16.

1.1K 52 59
                                    

Aggy.

Agnes

Para kaming mga timang dito sa madilim na sala ng bahay. Nagaantay kami kung anong mangyayari matapos naming mahanap si Hazel na kasama si Miko. Matapos ko ding mapatay ang dalawang humahabol kina Hazel.

Bumuntong hininga ako at sinandal ang ulo sa dingding. Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to? Kailan matatapos ang paghihirap namin dito? 

I badly want to see my family. Baka nagaalala na sila sa akin. Ang tagal-tagal kong nawala, baka pinahanap na nila ako. Baka nagpapatulong na sila sa police dahil antagal kong nawala. Baka umiiyak na si mama dahil hindi niya nakikita ng ilang araw ang anak niyang may pangalan na Agnes Ocampo.

"Agnes."

Tiningnan ko lang si Hazel sa gilid ng mata ko. "Hmm?"

"Salamat."

Umayos ako ng upo at nilingon siya. 

Kaming dalawa lang ang nakaupo sa sahig samantalang ang iba ay nasa sofa. Ngumiti ako kay Hazel at tinapik ang kamay niyang nakapatong sa tuhod niya.

"There's nothing for you to thank for."

Ngumiti naman siya. "Naks. English 'yon, ah. Pero salamat talaga."

Tumango nalang ako kesa makipagtalo sa kaniya na hindi naman dapat siya magpasalamat sa akin. Ako dapat 'yung magpasalamat sa kaniya dahil ligtas siya. Ligtas silang dalawa ni Miko. Almost one day din namin siyang hinanap kaya todo pagalala ako sa kaniya.

'Buti at nahanap namin ang habay na 'to. Tsaka 'buti hindi kami arte dahil doon pa talaga kami sa tambakan ng mga basura dumaan. Kung hindi lang ata ako nagaalala ng husto kay Hazel, nagiinarte pa siguro ako doon. Naghanap pa siguro ako ng ibang daan para makapasok.

"Miko," napatingin kami kay Caleb na nakaupo sa sofa at kaharap si Miko. Katabi naman niya si Chris at Francis. "Miko ba talaga pangalan mo? Ang baho."

"Caleb," I called him in a warning tone. Ewan ko kung ba't badtrip siya kanina pa. Simula nang dumating si Miko.

May biglang tumabi sa akin--si Jenny lang pala. Tapos sa kabila naman ni Hazel ay si Selena. Bale, kaming apat na ang nakaupo dito sa sahig samantalang ang limang mga lalake, nakaupo sa sofa.

How gentlemen they are.

"Actually, nickname ko lang ang Miko," natatawang sambit ni Miko kaya napatingin kami sa kaniya. "It's actually Michael Kolby Suarez."

Umubo-ubo si Caleb tsaka muling humarap kay Miko. "Baho pa din. Wala na bang mas unique niyan? Bakit Miko nickname mo? Hindi ba pwedeng Kolby nalang?"

"Dude, h'wag mong pagtawanan ang pangalan ko. Porket mala-foreigner ang pangalan mo, ganiyan ka na? Tsk."

Padabog na tumayo si Miko kaya napatayo na din ako at tiningnan ng masama si Caleb. Ang walangya, tinaasan lang ako ng kilay. Aba.

Pipigilan ko sana si Miko sa pagwalk out niya nang biglang yumanig ang inaapakan namin. Napatayo na din sila. Tumingala ako at nakitang umuugoy ang malaking chandelier sa taas. Sinabihan ko sila na umalis doon at magtago sa ilalim ng malaking lamesa na nakita ko.

Paika-ika kaming lumapit doon dahil palakas ng palakas ang pagyanig. Nagkasya naman kaming syam doon dahil nga malaki ito. Ang sikip sikip nga lang.

"Anong nangyayari?" tanong ni Miko na siyang katabi ko pala. Tapos katabi pa niya si Caleb kaya ang sama-sama ng tingin niya kay Miko.

"Hindi ko alam," tanging sagot ko habang inaantay na matapos ang pagyanig. Maya-maya pa, tumigil na ang pagugoy ng paligid kaya isa-isa kaming lumabas. Pero pinauna ko sila. Ilang segundo ang nagtagal bago ako tuluyang lumabas.

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now