulat ako sa isang matabang maliit na bata--este lalake. He's smiling at me, kitang-kita ang kulay dilaw niyang mga ngipin. Hindi ba siya marunong magsalita kaya medyo nagkaka-mix yung salita niya?

"Hindi. Pasensya na't nakalimutan kong nandito pala ako sa.." napayuko ako. I don't know what to say. Hindi ko naman din pwede na sabihin sa kanila na hindi ito totoo. Na illusion lang silang lahat. Pati 'tong paraiso na 'to.

"Paumanhin pero, ba't ka malungkot?"

Nagulat nalang ako nang hawakan ako sa balikat. Medyo napaurong pa ako ng kaunti. At dahil maliliit na tao sila, yung lalake na parang matutulog na dahil papikit-pikit yung mata niya ay medyo napalayo sa 'kin. Nagulat ko ata.

"Hindi ko alam. Basta nalang akong napunta dito," inangat ko ang tingin ko sa kanila. Ngumiti ako pero ewan ko kung guni-guni ko lang pero nakita ko silang nanlaki ang mga mata nila. 

What's the matter?

"I need to go. Este, kailangan ko ng umalis. Ayos lang ba kung mauuna na ako sa inyo?" dali-dali silang tumango kaya napangiti ulit ako sa kanila at kinawayan sila. 

Mabuti naman at hindi na ako tinutukan ng baril. Baka maabutan pa ako ng ilang minuto--God! I forgot about the time!

Ilang minuto na ba ang nasayang ko? Ilang--

"Too late, Agnes. You've wasted the ten minutes I gave to you," napahinto ako sa pagtatakbo nang marinig ko ulit ang boses ni miss Ab. 

Parang bigla akong binaril ng tatlong beses sa dibdib, hindi ko magawang makahinga nang malaman kong wala na akong oras. I wasted the ten minutes, I don't know what will happen to them.

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now