25.

956 41 9
                                    

Beauty will never meet Beast.

Agnes

Sa loob ng palasyo, may mga naka-ball gown na babae. May mga naka-formal attire na lalake at yung mga naghahatid ng food at drinks sa bawat lamesa ng bisita.

The slow music of an instruments began. Tumayo ang mga lalake para sunduin ang mga babae na gusto nilang makasayaw sa gitna ng victorian ballroom. There are couples, friends and cute little kids na nakisali din.

Hirap na hirap kaming naglalakad ni Agatha dahil sa mabigat na gown na suot namin. Yes, namin. Pareho kaming nahihirapan sa mabigat na gown na 'to. Ang sarap punit-punitin hanggang sa magaan na.

We are looking for a vacant table but we can't see anything. Except sa isang table na mukhang dalawang lalake lang ang nandoon. Nakatalikod sila sa amin kaya hindi namin makilala at makita ang mga mukha nila.

Nagkatinginan kami ni Agatha, as-if talking with the use of our eyes. Sabay-sabay kaming tumango at lumapit sa dalawang lalake.

"Paumahin, mga ginoo. Pwede ba kaming makiupo sa lamesa niyo?" I said with a soft and sincere voice.

They both turned to us. Nanlaki ang mga mata nila nang makita kami. Natigilan ako't nanlaki din ang mga mata ko.

"Caleb! Miko!" I cried in surprise. 

Hinila ko si Agatha para makiupo sa kanilang table. They both smiled when we saw us, feeling relieved.

"We're just talking about you," sabi ni Miko habang ngiting-ngiti na nakatitig sa 'kin. "And you're so beauti--"

"You're so gorgeous as always, Agnes. Pwede ba kitang isayaw?" tumayo si Caleb at kahit hindi ko pa siya sinagot, kinuha niya ang kamay ko at dinala sa gitna ng victorian ballroom. 

The instrument continued to play and people around us are dancing smoothly. Nakisabay ang mga nagsasayawan sa beat ng instruments.

Pinalibutan kami ng mga couples na nagsasayawan. Ngiting-ngiti naman si Caleb at pinatong ang kamay ko sa kaliwang balikat niya. He then held my hand tight and put his other hand on my hips.

Sinabayan namin ang tugtog ng instrumento. Titig na titig sa 'kin si Caleb habang may ngiting nakaukit sa kaniyang labi.

He looks.. perfect tonight. Ang gwapo niya tingnan sa kaniyang formal attire. If only I have my camera, pipicturan ko talaga siya.

"Woah," tumawa ako ng mahina at napahinto kami sa pagsasayaw. Tinanggal ko ang nakasabit sa aking leeg at tinitigan ng maigi 'to. It's my camera! Namiss ko na ding hawakan 'to. Namiss ko din ang pagkuha ng litrato.

"Let's take a pic!" masayang sabi ni Caleb at pumwesto sa tabi ko. Dinikit pa niya ang mga ulo namin kaya dahan-dahan kong tinaas ang lens ng camera at pinindot upang makunan kami ng litrato.

CLICK!

Napapatingin sa amin ang mga tao at nagtataka kung ano ang hawak ko't bakit kami ngumingiti. Nahiya tuloy ako kaya binaba ko na yung camera at tiningnan ang kuha naming dalawa ni Caleb.

We both smiled widely like there's no tomorrow. Medyo blurry ang background at tanging ang focus ng lens ay sa amin lang ni Caleb. I can say it's perfect, eh.

Sa isang utos ko lang gamit ang isip ko, nawala na ang camera na hawak-hawak ko. Bumalik na kami ni Caleb sa aming table at nakitang naguusap ang dalawang naiwan kanina, si Miko at Agatha.

Napatingin sila sa amin at bumalik ulit sa pag-uusap na 'tila hindi kami nakikita.

Umupo ako sa tabi ni Agatha samantalang si Caleb ay nasa harap ko, sa tabi ni Miko.

Mystique PuppeteerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu