33.

753 44 9
                                    

Dulcis.

"Here, guys. We need to decorate our room as soon as possible.."

Hindi na ako nagatubiling pakinggan ang mga sinasabi ni Rhen, ang bagong class president. Or should I say, ang lalakeng pumalit na sa pwesto ko?

Can't blame him, though. 

"Miss Ocampo, are you with us?" 

Natauhan ako nang kalabitin ako ng katabi ko na si Hazel. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"What?"

"Si Rhen, tinatanong ka. Baka nakalimutan mo, grabe 'yan kung magalit."

Binaling ko ang tingin ko sa lalakeng titig na titig sa 'kin ngayon, nagre-reflect ang kaniyang lente dahil sa sikat ng araw sa labas. Umayos ako ng upo at huminga ng malalim.

Wala talaga akong gana ngayon. Pwede na ba akong umuwi? Ghad.

"Ano 'yon?" tanong ko sa kaniya.

I saw him gritted his teeth pero nagawa pa rin niyang sumagot sa tanong ko.

"You, Dimwall and Bonifacio will be the one to buy the decorations tomorrow. I will give you the money tomorrow, too."

Agad akong napatayo sa kinauupuan ko. Napakurap-kurap pa ako ng tatlong beses at ramdam ang lakas ng kabog ng dibdib ko. 

"D--Dimwall?" 

He nodded, "Yes. Caleb Dimwall and Andrea Bonifacio. Classmates, it's already break time!"

Napahawak ako sa dibdib ko at pilit na pinapahinto 'tong nararamdaman ko.

Kalma, Agnes. Pangalan lang 'yan ni Caleb..

Tumayo ang lahat at kaniya-kaniya na silang labas ng classroom para mag-lunch. Naupo ulit ako sa upuan ko at napahilamos.

Pwedeng kaming dalawa nalang ni Caleb? Alam ko naman na napaka-selfish niyan pero pwedeng kaming dalawa lang?

Hindi pa kasi kami nakapagusap dahil sa tuwing gugustuhin ko siyang lapitan, palagi namang parang may dingding sa pagitan namin at hihilahin ako palayo ni Hazel. O kaya'y biglang may lalapit na lalake kay Caleb at maguusap sila kaya hindi ako magkakaroon ng pagkakataon na kausapin siya.

Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Kung kailan naglakas loob na akong kausapin siya, tsaka pa may hahadlang.

"'Nes, ayaw mo bang mag-lunch?"

Umiling ako without giving Hazel a look. Gulong-gulo na ako. Ayoko na. Ayoko na--

"Excuse me, guys! Anong meron?"

Napaangat ang tingin ko sa harapan at nakita ang pamilyar na babae na may mahabang buhok, kurba na kurba ang kaniyang katawan at ang tangos ng kaniyang ilong. Para tuloy kumikinang ang kaniyang kutis dahil sa putla ng kaniyang balat.

Napaurong ako bigla nang mapatingin siya sa 'kin. Ngumiti pa siya, showing her perfect white teeth.

"Oh, hello! Ikaw yung nasa banyo kanina, 'di ba?" dinig na dinig ang matinis niyang boses. Napapikit tuloy ako ng mata ko dahil sa hiya. Ang lakas kasi ng boses niya 'gaya ni Jenny.

And speaking of Jenny, nakita ko siyang kalalabas lang ng classroom kasama si Selena at isa pang babae na hindi ko kilala at wala akong oras para kilalanin pa siya. Ang importante kasi sa 'kin ay yung maalala nila kung sino ako at kung ano ang koneksyon naming siyam--hindi pa kasama si Agatha do'n.

Tumayo ako at kinuha ang libro ko na kakailanganin kong ilagay sa locker at palitan para sa susunod naming subject. 

"Wait, wait, wait. Lalabas ka? Sabay tayo~"

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now